Chapter 35

247 Words
Oo nga pala. Ang bilis, matatapos na agad ako sa 2nd year. Umusbong ang excitement sa puso ko pero bigla din itong kumirot. Isang buwan nalang, wala na ang isa sa mga rason ko kung bakit ko naging dream school ang MA. Last subject naman na at walang klase so ano pa ang gagawin ko dito. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang mga graduating sa loob ng glass studio. Hindi ko parin maintindihan bakit glass yan, samantalang bawal manood sa labas kung sakaling may nag peperform. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng mahuli ng dalawang mga mata ang mga mata ko mula sa loob ng studio na yun. At napalunok ako ng madiin sabay napapikit ng may lumapit na babae dito at humalik sa pisngi, malawak ang ngiti nitong binalingan ang babae. Such a lucky being. Mapait akong napangiti at dire-direstong lumabas ng school. Naglakad ako ng halos mga 10 minutes papunta sa sakayan ng jeep. Hindi kasi yun nakakapasok sa highway na tapat ng Academy. Pag papasok kasi naglalakad lang ako pero dahil gabi na ang last class ko sumasakay nalang ako. "Manong bayad po." pag-abot ko ng bayad. "Galing kang Minds?" napalingon ako sa katabi ko ng magsalita ito at nakatingin sya sa akin. "Ako tinatanong mo?" Tumango ito kaya tumango din ako. Napangiti naman sya. "Base kasi sa ID mo. Sa minds din ako." "Ah okay." Awkward. Hindi ko naman sya kilala. Bakit ba nya kasi ako kinakausap? "I'm Geoven" "Audrey"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD