Ang Hari ng Angas AiTenshi Part 6 Alas 7 ng umaga noong ako ay magising at tulog na tulog pa rin ang lahat kaya naman agad akong bumangon upang ilagay ang kumot sa katawan ni Shan noong makita ko si Dante na nag teleporr na sa tabi nito. "Eeyyy, ano ba yan tol, umalis ka nga dyan. Bakit naman tumabi ka pa dyan sa taong injured?" bulong ko habang inuuga ito. "Ano kaba frend, istorbo ka naman e, natutulog kami ni Shan Dave." ang tugon nito at muling tumagilid paharap kay Shan. "Eey tigilan mo nga yang kalandian mo! bumangon kana dyan." utos ko habang hinihitak ang paa nito pahulog sa kama. "Ang selfish mo talaga frend, ayaw mong ishare sa akin si Shan. Ang gusto mo sa iyo lang siya." pag mamaktol nito habang bumabangon. "Tado, doon na muna tayo sa ibaba upang makapag pahinga