Kabanata 3

1574 Words
NAGUSOT ang mukha ni Angelica nang magising siya. Napagiwi pa siya ng may maramdamang may mahapdi sa pagitan ng mga hita niya kasabay ng pagkirot ng ulo niya na marahil dahil sa hang-over. Nagtaka siya dahil pakiramdam niya'y may mga kamay na nakayakap sa kaniya. Tila rin nakahubad siya dahil direktang nararamdaman ng katawan niya ang malamig na hangin. Nang mapagtanto niyang totoo iyon, awtomatikong iminulat niya ang mga at nanlaki ang mga mata nang masilayan ang isang lalaking nakayakap sa kaniya habang mahimbing na natutulog. Gumalaw pa ito at bahagyang napaungol. "It's to early to wake up, Rhona," narinig niyang usal ng lalaki na nakahilig sa balikat niya ang ulo kaya hindi niya ito mamukhaan. Sinalakay siya ng boltaheng kaba habang dumaloy ang maraming tanong sa isip niya. Nang makabawi siya sa pagkagulantang. "HAAA!" malakas na sigaw at walang ano-anong itinulak ang binatilyo sa kama niya kaya nahulog ito sa higaan. Mabilis siyang umupo sa kama at kinuha ang kumot para ibalot sa sarili. "S-sino ka? A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?" kinakabahan niyang tanong. Hindi siya makagalaw at napapangiwi dahil sa hapdi ng bahaging iyon. Mas nagulat siya at halos lumuwa ang mga mata nang suriin ang sarili na hubod-hubad. Bumakas ang labis na pagtataka at pagkatakot sa mukha niya. May nangyari ba sa kanila ng lalaking hindi niya kilala? "Ouch! Bakit ka—" Natigilan ang lalaki nang makita siya nito. "A-Angelica...a-ano'ng ginagawa mo—" Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mapansing nasa 'di pamilyar siyang silid. "I-Ikaw ang—HAA!" Muli na naman siyang sumigaw at agad tinakpan ang kaniyang mga mata dahil tumambad sa kaniya ang kahubaran nito. Walang itong saplot ni kahit underwear man lang kaya lantad ang p*********i nito na tila ba handang sumugod at manakit. Nagtaka siya nang mapansin ang mukha ng lalaking nasa silid niya. Napalunok siya at dahan-dahang nag-angat ng tingin para kumpirmahin ang nakita. Mas nagulat siya at nagulumihanan nang makilala ang binata na maaaring nakasiping niya nang nagdaang gabi. "Z-Zero?!" nanlalaki ang mga matang banggit niya sa pangalan nito. Hindi rin naitago ang pagkagulat sa mukha ni Zero nang makilala siya at ang silid na kinaroroonan nito. Dahan-dahan itong tumingin sa sariling katawan at napaawang ang bibig ng mapagtantong wala siyang saplot habang ang p*********i niya'y nakaturo kay Angelica. Maging siya'y napasigaw at mabilis na tumalon sa kama at hinila ang kumot na nakabalot sa kaniya. Hindi siya pumayag na makuha nito ang kumot kaya nakipaghilahan siya sa binata dahil maging siya'y walang saplot na kahit ano. Para silang nagta-tug of war sa iisang kumot pero sa huli'y pinagsaluhan nila iyon. Hindi nila magawang tumingin sa isa't isa dahil sa hiyang nararamdaman nila. Habang pinuproseso niya sa isip ang totoong nangyari nang nagdaang gabi. Walang imik na nakaupo lang sa sofa si Angelica at Zero, nakikiramdam sa isa't isa habang hindi magawang tingnan ang bawat isa. Gusto niyang umiyak at saktan ang lalaki dahil sa nangyari pero hindi niya magawa dahil hanggang ngayon, hindi pa malinaw ang lahat sa kaniya. Ang alam lang niya, uminom siya nang nagdaang gabi kasama ang kaibigang si Mhariel at umuwi't natulog. Mayamaya'y tumikhim si Zero para putulin ang nakabibinging katahimikan. Dume-kwatro pa ito at sumandal sa sofa, umaaktong tila walang epekto ang nangyari. "So, what's on your mind?" kaswal na anito. Salubong ang kilay na humarap siya sa binatilyo. Hindi niya alam kung wala ba itong pakialam o umaakto lang ito na parang walang nangyari. "What's on my mind? Ikaw, Zero! B-bakit ka nasa kwarto ko? A-ano'ng ginagawa mo sa bahay ko at...at p-paano kang nakapasok dito?" sunod-sunod na tanong niya at mabilis ring umiwas ng tingin. Hindi agad sumagot si Zero. Nasapo nito ang noo at bahagya iyong hinimas. "I was drunk last time, Angelica at hindi ko alam ang ginawa ko." Tiningnan siya nito. "It was really a big deal for you? It is normal nowadays to slept with a stranger. It's not an issue." Natigagal siya sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Napasinghap siya at ngumisi, saka matalim itong tinitigan. Tinakasan siya ng hiya at pinalitan iyon ng inis at galit. " How dare you! Big deal? Oo, Zero, big deal 'to para sa akin. It's not just about my virginity, but it's also about my dignity as a woman, my pride! Kung sa 'yo, wala lang na makipagtalik ka sa mga babae, pero sa akin, hindi. Hindi ito simpleng bagay na ibinibigay mo lang sa kahit kanino, para 'to sa taong mamahalin ko at makakasama ko habang buhay." Hindi niya alam kung bakit tumulo ang luha sa mga mata niya. Tinaasan lang siya ng kilay ni Zero na parang hindi naapektuhan sa sinabi niya. Mas lalo siyang nainis sa binata. Mahina itong tumawa at saglit na yumuko. "Wow! Traditional woman, huh? Well, if that was a big deal for you, then I'm sorry. Pareho tayong nasa espirito ng alak at hindi natin alam ang ginagawa natin. Sa tingin mo, it was just my fault? If you're not drunk, nor me, it wouldn't happen." Sumeryoso na ang mukha nito. Pinahid niya ang luhang lumandas sa pisngi niya. Marahil tama ito, kung hindi siya lasing o hindi ito lasing, hindi mangyayari ito. Lumunok siya at seryosong tiningnan si Zero. "Ok, sige, fine kasalanan nating pareho pero bakit ka nandito sa bahay ko? Ano'ng ginagawa mo sa silid ko?" ulit niya sa kaninang tanong na hindi nito sinagot. "Trespassing ang ginawa mo at pwede kitang kasuhan ng rape at sigurado akong makukulong ka," pananakot pa niya rito. Saglit itong tumingin sa mga mata niya pero sa huli'y natawa ito. "Kasuhan? Are you kidding me, Angelica? Kakasuhan mo ang bagong may-ari ng bahay? Rape? Sa tingin mo may maniniwala sa 'yo, ni hindi ka nanlaban at walang ebedensiya ng pamimilit," balik nito na hindi man lang natakot. "May-ari ng bahay? Zero, I'm the owner of this house, ako lang at wala ng iba." "Oh! Really? As far as I know, may utang ang Papa mo sa akin at ang bahay na ito ang kabayaran. I have my proof, papers kung saan nakasaad doon ang terms and conditions ng utang ng Papa mo. Basically, natapos na ang palugit na nakalagay sa contract, so it means, akin na ang bahay na ito, unless mabayaran mo ako." Kumibit-balikat pa ito, saka muling sumandal sa sofa. Luminga pa ito sa paligid. Hindi na niya naitago ang labis na inis para kay Zero. Salubong ang mga kilay niya na parang gustong manakal ng tao. "No, Zero! Hindi mo pwedeng kunin ang bahay na 'to. Hindi ko utang ang utang ng Papa ko, bakit hindi siya ang singilin mo? Hanapin mo siya at siya ang guluhin mo sa utang na iniwan niya," galit na balik niya, hindi lang kay Zero pati sa ama niya na iniwanan siya ng malaking problema. "Hinanap ko na ang Papa mo pero mukhang tuluyan na niyang tinakbuhan ang utang niya, that's why I'm here para singilin siya sa utang niya." Humiwalay ito sa sandalan ng sofa. Direktang tumingin ito sa mga mata niya. "Sige, I'll give you a chance to pay your father debt. Bibigyan pa kita ng dalawang buwan para bayaran ang kalahating milyon pero aalis ka na sa bahay na 'to dahil dito na ako titira." Tinaasan pa siya nito ng kilay. Nakagat niya ang pang-ibabang labi, saka naikuyom ang mga palad. "Hindi ako aalis sa bahay na 'to, Zero, this is my house!" madiing sambit niya. "Hindi ka aalis? Well, whether you like it or not, aalis ka sa bahay na 'to. I have my papers to proved na ginawang collateral ang bahay na ito sa isang utang at kahit dalhin natin ito sa korte, hindi ka mananalo." Tila nanghahamon ang mga tingin nito. Napasinghap siya at yumuko ng bahagya. Hindi pwedeng mawala sa kaniya ang bahay na ito, hindi siya papayag. Hindi lang dahil wala siyang titirhan, pero dahil nandito ang buong buhay niya, ang alaala ng kaniyang yumaong ina. Nag-angat siya ng tingin kay Zero na tila naging isang maamong tupa. Kung kailangan niyang ibaba ang pride niya, gagawin niya para lang hindi kunin ang bahay sa kaniya. "Please, Zero, huwag mo munang kunin ang bahay. Bigyan mo pa ako ng time para magbayad. Pangako ko, magbabayad ako. Gagawin ko ang lahat mabayaran lang ang utang ng Papa ko sa 'yo, pero please, huwag mong kunin ang bahay na ito. Wala akong ibang tutuluyan at napakahalaga ng bahay na 'to para sa akin. Hindi ko 'to kayang iwan," nagmamakaawa niyang sabi. Desperado na siya. Sinuri siya nito. "Gagawin mo ang lahat para mabayaran ang utang ng Papa mo? How could you do that, Angelica? I doubt you can make it on time." Tumango siya. "Gagawin ko lahat, Zero! Gagawin ko ang gusto mo para hindi mo ako paalisin sa bahay na ito. Kahit gawin mo akong katulong, alalay, tagapagluto, kahit ano, gagawin ko, huwag mo lang akong paalisin," patuloy niya sa pagsusumamo. "Are you sure you will do everything? Baka pagsisihan mo ang sinabi mo?" panghahamon nito. Umiling siya. "I'm desperate at gagawin ko ang lahat." Tumayo si Zero sa pagkakaupo. "I'll think about it, Angelica but don't expect me to be considerate because I don't care to anyone." Kumurap ito. Puminta ang ngiti sa mga labi nito. Tumalikod ito at naglakad palabas ng bahay. Naiwan siyang tulala at hindi alam ang gagawin. Bakit kailangan niyang pagdusahan ang utang ng ama niya? Bakit kailangan siya ang magbayad?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD