17: There's someone lurking Alas dos y media nang puntahan ni Janine ang natatanging bukas na blood bank sa Luzon. Nakasakay siya ngayon sa kotseng tinawagan niya. Binigyan siya ni Cole ng contact number para mapahiram ng sasakyan. Nang una di niya alam kung para saan niya magagamit ang pribilehiyong inalok pero ngayon nagpapasalamat siya at pinilit siya ng lalaki. Pawang katotohanan ang kanyang tinutukoy, gaya ng sabi wala na masyadong public vehicles. Kung pagmamasdan, parang dinaanan ng apocalypse ang mga kalsada. Tumigil ang kotse sa harap ng building. Tumpok-tumpok na naman ng mga tao ang nasilayan niya. Mahaba ang pila at mukhang maraming tao ang kukuha rin ng dugo. "Social distancing po! Kung hindi walang makakapasok!" Anunsyo ng tagapangasiwa. Sa nakitang haba ng pila, nagdal