Part 1

1734 Words
Ang Hari ng Angas AiTenshi   Dec 3 2014   "WELCOME TO PEACE MAKER CLUB!! Simula ngayon ay sa inyo na naka salalay ang ika-aayos at ika-bubuti ng ating paaralan. Tayo ang mag sisilbing taga pag taguyod ng kapayapaan at kaayusan ng ating mga departamento. Kaya’t mahalin  natin ang ating mga tungkulin." ang wika ng aming club adviser kaya naman lahat kami ay tumayo upang sumumpa sa aming tungkuling gagampanan.   Tungkulin ng "Peace Maker" club ang mag bigay ng kapayapaan sa aming paaralan, ang organisasyon ay nag bibigay seguridad sa mga mag aaral na nakakaranas ng pang aapi sa kapwa nila mag aaral. Tungkulin din ng club na ituwid ang baluktot na pag uugali ng isang mag aaral sa pamamagitan ng pag bibigay ng espesyal na seminar at gawain sa mga ito. Sa pag lipas ng mga taon, malaki na rin ang naging ambag ng naturang club sa pag papalaganap ng seguridad ng kaayusan sa buong paaralan. At ngayong taong 2014-2015 isa ako sa napiling miyembro nito.   Part 1   Ako po si Julian, 20 years old at kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Nursing sa isang malaking paaralan dito sa lungsod. May taas akong 5’9 at maganda naman ang aking pangangatawan dahil madalas din akong mag punta sa gym upang mag ehersisyo. Singkit na bilugan ang aking mga mata na nakuha ko sa aking ama dahil may lahi kaming intsik. At hindi naman sa pag mamayabang ngunit maraming nag sasabi na kahawig daw ako ng thai actor na si Mario Maurer. Ewan ko lang din kung totoo ha.   Kung tutuusin, ito ang unang beses na sumali ako sa isang club dito sa kolehiyo dahil mag buhat noong nag transfer ako sa campus na ito ay hindi na ako nahilig sa mga ganitong bagay. Para kasi sa akin ang mga ganitong activity ay pag aaksaya lamang ng oras. Mas nag eenjoy kasi ako sa pag aaral lamang bagamat hindi naman ako stand out pag dating sa patalinuhan dali mas marami pa ang mas mahusay kaysa sa akin.   Bakit ako napunta dito sa peace maker club? Ang totoo nun ay sinali lamang ako ng kaibigan kong si Dante, ang sabi nya kasi sa akin ay malaki daw ang maitutulong sa amin ng paglahok sa club na ito. At sinabi pa nya sa akin na "matagal na tagal na rin kami sa campus, sana ay bago man lang daw kami grumaduate ay makapag lingkod kami sa paaralan at makapag iwan ng kabutihan dito." Kaya naman labis ako humanga sa adhikain ni Dante para sa aming dalawa NGUNIT isa palang kalokohan iyon dahil ngayon ko lang nalaman na nandito pala ang crush nya sa peace maker club at sinusundan lamang nya ito. Kaya ayun nadamay pa ako sa kanyang kalokohan.   "Frend, maniwala ka sa akin, malaki ang maitutulong sa atin ng club na ito." ang wika ni Dante habang lumakad kami palabas ng gate.   "Malaki ang maitutulong sa akin o malaki ang maitutulong sa iyo dahil lagi kang nakakasilay sa crush mong member din ng club?" tanong ko   Natawa ito at itinulak ako ng bigla. "Hihihi frend naman, huwag mong ilakas dahil baka isipin nila ay promiscuous girl ako, hahaha."   "Naku tigilan mo nga ako sa kaartehan mo, ano naman ang gusto mong isipin ko? na conservative ka? May pa world peace, world peace ka pang nalalaman dyan noon pala idadamay mo lang ako sa kalandian mo." pag mamaktol ko   Si Dante ay ang aking unang naging kaibigan buhat noong mag transfer ako dito sa campus. Isa siyang gay na acting straight, ngunit kapag kaming dalawa lamang ay lumalabas ang tunay na kulay nito. Mabuting kaibigan si Dante, bukod pa rito ay matalino ito at talaga namang nakikipag sabayan ng galing sa mga top student dito sa campus. Sa pag lipas ng halos apat na semester namin na mag kasama ay siya na rin ang itinuring kong best friend at karamay sa saya at kalungkutan. "Hay naku frend, huwag mo na nga akong sermunan dyan. Mabuti pa kumain nalang tayo ng fishbol, matagal na rin akong hindi nakakatikim nyan." pag yaya nito habang hitak ako sa braso.   "Libre mo?" tanong ko naman habang naka ngisi.   "Oo naman. Ako ang nag aya diba?" ang sagot naman ito at tumapat sa tindero sabay sabi ng "Dalawang pisong fishbol nga!" Sabay kuha ng stick "Oh ayan frend kumuha ka ng dalawang piraso."   "Gago ka! Piso lang pala ilelebre mo sa akin inaya mo pa ako dito sa gate ng campus." pag mamaktol ko   "Ano kaba, blessing na yan. Go lang ayun piliin mo yung malaki na yun." ang pahabol pa nito.   Habang nasa ganoong posisyon kami, bigla na lamang na hinto sa pag nguya si Dante at kinalabit ako nito na parang naka kita ng multong palapit. "Frenddd frennd humarap ka dito daliii!" ang excited na bulong nito. "Oh bakit ba? Para kang taeng tae dyan hindi mo mawari." tugon ko naman   "Ayan frend, parating na siya!!"   "Oh sinong siya? Bakit ba parang excited na excited ka?" pag tataka ko.   "Si Shan Dave! Yung gwapong transferee sa campus. Matangkad, matipuno ang katawan, maputi, matangos ang ilong at mukha nitong action star. Kahawig nya ang artista sa holliwood na si Cody Christian. Basta napaka gwapo nya frend! Ayan na siya tumatakbo dito!!" ang wika ni Dante at parang aatakihin ito sa puso habang may itunuturong kung ano.   "Sino bang Shan Dave yang sinasabi mo at sabik na sabik kang makita siya.?" tanong ko ulit. "Ayaan frend yang gwapo na iyan! Yang mukhang anghel na bumagsak sa lupa." ang sagot naman ni Dante habang naka turo ito sa isang lalaking nakahubad.   "Nasaan ba? Bakit di ko makita?"   "Ayan frend oh! Ang gwapo nya talaga!!" sagot nito habang nakaturo sa isang lalaking tambay na naka topless.   Parang kumunot ang aking noo at nag taka "Yang payatot na iyan? Gwapo na ba iyan sa iyo? Nasaan ang matipunong katawan? matangos na ilong at makinis na balat diyan aber??May pa Cody Cody Christian ka pang nalalaman dyan! Ibala kita sa starving games eh!" pag mamaktol ko   "Ano kaba frend! Hindi iyan si Shan Dave!!" ang sigaw ni Dante "HEYY you! Skeleton king!! Umalis ka dyan sa gitna ng daan. Natatabingan mo si Shane Dave! Move ng onti! Tapos na ang halloween you may rest in peace!!" ang sigaw nito habang pinaalis ang lalaking naka hubad na aking nakikita.   "Ano kaba frend? Hindi iyon si Shan Dave dahil si skeleton warrior ang nakita mo kanina! Hayuuun si Shan Dave tumaktabo patungo dito!! Ayiiiii!!" ang muling impit na sigaw nito   tahimik..   Maya maya, unti unti kong nakita ang lalaking tinutukoy ni Dante. Tila huminto ang paligid, tumakbo ito at nakangiti suot ang isang lumang pantalon at sandong itim, bakat na bakat ang kanyang matambok na dib dib at bilugang braso. Tama nga si Dante, kahawig ito ni Cody Christian na isang actor sa US. Matangos ang ilong, mapula na parang mansanas ang labi, at makinis na mestiso ang balat. Halos natulala ako sa aking nakita, ngayon lamang kasi ako humanga sa isang lalaki. At habang nakatitig ako sa kanya ay tila slow motion itong tumatakbo patungo sa amin. Matamis ang kanyang ngiti na parang lumulutang sa paraiso ng kaligayahan habang tumatakbo hawak ang isang tubo sa kanyang kanang kamay at inihampas ito sa isang estudyanteng pasakay sa motor.   Tila nabasag ang aking pangangarap noong mga oras na iyon at bigla akong nagising sa lakas ng hiwayan. Ang lalaking tumatakbo sa aking paningin kanina lamang ngayon ay nakikipag hatawan ng tubo sa katawan. "PEACE MAKER! PEACE MAKER!!" ang sigaw ng mga estudyante habang nakatingin sa amin ni Dante. "Awatin nyo sila Please!!"   "Teka anong peace maker?" ang tanong ni Dante at tila nag ka amnesia ito. Nakalimutan na nya ang kanyang sinumpaang tungkulin kanina lamang. "Tado!! Member tayo ng Peace maker! Ayan nga sa damit natin oh. Anong naka lagay?" tanong ko habang nakatalikod at ipinakikita ang tatak ng aming suot na T shirt.   " CAPITAL P E A C E MAKER" iyan ang nakalagay frend. Ayy oo nga member nga pala tayo nito." ang wika nito at bigla ko siyang itunulak sa gitna away para umawat. "Umawat ka!!" sigaw ko   Ngunit hindi pa nakakalapit ito ay tumilapon na sa aming harapan ang kanyang katawan dahil may sumuntok sa mukha nito. "Danteee! Tol! Anong nangyari?" tanong ko habang tinutulungan itong tumayo muli.   "Nadale ako!! Ang sakeet!" ang sigaw nito.   "Ano kaba? Huwag kang sumuko! Kaya mo iyan!!" ang tugon ko at muli ko itong itinulak sa labanan.   At makalipas ang ilang sandali, kagaya ng pangyayari kanina muli nanamang tumilapon ang katawan nito sa aking harapan at mukha na itong racoon dahil sa tinamong black eye.   "Tol ayos ka lang ba?" ang tanong ko ngunit nakabulagta na ito kaya naman agad akong sumugod sa labanan dahil hindi ko maaaring sayangin ang kabayanihan ng aking kaibigan. "Tumabi ka muna tol. Salamat sa kabayanihan mo." ang wika ko habang hitak hitak ito sa kanyang balikat.   "Gaga kaa.. itinulak mo ako. I hate you! Nadeform na yata ang mukha ko." ang iyak nito.   Habang nasa ganoong pag kakagulo ang lahat, pumasok ako sa laban at doon ay sinubukan kong awatin si Shan dave na noon ay puro dugo na mukha. "Tol tama na! tamaaa na!!" ang sigaw ko ngunit isang malakas na suntok ang lumanding sa aking mukha dahilan para bumulagta ako lupa. "PAKKK!!" ang tunog kamaong humataw sa aking  sintido.   "Tarantado ka Shan Dave! Bakit ako ang sinuntok mo?" ang sigaw ko sa aking sarili habang nakahiga sa mabatong lupa. Hindi ko na nagawa pang makatayo dahil sa matinding pag kahilo.   KNOCK OUT!! ito ang makasaysayang pag bagsak namin ng aking kaibigang si Dante. Isang dakilang pag bagsak para sa aming kabayanihang ginawa.   At habang nakabulagta ako ay nag kagulo ang mga estudyante at pumaikot sa akin. Ang iba ay may hawak na cellphone at pinipicturan ang aking walang kalaban labang katawang lupa. Ito ang unang pag kabigo namin ni Dante sa aming simumpaang tungkulin. Disaster! Epic failed!!   Nakakahiya talaga.   Kung pwede lamang akong humukay sa lupa ay gagawin ko na..   Kaya naman pinikit ko na lamang aking mga mata at nag panggap na nawalan ako ng malay..   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD