Part 3

1827 Words
Ang Hari ng Angas AiTenshi   Part 3   Dec 4, 2014   Isang hapon nag patawag ng meeting ang Peace Maker club, mayroon daw mga importanteng agenda na tatalakayin ukol sa mga lumalang issue ng mga mag aaral. At siyempre bago kami umiwi ni Dante ay dumadaan muna kami sa AVR upang dumalo sa nasabing pag pupulong. "Pinatawag namin kayo upang pag usapan kung paano namin susulusyunan ang lumalang problema ng mga mag aaral dito sa ating campus. Nitong mga nakakaraang araw kasi ay napapansin kong kaliwa’t kanan na ang gulo at awayan dito sa ating paaralan. Ang iba ay nauuwi pa sa demandahan o kaya ay sa matinding sakitan. Kaya naman aming iniresearch ang mga taong madalas gumagawa ng gulo dito sa ating paligid at sila ang ating pag tutuunan ng pansin." ang wika ng aming adviser habang binubuksan ang projector.   Maya maya ay tumayo naman ang Captain ng aming team na si Luis dahilan para mangisay sa kilig si Dante. Siya kasi ang ultimate crush nitong kaibigan ko. Hindi naman katangkaran dahil 5’5 lamang ang taas nito, ngunit mukha kasi siyang bida sa mga koreanovela sa kanyang style at maging sa pananamit. "Frend ang gwaapooo!Puchaaaaaa!" ang impit na sigaw nito si Dante habang hinahampas ako. "Huwag mo nga akong hampasin! Kinikilig ka na nga lang mang hahampas ka pa. Umaayos ka nga. Ump!" ang tugon ko at itinulak ko ito dahilan para siya ay matumba at masubsob sa sahig. "Sorry napalakas yata."   "Aray, ang sakit.. bantay bata iyon ha.!" ang sagot naman habang inaayos ang kanyang sarili. "Tinitiis ko naman at pinipilit na huwag kiligin pero hindi ko talaga kayang pigilan." ang bulong nito sa akin.   "Oh ayan, kagatin mo!" ang wika ko naman sabay abot panyo ko sa kanya. Kinuha naman nya ito at inilagay sa kanyang bibig.   Nang matahimik ang kaluluwa ni Dante, muli akong nakinig sa pag papaliwanag ni Luis. Doon ay naka lagay sa isang power point presentation ang mga larawan ng mga taong madalas nasasangkot sa gulo dito sa paaralan. "Ang ika anim na estudyante ay isang babae. Siya si Carmela at isang sopomore student ng college of hrm. Madalas itong napapa away dahil sa kanyang angking kagandahan." paliwanag ni Luis.   "Maganda lang makasalanan na? Kung kasalanan ang pagiging maganda, sige ikulong nyo ako dahil guilty ako!" ang sabad ni Dante at nag tawanan ang lahat.   "Tama, maganda si Carmela ngunit ginagamit nya ang kanyang kagandahan upang mang agaw ng boyfriend ng ibang tao. Easy to get ika nga. Kaya naman naging hobby na nya ang makipag away para sa mga lalaki. Dahil dito siya ang numero unong kina iinisan ng mga kababaihan dito sa campus." paliwanag ni Luis.   "At dumako naman tayo sa pinaka worst na mag aaral dito sa ating campus. Siya ay walang iba kundi si Mr. Shan Dave Ramirez ang tingurian "Hari ng Angas". wika ng aming adviser at lumabas ang napaka gwapong picture ni Shan sa malaking screen ng projector. "Looks can be decieving. Marahil ang ilan sa inyo ay humahanga kapag dumaraan siya sa inyong harapan. Inaamin ko na maging ako ay humanga rin sa kanyang taglay na kagwapuhan ngunit sa kabila nito, samut saring gulo na ang idinulot nya sa ating campus.  At kabilang na rito ang mga sumusunod:   1. Pag sagot nya sa mga guro at pag papahiya sa mga ito kapag oras na ng klase. Kaya naman halos inatake sa puso si Misis Salaz noong mag turo ito sa kanilang block. Madalas din itong nahuhuling nang kokodigo at nangongopya sa katabi tuwing exam.   2. Ang madalas na pananakot nito at pambubully sa mga freshman. Lagi rin itong nasasangkot sa mga rambulan sa loob at labas ng paaralan.   3. Minsan ay nahuli na rin itong nang boboso at naninilip sa cr ng mga babae sa likod ng campus kasama ang kanyang mga kabarkada.   4. Dahil sa kanyang angking kaangasan at kabayangan sa pananalita at sa pag kilos, madalas tuloy siyang inaabangan ng mga tambay sa labas upang pag tripan. At higit sa lahat ay nag babaon din ito ng patalim sa loob ng kanyang bag ayon sa kanyang mga ka klase.   "Nanghihinayang ako sa batang ito, sana ay ginamit lamang nya ang kanyang kagwapuhan sa mabuting paraan. Ilang lamang iyan sa mga nahanap naming inpormasyon tungkol kay Shan Dave Ramirez. May katanungan ba kayo?" tanong ng aming club adviser.   "Maam, nasaan po ang pamilya ni Shan Dave?" tanong ko lang.   "Ang totoo nun ay walang nakaka alam kung saan ito nakatira. Ang ilan sa member ng club ay sinundan na ito pauwi ngunit madalas daw ay sa mga club at bar ang diretso nito hanggang doon na ito abutan ng hating gabi."   "Minsan naiinis ako kay Shan dahil madalas siyang nasasangkot sa mga gulo dito sa campus at siya rin ang sumapak sa aking mukha. Ngunit naisip ko lang na "sa halip na magalit tayo at mainis sa kanila, bakit hindi na lamang natin sila tulungan upang mag bago? O kung hindi man natin magawa iyon atleast kahit papaano ay nakatulong tayo sa kanila." paliwanag ko.   "Hmmm inspired ang gaga, alam kong nag karoon kana ng pag hanga kay Shan Dave no." ang bulong sa akin ni Dante kaya sinuko ko ito. "Arekupp. joke lang naman iyon."   "Very Well said Julian. Iyan nga ang ating gagawin ngayong hapon ito. Hahatiin namin kayo sa tig dadalawang pares upang tulungan ang ating mga subject. Una rito sina Julian at si Dante, kayo na ang bahala kay Shan Dave, alam kong kaya ninyo iyan." sabi ng aming club adviser   Maya maya nag taas ng kamay si Dante. "Miss, pwede po bang lumipat? Doon nalamang ako sa bratz gurl na si Carmela ang pinaka malanding babae sa balat ng lupa. Kase ayoko na kay Shan, baka sa susunod na makipag away ito mang hiram na ako ng mukha kay bantay. Arf arf! Please? Ilipat nyo na lamang ako." pag mamaka awa nito   "Im sorry Dante ngunit hindi na maaaring baguhin ang partnering, kapag pinag bigyan kita ngayon paniguradong ang lahat ay aalma na at makikipag palit. I know you can do it. Hindi ba’t ikaw ang pride ng club na ito? Kaya patunayan mong karapat dapat sayo ang titulo." ang tugon ng aming adviser sabay kindat kay Dante   "Ano pa ba nga, edi sige na. Ayoko namang iwan mag isa itong frend ko." ang wika nito sabay tapik sa balikat ko.   "Huwag kang mag alala, hindi na tayo sasabak sa pakikipag away, basta kung maaaring kausapin yang si Angas ay gawin na lamang natin para walang gulo." paliwanag ko naman. "Talaga frend? Hindi mo na ko itutulak sa battle field?" tanong nito na parang isang kawawang aso.   "Oo naman. Promise." ang sagot ko sabay ngiti sa kanya.   At iyon nga ang set up. Kami na ang bahalang dumiskarte para mailagay sa ayos ang buhay nitong si Shan Dave. Kumbaga kami ng tatayong guardian angels nya sa lahat ng pag kakataon. Kaya noong hapon din iyon bago kami lumabas ni Dante ng Audio Visual Room ay nag plano muna kami kung paano namin sisimulan ang trabaho.   Habang palabas ng gate, nakita ko naman si Shan na nag mamadaling bumaba ng hagdan at mukhang may hinahabol ito. Kaya naman naisip ko na baka ako ang hinahabol nito kaya ganoon na lamang mag dali. Ibayong takot ang aking naramdaman kaya naman agad kong binilisan ang aking lakad. Hindi pa rin ako nag pahalata basta mabilis lang akong nag lakad palabas ng gate at noong muli akong lumingon sa aking likuran at doon ay nakita ko si Shan na malapit sa aking kinalalagyan, kaunting distansya na lamang ang aming layo sa isa’t isa kaya naman kusang gumalaw ang paa ko at nag tatakbo palayo sa kanya. Naalala ko kasi kung paano nya ako sinenyasan ng "f**k you" kaninang maga.   Mabilis akong nag lakad palayo sa kanya ng marinig ko itong nag salita "Hoy tanod saan ka pupunta?!" sigaw nito   "Tanod? sino iyon?" tanong ko sa aking sarili habang patuloy sa pag lalakad.   "Hoy barangay tanod?! Huminto ka sa pag lalakad mo!!" ang muling sigaw nito   "Tanod? Hindi naman ako barangay tanod para humarap no." bulong ko sa aking sarili kaya diretso lang ako sa pag lalakad ng biglang may humablot na kamay sa aking knapsack. "Napapagod na ako kakatawag sa iyo ahh. Ano bang pinag mamalaki mo?!" ang galit na tanong nito at boses iyon ni Shan.   Parang may umakyat na dugo sa aking ulo noong mga oras na iyon. Patay baka nakasinghot ng katol ito at ako naman ang pag diskitahan. Jusko Lord, wala pa namang masyadong tao dito ngayon dahil gabi na rin. Humarap ako sa kanya at napansin kong di hamak na mas matangkad pala ito sa akin nasa 5’11 yata ang taas nya at talaga namang malaki ang katawan. "A-anong kailangan mo? Kung bubugbugin mo ako ay tatawag ako ng pulis!" ang sabi ko agad kaya lalong sumama ang tingin nito sa akin.   "Abaa, palaban ka pala. Iyan ang gusto ko sa mga kaaway, lumalaban. O na pano pala yang mukha mo? Mukhang maga pa ang pasa oh." ang wika nito at tiningnan ang kanyang kamao bagamat alam na alam naman niyang siya ang sumuntok sa akin kahapon. "Ayos ah. Sapol ka pala kahapon at hugis kamao ko pa yang pasa mo. Sukat na sukat ah." ang pang aasar nito habang dikit ng kanyang nakatikom na kamao sa parte kung saan ako nag karoon ng pasa.   "Huwag kang maangas dyan! Kayabang mo! Hindi ako nakisali sa away nyo kahapon dahil inawat ko lamang kayo. Kung alam ko na sasapakin mo ako sana ay hindi ko na ginawa iyon!"   "Kaya nga next time na makikipag sapakan ako ay huwag kanang makiki alam dahil baka matodo ko pa ang sapak sayo eh mabura na iyang mukha mo. Mukha ka pa namang babae. Baka manghiram ka ng mukha sa aso." ang sabi nito sabay hablot sa aking kaliwang kamay.   "Hindi ako bakla kaya hindi ako mukhang babae! Tigilan mo ko!" ang sabi ko at napansin kong may inilalagay siya sa aking kaliwang braso.   "Ayos na. Iyan yung relo mo na nahulog kahapon sa pag awat mo sa akin. Ibinalik ko lamang sayo. Sige aalis na ako." ang sabi nito at tila na tulala ako sa kanyang ginawa habang nakatingin sa aking relo. Oo nga pala nawala ito kahapon noong umawat ako sa kanilang gulo.   Tila may kung anong bagay ang muling tumusok sa aking dib dib noong mga oras na iyon habang pinapanood ko siyang lumakad palayo. Mag kahalong kaba, takot at tuwa ang aking naramdaman noong lumapit ito sa akin at ikinabit ang relo sa aking braso. Parang nabuhay ang aking pag asa na dalhin ito sa isang matuwid na landas kung saan hinding hindi na siya muling maliligaw pa.   itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD