21: A small talk “Ito na ang lahat ng kailangan mo diba?” Marahang tumango si Janine. “How did you manage to get all of these?” Aniya habang dala-dala sa kamay ang malaking kahon. “I have my ways…” Isa-isang sinuri ni Janine ang laman ng kahon. Ang butterfly needle, gauge 23 needle, bandage, cotton, alcohol at samu’t saring pang phlebotomy materials ang makikita sa loob. Sobra-sobra pa ito sa kailangan niya. “May kailangan ka pa ba?” Tanong ni Mathias sa kanya. Panandalian pang napaisip sa sarili si Janine. Pilit niyang inaalala kung ano ang payo sa kanya ni Dr. Farra. Bukod lang sa platelet transfusion, wala naman itong karagdagang prescription. She needs to acknowledge they needed a physician’s help. “Ang totoo niyan...may problema tayo,” Janine trailed on. Makahulugan siyang m