CHAPTER 2

2058 Words
"Pech.... Pwede ka nang umalis. Pinagbigyan na kita kagabi na dito ka makitulog." Sabi ko kay Pech na kakatapos lang kumain ng almusal. Malinis na rin siya, sabi ko kasi sa kanya ay maligo na muna siya bago umalis. Pinahiram ko rin siya ng damit ko na sa tingin ko naman ay puwede sa kanya. "'Yung one hundred fifty pesos na bigay ko sa'yo, naitago mo ba? Mag-ingat ka... 'Wag mong ibibigay iyon sa iba." Sabi ko pa sa kanya. Napabuntong hininga ako ng makita ko siyang ngumiti, "Kuya.... Gutom na po ako..." What the heck? 'Yan na lang lagi ang lumalabas na salita mula sa bibig niya, o hindi naman kaya ay 'yung... "Kuya pogi penge..." Napailing na lamang ako habang nakatitig sa maamo niyang mukha. "Oh sige na... Alis ka na at marami pa akong aasikasuhin ngayon." Sabi ko pa kay Pech. Hindi siya gumalaw mula sa kinatatayuan niya kaya ako na ang kumilos. "Wait ka lang diyan, Pech... Maghihilamos lang ako at pagkatapos, ihahatid kita sa lugar mo." Sabi ko sa kanya. Nagpaka-gentlema na ako dahil iyon naman ang nararapat. Kaya naman nang matapos akong maghilamod ay saka na kami sabay na lumabas sa bahay ko. Habang naglalakad kami patungo sa nay Park kung saan ko siya unang nakita ay napapaisip ako. Ano kaya ang nakaraan ng babaeng ito? Mukha kasing may malalim na problemang ikinakaharap. "Pareng hunter?! Sino 'yang kasama mo ngayong chickababe? Hanep! May pinopormahan na ang virgin boy namin ah?" Napailing ako nang makita ko ang dalawang ugol na kaibigan kong si Allan at Peter. "Tskk.. Bakit kayo nandito?" "Masama na bang tumambay sa Park?" Sagot sa akin ni Peter, "Joke! Napadaan lang kami ni Peter dito sa Park... Pupunta kasi kami sa bahay ni Tito Lloyd dahil birthday niya... May kainan! Sama ka?" Kainan! "Talaga? Hindi ba nakakahiya?" "Sus! Nahiya ka pa sa lagay na iyan? Eh sure naman kami na kahit hindi ka namin tanungin ay sasama ka, basta may pagkain." Ani Allan. "Anong oras ba iyan? Susunod na lang ako. May gagawin pa kasi ako ngayon." Sabi ko sa kanila. "Mamayang hapon pa naman ay simula ng party. Maaga lang kaming pupunta ni Peter dahil gusto lang naming tumulong. Hindi naman kasi porket pogi eh magiging tamad na." Sabi ni Allan. Napa-ismid ako, "Sige na.. Umalis na kayo at masyado na kayong nakaka-abala sa amin ni Pech... May kailangan pa kasi kaming gagawin." Sabi ko naman. "Baka naman gagawa kayo ng bata? Kaya pala nandito kayo sa tapat ng SOGO, ah?" Asar ni Peter. "Ulol!" Sa wakas at tinantanan na rin ako ng dalawang ugok na kaibigan ko. Kaya ngayon ay malaya ko nang nakaka-usap si Pechay, in short ay Pech. Nagtungo kami sa may gitnang bahagi ng Park, "Pech... Hanggang dito na lang siguro ako.. Iiwanan na kita." Diretso kong sabi sa kanya. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nabg mapansin kong nanunubig na ang gilid ng mata niya. "Kuya.... Pogi...." Napakamot ako sa ulo ko habang napapatingin sa paligid. "Pech... Dito ka na lang, masaya naman dito... Ayaw mo nun? Nandito ka sa Park? Maaraw? Maingay? At mabaho?" "K—Kuya..." Napabuntong-hininga ako. Ano pa ba ng kailangan kong gawin sa babaeng ito para matantanan na niya ako. Napadako ang aking paningin sa lalaking naglalako ng ice cream, kaya tinawag ko kaagad siya at bumili ng isang ice cream na para kay Pech. Nang makabili ay agad ko iyong inabot kay Pech, "Hayan.. Ice cream. Siguro naman hindi ka na maiiyak dahil masarap iyan." Hindi naman siya nagsalita. Kinain niya ng kinain ang ice cream na binigay ko. Nawala na rin ang atensyon niya sa akin dahil nakapokus lang siya sa kinakain niyang ice cream. Kaya heto na ang tamang tiyempo. Hindi naman nakatingin si Pechay sa akin kaya patakbo akong lumayo sa kanya. Gusto ko nang makauwi dahil kailangan ko pang kumpunihin ang butas na yero sa bahay ko. Kailangan ko rin 'yon matapos dahil gusto ko ring makapunta sa birthday party mamaya. Ewan ko ba mga tsoy, pero habang papalayo ako kay Pechay ay para bang nanghihina ang tuhod ko. Ganito ba talaga kapag virgin pa? Speaking of virgin... Oo nga pala! Virgin na virgin ako at proud pa ako diyan. Wala pa kasi akong nagiging girlfriend, hindi naman porket gwapo ay may girlfriend na agad. Nang makarating ako sa bahay ko ay ang-feeling masipag na kaagad ako. Kinumpuni ko na ang yerong nabutas para kapag umulan ulit ay hindi na iyon tutulo sa kwarto ko. Marami akong nagawa sa halos na magdamag sa araw na ito. Ibang klase ang kasipagan ko, kaya naman ramdam na ramdam ko ang pawis ko.. Speaking of pawis.. Inamoy ko ang kilikili ko at napamura ako nang maamoy ko iyon. "Shet! Bakit ang bango pa rin?!" Sabi ko sa sarili ko. Wala naman kasi akong naamoy na masama. Ang bango pa nga eh, amoy baby... Speaking of baby... Kailangan ko na nga palang maligo para makapag-ayos na. May pupuntahan pa kasi akong birthday party mayamaya. Fresh na fresh ang feeling ko at feeling better din pagkatapos kong maligo. Pinorma ko pa ng maayos ang buhok ko para naman mas lalo akong maging gwapings mamaya sa party. ❇❇❇❇❇❇❇ "Hi pogi.." Hehehe... Napangiti ako sa sinabi ng babaeng kaharap ko, kunwari pa akong napakamot sa ulo ko na para bang nahihiya.. Feeling shy.. Ganyan naman talaga kapag humble, di 'ba? "Anong pangalan mo pogi?" Tanong sa akin ng chickababe na kaharap ko. Napalunok ako nang mapadako ang aking paningin sa dibdib ng babaeng kaharap ko. WTF men!!! Ang lusog!! Busog na busog. "Pogi... Anong pangalan mo?" Tanong niya ulit sa akin. Napabalik naman ako sa ulirat, nako! Baka mahalata ng chickababe na 'to na nakatingin ako sa kayamanan niya. H'wag naman sana. Ngumiti muli ako, "Hunter..." "Woah! Pati pangalan mo ang pogi!" "Hehehe!" "Sama ka naman sa akin after ng party. Pwede ka?" Napakunot ang noo ko, "Bakit? Anong gagawin?" Muli siyang ngumiti bago nagsalita, "Let's have fun!" Magsasalita na sana ako nang tawagin ako ng dalawang ugok kong kaibigan na si Allan at Peter. "Tol! Nandiyan ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap!" Ani Peter at saka tinignan ang babaeng kaharap ko, "Hi babe.. Pwede bang hiramin na muna namin 'tong tropa namin?" "Sure." Sinama ako ni Allan at ni Peter sa pwesto nila. Nakita ko pa ang iba naming mga kaibigan, nag-iinuman pala sila at sa tingin ko ay kanina pa sila nagsisimula. "Pare! Uminom ka muna, oh!" Sabi ni Arloo, kaibigan din namin. Umiling ako. "Salamat nalang Pare. Hindi kasi ako umiinom, good boy yata ako." Sagot ko. Wala lang, simula kasi nang matikman ko ang alak noong high school ako ay inayawan ko na iyon agad. Ang pangit kasi ng lasa! Hindi ko type! "Oo nga pala.. Hindi ka umiinom." Ani pa no Arloo.. Maniwala man kayo o sa hindi. Ayoko talagang uminom ng alak. Pero sa yosi? Yep yep yep! Diyan ako magaling! Marami rin akong tricks na alam kung paano magbuga ng usok ng sigarilyo. May pinag-uusapan ang mga kaibigan ko. Mayroon silang pinaplano na outing sa susunod na buwan at lahat ay dapat kasama. "'Tol! Paano 'yan? Wala akong pera ngayon.. Pwede bang pautangin mo muna ako sa pang-ambag ko diyan?" Bulong ko kay Allan. Ayoko sanang mangutang sa kanya kaso napilit talaga ang mga kaibigan ko. "Sus! Baka naman kapag pinautang kita, bigla kang mag-back out? Baka bilugin mo na naman ang ulo ko? Ganyan ka eh, kapag nagpapautang kami sa'yo, bigla kang magiging missing in action." Napakamot ako sa ulo ko, "Paano naman kita bibilugin? Kulangot ka ba?" "Kingina mo 'tol! Papautangin kita basta sumama ka para makumpleto naman tayo." Tumango ako, "Sure 'yan 'tol." Feeling heaven ako nang matapos ang party. Punong-puno kasi ng masasarap na pagkain ang tiyan ko. Speaking of pagkain, bigla kong naalala si Pech.. Kamusta na kaya ang babaeng iyon? Nakakain na kaya? Pasado alas diyes na rin kasi ng gabi at siguro naman ay kanina pa nakakain ng panghapunan ang babaeng iyon. Binigyan ko pa siya ng one hundred fifty pesos para sa pagkain niya. Nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ko. Gusto ko na kasing umuwi dahil antok na ako, busog na busog pa kaya naman solve na solve ako. Sumakay ako sa pampasaherong tricycle pauwi. Bago pa ako tuluyang makauwi sa bahay ay nadaanan na muna namin ang Park kung saan ko iniwan si Pech. "Manong! Saglit lang po!" Sabi ko kay Manong nang may mapansin akong pamilyar na babae na tila kinakawawa ng iba pang mga kababaihan. "s**t!" Mabilis akong bumaba mula sa tricycle nang makita kong si Pech ang babaeng kinakawawa. Binabato kasi siya ng mga basura kaya naman hindi na ako nakatiis. Dumiretso ako sa kinaroroonan ni Pech na umiiyak. "Pech... Pech... Nandito na ako." "K—Kuya Pogi...." Napatigil naman sa pagbabato ng mga basura ang mga babae, "Umalis ka na ditong baliw ka! Pwesto namin iyan pero diyan ka nakahiga!" Feeling hero.... Iyan ang tema ko ngayon dahil tinulungan ko si Pech na makatayo at makalayo sa lugar na iyon. Hindi ko nga namalayan na pareho na kaming nakasakay sa tricycle pauwi sa bahay. Nang makarating kami sa bahay ay agad kong binigyan ng damit si Pech.. Syempre ay 'yung babagay na damit lang sa kanya ang binigay ko, iyon bang damit na pwede sa mga babae? "Maligo ka na muna, Pech... Huwag mo na munang problemahin kung saan ka matutulog." Sabi ko sa kanya. No choice, eh. Dito ko na naman siya patutulugin. Kaysa naman iwanan ko siya doon sa Park habang kinakawawa ng mga kababaihan doon. Nanunuod ako ng palabas sa telebisyon nang maramdaman ko sa tabi ko si Pech.. Bagong ligo. Ewan ko ba pero nang balingan ko siya ng tingin ay para bang nag-slow mo ang lahat sa akin. Ganito ba talaga kapag inaantok na? "K—Kuya pogi..." Napahinga ako ng malalim, "Hm?" Hindi naman siya nagsalita. Kaya naman nang muli ko siyang balingan ng tingin ay napadako naman ang paningin ko sa.... "What the heck?! Pech!" Mabilis akong napatakip sa mukha ko nang makita ko abg dibdib ni Pech.. "Wala ka bang bra?! Magbihis ka ulit sa kwarto! Takpan mo 'yang dibdib mo!" Hindi naman niya ako pinansin. Nananatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang nagtatanong. Napahilot ako sa sentido ko bago ako nagsalita, "Pech..." Kinuha ko ang kumot sa tabi ko at iniharang iyon sa kanya, "Nasaan ang bra mo? Lalabhan ko, bukas.. Bibili tayo ng bago." Pumipikit-pikit na siya na para bang inaantok. Kaya naman nagpasya ako na huwag na lang siyang istorbohin. Nagtungo ako sa banyo at doon ko nakita ang ginamit niyang underwear. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na labhan iyon. Feeling pain.... 'Yan ang napi-feel ko ngayon, masakit na kasi ang puson ko dahil kanina pa ako nagpipigil.. Ah, meron pa pala.. Feeling hard. Kanina pa nagmamatigas ang kaibigan ko. Pero ano bang magagawa ko? Kailangan kong malabhan ngayon ang undies ni Pexh, dahil sigurado ako na bukas ay wala na naman siyang susuotin. Speaking of susuotin... May suot kaya si Pech na panty ngayon? Ah! Ang daldal ko. Kung high school student lang ako at kung may pasok lang ako ngayon ay tiyak akong nakalista ako sa pangalan ng mga "Noisy" Nang matapos kong labhan ang undies ni Pech ay saka lang ako nakahinga ng naluwag. Hindi naman kasi ako sanay na naglalaba ng underwear ng ibang tao. "Pech.... Gising ka pa ba? Gusto mong tinapay?" Tanong ko ngunit bahagya akong napatigil nang makita kong tulog na tulog siya. Hindi ko alam pero sa pagkakataong ito ay sunilay ang ngiti sa labi ko. "Ang ganda mo naman.... Ano ba kasing pangalan mo?" Mahinang sabi ko. Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kanya, "Ano ba kasing nangyari sa'yo? Nasaan ang pamilya mo?" Kahit naman alam ko na hindi siya sasugutin ang tanong ko ay nagsalita pa rin ako. Sobrang naku-curious kasi ako sa kubg ano ang nakaraan niya at kung nasaan ba ang pamilya niya. Mukha kasi siyang mayaman at sa tingin ko ay nawawala nga siya. "Good night, Pech..." Bulong ko habang inaayos ko ang pagkakahiga niya. Feeling boyfriend. 'Yan ang napi-feel ko dahil iyon ang naiisip ko. Ganito naman ang ginagawa ng mga boyfriend sa girlfriend nila, di 'ba? Inaalagaan? "Paano kaya kung gawin kitang girlfriend?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD