"Nakikinig ka ba sa akin?" Pukaw ni Yves sa akin, kanina pa kasi ako distracted dahil sa ipinadalang text message ni Grant. I can't fathom his motive. Bakit niya pa ako kailangan guluhin kung kailan masaya na ako. Naka move on na ako sa kanya, hindi na ako nasasaktan sa tuwing sumasagi sa isip ko ang ginawa niya sa akin noon, hindi na rin ako bitter kapag siya ang naaalala ko.. Pero hindi 'non ibig sabihin na nakalimutan ko na kung paano ako nahulog sa kanya.. I'm scared. Takot ako kasi alam ko sa sarili ko na kapag nakita ko ulit siya maaring mawala lahat ng pinaghirapan ko makalimutan lang ang dating damdamin ko para sa kanya. Pero bakit ko ba naiisip iyon kung may iba na akong mahal. Naguguluhan ako. Kung hindi ko siya sisiputin mamaya, baka isipin niyang bitter parin ako sa nangyari
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books