Chapter 1

2475 Words
KANINA pa hindi mapakali si Dawn. Katatanggap lang niya ng list of entourage para sa church wedding ng kapatid na si Toni sa kaibigang si Greg. Nagprisinta kasi siyang siya na ang magdadala niyon sa gagawa ng invitation, alam niyang sobrang abala ngayon ang mag-asawa sa kabi-kabilang appointments at preparasyon para sa kasal. Alam na niyang siya ang maid of honor, katulad ng napag-usapan nila ng kapatid, ang hindi niya lang napag-handaan ay ang bestman. Wala na bang ibang kaibigan si Greg na maaaring maging bestman nito? Hindi pa nga siya nakaka-move on sa una nilang encounter ni Art, heto at ang binata pa ang kukuning bestman? FLASHBACK  "Saan tayo?" nakangiting tanong nito pagka-upo pa lamang sa driver's seat. "Ewan ko sa'yo. Nagprisinta kang maghatid diyan, hindi mo naman pala alam kung saan mo ako ihahatid." sagot niyang may kasamang irap dito at naka-halukipkip na tumingin sa labas ng bintana. Bago iyon ay nakita pa niya ang dagling pagkapalis ng ngiti nito. "Bahala ka diyan sa buhay mo." sa isip-isip niyang hindi pa rin tumitingin dito. "Tayo ngang dalawa magkaliwanagan, may problema ka ba sa akin?" anitong sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang humarap sa kanya. "Wala!" flat niyang sagot na hindi pa rin tumitingin dito. "I don't think so. College pa lang tayo lagi mo na akong sinusupladahan, kapag magkakasama tayo nina Greg, para akong hangin sa'yo, nag-e-exist pero hindi mo nakikita. Tell me, may nagawa ba ako na ikinagalit mo? Kasi ako, honestly, wala akong matandaan." tila frustrated na sabi nito. "Ano sa tingin mo?" masungit pa ring baling niya rito. "Wala nga akong matandaan. Actually, crush nga kita noong college pa tayo, kaya lang napaka-suplada mo, bago pa lang bumubuka yung bibig ko, nasosopla na agad ako." Nagulat siya sa sinabi nito, ngunit hindi siya nagpahalata. Kailangang mangibabaw ang matinong kaisipan niya. "Wala ka palang matandaan, eh, eh di wala." sagot niya at bumaling muli sa bintana. "Tell me, siguro crush mo 'ko, 'no? Pa-hard to get ka lang." anitong bumalik na ang pilyong ngisi. Nanlalaki ang mga matang bigla siyang bumaling dito. "Ang kapal talaga ng mukha mo, 'no? Ako? Magkaka-crush sa'yo?" at itinuro niya pa ang sarili, at gusto niyang palakpakan ang sarili dahil hindi siya pumiyok sa pagkakasabi niyon. "Mag-aalaga na lang ako ng aso." sabi niya at muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana upang maka-iwas sa mga mata nito. Ayaw niyang makipag-titigan dito at baka ipagkanulo siya ng mga mata niya. "Aso pala, ha, 'pag natikman mo 'ko, baka sabihin mo, isa pa." anito sa tinig na naghahamon. "Excuse me--" asik sana niya rito, ngunit natigilan siya nang pagharap niya ay nakadukwang ito sa upuan niya at malapit na malapit ang mukha sa kanya. "What?" anas nitong deretsong nakatingin sa mga mata niya. "Ngayon, sasabihin mo na ba sa akin kung saan kita ihahatid, o, patatagalin pa natin 'to, o gusto mo munang patunayan ko sa iyo na mas masarap akong alagaan kaysa sa aso?" ngayon ay nasa labi niya ang ang tingin nito. Napalunok siya sa sobrang lapit nito. Awtomatikong umangat ang dalawang kamay niya sa dibdib nito upang itulak ito palayo, ngunit hind man lang ito natinag. "O-oo na. Sasabihin ko na." aniyang patuloy pa rin itong itinutulak. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa sobrang lapit nito. "Sayang. I thought, you'll choose the last option." anitong nakatitig muli sa mga mata niya, bago muling bumaba iyon sa labi niya. Muli ay napalunok siya sa ibinabadya ng mga mata nito.  "H-hrmp... move back, okay? S-sasabihin ko na nga." "Last chance, ayaw mo talaga sa last option?" anitong bumalik na ang nakaka-inis na pag-ngisi. "Art!" Isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito bago humarap muli  sa manibela at buhayin ang makina ng sasakyan. END OF FLASHBACK MULI ay isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at ibinalik sa papel sa harapan niya ang paningin. Of course, hindi niya maaaring pakialaman ang desisyon ng mag-asawa kung sino ang gusto ng mga ito na ilagay sa entourage, after all, kasal nila iyon. Sisikapin niya na lamang sigurong iwasang magka-enkuwetro sila ng bestman. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong dinampot at tiningnan. Si Toni. "Hello." "Hi, ate. Dumating na ba 'yung list na pinadala ko?" "Yap, nandito na." "Okay. Thanks sa pag-offer na ikaw na ang magdadala ha, sa totoo lang, sobrang hectic talaga ng schedule naming dalawa ni Greg." "Okay lang, sis. I really wanted to help. Kung may maitutulong pa ako, don't hesitate to tell me, ha." "Thanks talaga, ate." "Uhm... sis..." alanganin ang tinig na aniya. "Yep?" "Are you sure, 'yung Art na 'yon ang bestman ng asawa mo?" alanganin pa rin niyang sabi na napakagat-labi pa. "Yap. Si Greg ang may gusto n'on, and I don't see anything wrong with that. Besides, ang laking part niya sa lovestory namin, 'di ba? Remember, iyong tatay niya ang nagkasal sa amin ng biglaan, at sa tulong ni Art 'yon." "Sabi ko nga." "May problema ba, 'te?" "N-nothing. Kalimutan mo na 'yung tanong 'ko." "Hmm.. may nase-sense ako." "Ano na naman?" tanong niya rito pero sa totoo lang ay kinakabahan siya. Malakas talagang makatunog ang kapatid niya. "May something ba kayo ni Art?" "Wala 'no!" hindi niya napansin na napabilis ang sagot niya. "Defensive, 'te?" nahihimigan niya ang panunukso sa boses nito. Napatapik siya sa noo sa kakulitan ng kapatid. "Ewan ko sa'yo, Toni. Sige na, dadalhin ko na ito sa imprentahan." sabi na lang niya upang makaiwas dito. "What happen to sis, ate? Toni talaga?" kahit hindi nakikita ay ramdam niya ang panunukso sa tinig ng kapatid. "Tigilan mo 'ko ha, kung ayaw mong isabotahe ko 'tong imbitasyon mo." "Ate napaghahalata ka." anito at binuntutan ng tawa. "Maria Antoinette...!"   Muli ay tumawa lamang ito. Nang maibaba ang tawag ay naiiling pa rin siya sa kakulitan ng kapatid. Haist. Mukhang kailangan niyang bantayan ang mga kilos at salita niya. Ipagkakanulo siya nito. Kung ang kapatid niya nga nakahalata, hindi malayong ganoon din si Art. KASALUKUYAN siyang nagtutuos ng mga numero nang tumunog ang cellphone niya. Dinampot niya iyon at agad na sinagot. "Hello.." Nakatutok pa rin ang mga mata niya sa mga papel na nasa mesa niya. "Dawn, pinasasabi pala ni Toni na bukas na 'yung schedule ng rehearsal sa simbahan." agad na bungad sa kanya ng bayaw niya.   Natigilan siya sa sinabi nito. "Kailangan ba talagang nandoon pa 'ko?" sabi niya kapagkuwan.  "Of course, maid of honor ka." "Maglalakad lang naman ako, okay na 'yon. Kahit sa mismong araw ng kasal na lang ako magpakita." napapahilot sa sentidong sabi niya. "Hrmp.. parang gusto ko nang maniwala sa sinabi ni Toni." "At talagang pinagtsi-tsismisan n'yo akong mag-asawa, ha. Eh, kung tumutol kaya ako sa kasal n'yo kapag nagtanong ang pari?"  Narinig niya ang malakas nitong pagtawa sa sinabi niya. "Wala ka nang magagawa, kahit magsisigaw ka ng pagtutol 'don, mag-asawa na kami, 'no. Formality na lang 'to. Saka siyempre, gusto ko rin namang bigyan ng maayos na kasal ang kapatid mo." naging seryoso ang tinig nito sa huling sinabi. "Sabi ko nga." sagot niya na may kasama pang buntong-hininga. "Ang bitter mo, ate. Mag-asawa ka na rin kasi." anito at muling tumawa. "Ang kapal mo, Gregorio, matanda ka pa sa akin, no. Maka-ate ka diyan." Isa pa uling tawa ang isinagot nito. "Seriously, ano'ng meron sa inyo ni Art?" pag-iiba nito sa usapan. "Matagal ko nang napapansin 'yon. You're nice to everyone, except Art." naroon ang purong kuryusidad sa tinig nito. "Ewan ko sa'yo Greg, dami mong alam!" kunwa ay natatawang sabi niya. "Oo na, pupunta na 'ko sa rehearsal n'yo!" "Galing umiwas, ah." tukso nito. "Heh! Huwag mo na akong asarin, baka magbago pa'ng isip ko." "Malalaman ko rin 'yan." "Wala kang malalaman, dahil wala naman talaga. Sige na, busy ako. Daanan n'yo na lang ako bukas, coding ako." "'Di ka pasundo sa boyfriend mo." "May maaga siyang meeting bukas. Baka magpasundo na lang ako after ng rehearsal." "Okay, daanan ka na lang namin. Sila mommy proxy na lang muna, since next month pa sila darating." "Hindi ba talaga pwedeng proxy na lang din ako?" "Nope. Unless, may maibigay kang magandang reason." "Ahm.. busy ako sa work??" nakangiwi pa siya nang sabihin iyon sapagkat alam niyang hindi naman iyon bibilhin ng bayaw. "Eeee. Not acceptable. Bye, Dawn." "Oo na. Hrmf!" Iyon lang at naputol na ang linya.   KATATAPOS niya lang mag-ayos nang tumunog ang cellphone niya. Si Greg. Baka parating na ang mga ito. "Hello... nasan na kayo? Bihis na 'ko." bungad niya. "Sorry, Dawn... hindi na kami nakadaan diyan, nandito na kami sa simbahan. Dinaanan pa namin 'yung caterer, may last minute changes sa menu si Toni, sa umaga lang daw available 'yung kausap namin." "Eh di sana dinaana n'yo ako, after." "Malapit lang kasi 'yung meeting place namin sa simbahan, kaya tumuloy na kami rito."  Napabuntong-hininga siya.  So, magta-taxi na lang talaga siya.   "Sige, magta-taxi na lang ako." "No, may pinapunta akong tao diyan para sunduin ka." "Ah, okay. Sige wait ko na lang. Thank you." Buti naman. "Okay. See you later." From : 09279999999 Ready? Hope so, i'm here, outside. To : 09279999999 Who are you? From : 09279999999 Sundo mo, darling. NANGUNOT ang noo niya, kasabay ng pagbundol ng kaba sa dibdib niya nang mabasa ang text. "Could it be...? Oh please, no, Greg... masasapak talaga kita." nag-cross fingers pa siya habang bumababa ng hagdan. Sinigurado niya munang naka-lock ang pinto at nakasara lahat ng bintana bago siya lumapit sa gate. Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan niya kasabay ng piping panalangin na sana ay mali ang nasa isip niya, bago niya buksan ang gate. Ngunit sa malas, ay tila hindi dininig ang panalangin niya.  Napalunok siya at literal na napa-nganga nang makita niya ang sundo niya. Prente itong nakasandal sa sasakyan nito at naka-halukipkip habang nakatingin ito sa gate nila at tila talagang hinihintay ang paglabas niya.   Hindi niya alam kung bakit tila kay gwapo nito sa paningin niya sa simpleng green shirt, khaki cargo shorts at puting chuck taylor. Agad itong tumuwid ng tayo at tinanggal ang shades na suot pagkakita sa kanya. "Hi." nakangiti nitong sabi. Tila lalong lumiwanag ang sikat ng araw sa ngiting iyon. Muli ay isa pang lunok ang ginawa niya. "Hey." hindi niya namalayang nakalapit na pala ito at pinitik ang daliri sa harapan ng mukha niya. "Baka matunaw ako niyan." naroon na naman ang pilyong ngiti nito. Tila naman nagising siya sa ginawa nito. At dahil napahiya ay galit ang panlaban niya. "Ano ba?" aniyang pinalis pa ang kamay nito. "Bakit ka ba kasi nandito?" kunwa'y inis na sabi niya at nag-iwas ng tingin dito. Hindi niya talaga kayang makipag-titigan dito. Tila kayang basahin ng matiim na titig nito ang mga mata niya. "Sinusundo nga kita, 'di ba? Coding ka raw sabi ni Greg, hindi ka na nila nadaanan kaya ako na lang ang 'pinaki-usapan' niya para sunduin ka." sabi nitong ipinagdiinan ang salitang 'pinaki-usapan'. "Humanda ka talaga sa'kin, Greg ka!" inis na bulong niya. "Ano 'yon?" "Wala. Tara na nga." aniyang nilagpasan ito at nagpauna nang lumapit sa sasakyan nito at sumakay. Iiling-iling itong sumunod sa kanya. Lumigid sa driver's seat at sumakay. Pag-upo nito ay nakangiti itong bumaling sa kanya imbes na paandarin ang sasakyan.  "What?" pilit niyang nilangkapan ng inis ang boses. "Huwag mong sabihing itatanong mo na naman kung saan tayo pupunta?" sikmat niya rito. "Alam mo bang gusto ko sa babae ang masungit? Iyong tipong ako ang magpapa-amo. Iyong aamo siya sa akin sa pamamagitan ng mga halik ko, at imbes na pagtataray, puro ungol na lang ang maririnig ko sa bibig niya, while reaching her c****x, underneath me." matiim ang mga matang nakatitig ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Ang bastos mo talaga!" pakiramdam niya ay ang pula-pula ng buong mukha niya. "Trust me, Dawn... mangyayari 'yon." "Kung babastusin mo rin lang ako, magtataxi na lang ako." aniyang bumaling na sa pinto ng sasakyan at akmang lalabas na, ngunit agad na nahawakan ni Art ang braso niya. "Hindi kita binabastos, okay?" "Eh, ano pala?" muling baling niya rito, hawak pa rin nito ang braso niya. "Stating a fact...?" naka-angat ang kilay na sabi nito. "Eh kung sa-fact-kin kita diyan?" aniyang pinaningkitan ito ng mga mata. "Oh, I would love that, sa-f**k-in mo ako, kahit paulit-ulit." kitang-kita ang pag-ilaw ng kapilyuhan sa mga mata ng binata. Muli ay nanlaki ang mga mata niya nang maintindihan ang sinabi nito. At akma na namang bubuksan niya ang pintuan nang tatawa-tawang pigilan siya nito. "Oo na, aalis na tayo. Ang pikon mo." anitong bumaling na sa sasakyan at ngingisi-ngising binuhay iyon. "Pervert..." inis na bulong niya. Lalo siyang nainis nang lingunin siya nito at kindatan sabay ngiti ng nakakaloko. "PAR, baka hindi umabot 'yang hipag ko sa kasal namin." ani Greg bago lumagok sa hawak nitong bote ng mineral water. Kunot-noong nilingon niya ang kaibigan. "Baka bago dumating ang kasal namin, tunaw na 'yan sa katititig mo." "Ulol!" aniya at muling ibinalik ang tingin sa dalaga. Tapos na ang rehearsal nila, at ngayon nga ay kasalukuyan siyang nakatitig kay Cassandra habang masaya itong nakikipag-kwentuhan sa kapatid at sa iba pang kasama sa entourage. Katabi nito ang ayon sa pagkakarinig niya ay boyfriend daw nito. Ewan niya kung bakit masakit sa matang tingnan na hawak nito ang kamay ni Dawn mula pa kanina. "Yung totoo, par... walang halong kampihan, mas gwapo naman ako sa mestisong bangus na 'yon, 'di ba?" Kasalukuyang umiinom ng tubig si Greg kaya't naibuga nito ang laman ng bibig niya sa tanong ng kaibigan. "Anak ng--" napatayo siya sapagkat nabasa ang tagiliran niya sa pagkakabuga nito. "Ang baboy naman nito, eh!" Inis na sabi niya habang pinupunasan ang sarili. "Para ka kasing tanga, eh. Saan naman nanggaling 'yung tanong mo?" tawa pa rin ito ng tawa.  "Wala. Kalimutan mo na." aniyang nag -iwas ng tingin. "Aminin mo nga sa'kin, ano ba talaga ang meron sa inyo ng hipag ko?" anitong kay Dawn na rin nakatingin. "Anong meron? Eh, 'di wala. Bago pa nga lang ako nagsasalita, barado agad ako eh." "Par, ipa-uuna ko lang, ha, magkaibigan tayo, pero mayayari ako sa asawa ko 'pag tinalo mo 'yang kapatid niya. Kaya nakiki-usap ako, off-limits 'yan." "Rest assured, 'di ko type 'yang hipag mo. Masyadong masungit, parang dragon, laging umuusok ang ilong sa galit, wala naman akong natatandaang ginawa ko sa kanya." "I told you, galit sa m******s 'yan." nakangiting sabi nito.   "f**k you, man!" medyo natigilan siya nang maalala kung nasaan sila. "Tss. Aalis na nga ako, nagkakasala ako sa kalokohan mo." aniyang tumayo na at naglakad palabas ng simbahan.  Tatawa-tawang tumayo na rin ang kaibigan at lumapit sa asawa. "Ano'ng nangyari d'on?" narinig niya pang tanong ng asawa nito. "Confused." sagot naman ng kaibigan niya sabay tawa. Hindi na lamang niya pinansin iyon at nagpatuloy na sa pag-alis.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD