Chapter 3

2063 Words
Cassandra.." Bahagya siyang nagulat nang marinig ang pangalang binanggit nito. Ito lamang ang gumagamit ng pangalang iyon sa kanya. "Why didn't you tell me?" "Tell you, what?" aniyang nag-iwas ng tingin. "You know what I mean, damn it!" Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Actually, Art, I don't really see the point why we're having this conversation, as if I cheated on you." aniya at akmang tatalikuran na ito ngunit hinawakan nito ang braso niya at isinandal siya sa pader. Ang isang braso nito kung saan hawak nito ang imbitasyon ay nakatiklop na nakatukod sa pader, habang ang isa naman ay nakapasok sa bulsa nito. "Actually, Dawn... you did." halos paanas na sabi nito. Bahagya niyang itinulak ang dibdib nito sapagkat napakalapit ng mukha nito sa kanya. Tila may bumalik sa ala-ala niya sa tagpong iyon. "E-excuse me? I don't owe you any explanation, okay? Now, let me go, at babalik na ako sa table." aniyang patuloy pa rin sa walang pwersang pagtulak dito ngunit hindi niya ito matinag. "Seems like, I still have that effect on you, Miss Secret Admirer." anito at lalo pang inilapit ang katawan sa kanya. "Pwede ba, Art? Huwag ka ngang feeling! I just feel... ah... s-suffocated." aniyang pilit pa ring kumakawala rito. "Really, huh?" nakangising sabi nito. Bahagyang umangat ang ulo nito at nawala ang nakakalokong ngisi. "Fuck." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Bahagya nitong idinikit ang noo sa balikat niya at bumulong. "I heard wala kang dalang sasakyan. I'll take you home." anitong hindi na siya hinayaang makasagot at agad nang tumalikod. "What took you so long, babe?" naulinigan niya pa ang boses na iyon. Naiiling na lumakad na rin siya pabalik sa pwesto nila. Pagdating niya ay naroon na at naka-upo na ang dalawa. "Ate, ang tagal mo." salubong agad ng kapatid niya. "A-ahh... p-pinatuyo ko pa kasi 'tong damit ko." pagdadahilan niya at nag-iwas ng tingin. Nakita niyang tinapunan siya ni Bianca ng nagdududang tingin. Pakialam niya naman dito? Manigas ito sa selos! "So, let's go?" ani Greg nang matapos na silang kumain. "Since, walang sasakyan si Cassandra, I'll take her home." tila balewalang sabi ni Art habang nagpupunas pa ng bibig na ikinatingin dito ng lahat, lalo na si Greg na pinag-lipat-lipat pa ang tingin sa kanila. Ang kapatid niya ay naka-angat ang isang kilay na nakatingin sa kanya, na tila hinihintay ang pagpayag niya. "What?! Babe, I'm sure, they can take her home. Right, Greg?" maarteng sabi naman ni Bianca bago binalingan ang bayaw niya. "Yeah. Ako nang bahala, Par." sagot naman ni Greg. Mataman itong nakatingin kay Art na tila binabantayan ang reaksyon nito. "No. I insist." walang ngiting sabi ni Art at binalingan ang katabing babae. "You have your car with you, right?" "Y-yeah. But--" "Then, drive home." pinal sa sabi nito. "B-but... I thought.." "I'm sorry babe, but, you thought wrong." "Ahm... Art, I think--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang sinibat siya nito ng matalim na tingin. "Thank you, for the offer, Par, pero kami na lang ni misis ang maghahatid sa kapatid niya." ani Greg na nakatingin ng deretso sa mga mata ni Art. "Is there a problem kung ako ang maghahatid sa kanya?" tila inis na tanong ni Art. "I mean, on the way naman ang bahay niya sa condo ko." anitong sinalubong ang mga mata ni Greg. Animo nagsusukatan ng tingin ang dalawa. Nakita niyang sumenyas si Greg dito at bumulong muna sa asawa bago tumayo. Bumuntong-hininga naman si Art at sumunod sa kaibigan. "What's happening?" tila naguguluhang tanong ng kapatid niya. "Why not, ask your sister." naka-irap na sabi ni Bianca at sinundan ng paghalukipkip. Tiningnan niya lang ito ng masama at ibinalik ang tingin sa kapatid na nakatingin pa rin sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang siya. Kahit siya ay hindi kayang sagutin ang tanong nito. Art's POV Naiiling na sinundan niya ang kaibigan. Alam niya kung ano ang nasa isip nito. Minsan na nitong sinabi sa kanya na off limits ang hipag nito, kaya't hindi na siya nagtataka sa reaksyon nito ngayon. "What was that?" seryosong tanong agad nito. "What?" "Huwag kang magpa-inosente, Art. Kilala kita." He called him by his name, alam niyang seryoso ang kaibigan. "Par, ihahatid ko lang pauwi ang hipag mo, ano'ng problema d'on? I told you, on the way naman." aniyang nagkibit pa ng balikat at inilahad ang dalawang kamay. "Sinabi ko na sa iyo, Art, huwag mong isama si Dawn sa mga flings mo!" "Whoa... wait, Par, ihahatid ko lang pauwi ang hipag mo, fling agad?" Tila nakukunsuming napahagod ito sa sentido bago nagsalitang muli. "How about your girlfriend?" "Nakapunta nga siyang mag-isa rito, eh. I didn't even invite her here." pabalewalang sagot niya. "And for the record, she's not my girlfriend. You know me, I don't do that girlfriend thing." "Tang ina ka! Iyan nga ng kinakatakot ko sa iyo, eh." "Trust me--" Agad na pinutol ni Greg ang sinasabi niya. "Par, pagdating sa babae, wala akong tiwala sa'yo. Maraming ibang babae diyan, spare my sister in law." muli ay bumalik ang pagiging seryoso ng mukha nito. "Ang layo agad ng tinatakbo ng isip mo. Ihahatid ko lang ang hipag mo. Huwag kang mag-alala, sa bahay ko ihahatid 'yon, hindi sa langit." nakangising sabi niya na tinapik ito sa balikat at tumalikod na. "f**k you, Montez!" narinig niya pang sabi nito na lalong ikinalawak ng ngisi niya. Pagbalik niya ng mesa ay agad niyang nilapitan si Dawn. "Let's go?" aniya at inilahad ang kamay dito. Tiningnan muna nito ang nakalahad niyang kamay bago nag-angat ng tingin sa kanya at lumagpas ang tingin sa likod niya. Nagkibit lamang ng balikat ang kaibigan niya na tila ipina-uubaya sa dalaga ang desisyon. Lumapit ito sa asawa at inalalayang tumayo. "Wait, are you serious?!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Bianca na tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. "Damn, serious." aniya na nakatutok pa rin ang paningin kay Dawn. Humugot muna ito ng malalim na paghinga bago tila tanggap ang pagkatalo na padarag na tinanggap ang kamay niyang nanatiling nakalahad sa harap nito, na ikinangisi niya. Naramdaman niyang bahagya nitong binabawi ang kamay nitong hawak niya ngunit hindi niya iyon pinayagan. Mas hinigpitan niya ang kapit sa kamay nito. Muli siyang bumaling sa mag-asawa na tila nabibigla pa rin sa mga nangyayari at nagpa-alam kay Toni, na sinagot nito ng alanganin lang na tango. Tinanguan niya naman ang kaibigan na umangat lang ang gilid ng labi bilang pag-ismid. "Babe, are you really gonna leave me here? I swear, kapag umalis kang kasama ang babaeng 'yan, break na tayo!" pumapadyak pang wika ni Bianca. "By all means, babe. By all means." aniyang hindi na nilingon man lang ito. "WHAT do you want?" Aniya agad sa binata pagpapatay pa lamang nito ng makina. "Kapag ba sinabi ko kung ano ang gusto ko, ibibigay mo?" sagot nito na deretso lamang ang tingin, mahigpit pa ring nakakapit sa manibela. "Pwede ba, Art, wala ako sa mood makipag-lokohan sa iyo. Inaantok na ako. Salamat sa paghatid." kinalas niya ang seatbelt at akmang bubuksan na ang sasakyan. "Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko para lang maihatid ka, tapos ni hindi mo man lang ako balak alukin kahit na tubig?" "Sino ba kasi may sabing ihatid mo ako?" sikmat niya rito. "I just want us to talk." "Wala na tayong dapat pang pag-usapan." "Alam mong meron, Cassandra." "Pwede ba, tigilan mo na ang katatawag sa akin ng Cassandra?" "Why? That's your name, right?" "Basta.." aniya sa kawalan ng masasabi. Bakit ba, eh, pakiramdam niya may pumipitlag sa isang bahagi ng puso niya kapag tinatawag siya nitong Cassandra? " Give me one valid reason, and i'll stop." "Bahala ka na nga." "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" "Na ano?" bagaman nahuhuluan niya na ang sinasabi nito. "Alam mo kung ano'ng tinutukoy ko," "Bakit ko pa kailangang sabihin sa'yo? Para pahiyain mo na naman ako?" "Of course, not." mabilis na sabi ng binata. "At hindi kita pinahiya that day--" "Really?" putol niya sa sinasabi nito."Pagkatapos mong sabihin na hindi mo ako type dahil hindi ako kagandahan?" "I didn't say that." "Ang sinungaling mo naman," "If I remember it right, I told you, you will never be on my list, and you'll never fit in to my world, 'cause, I won't let you." "Wow! Tandang-tanda ah... anyway tapos na 'yon. Let bygones be bygones, sabi nga nila." "Hindi mo ba gustong i-explain ko kung ano'ng ibig sabihin ng sinabi ko?" "No need." pilit niyang itinatago ang nag-uumapaw na emosyon sa dibdib niya. Nais niyang ipakita ritong balewala lang sa kanya ang lahat. "Tss. Ang judgemental mo." "Whatever. Just leave me in peace!" Ngunit sadyang makulit ang binata. "When I told you those words, what I meant was, you're too young and innocent, that I will never allow you to penetrate my world and ruin your teenage life." "Wow! parang ang layo ng agwat ng edad natin, ah." "Maybe not. But I am not as innocent as you are, that time." Nagyuko siya ng ulo at itinutok ang tingin sa magkasalikop na kamay sa kandungan niya. "That day, I felt unwanted... ugly... rejected." "Believe me, ginawa ko 'yon para sa'yo. I'm sorry if you felt that way." "It's okay. Tapos na 'yon." nag-angat siya ng tingin dito at pilit na ngumiti. "Will you forgive me, now?" "Don't worry, matagal na kitang napatawad." "Thanks. So, pwede na tayong mag-dinner bukas?" sa pagkakataong iyon ay nakangiti na ang binata at maaliwalas na ang mukha. "Ang sabi ko, napatawad na kita, pero wala akong sinabing makikipag-dinner ako sa'yo." sagot niya bagaman naroon na ang bahagyang ngiti sa mga labi. "Hmm... how about ako na lang ang magpunta rito sa bahay mo? I'll cook." "Marunong ka?" naka-angat pa anh kilay na aniya rito. "Wala kang bilib sa akin eh," Iniliyad pa ng binata ang kanyang dibdib at bahagyang tinapik iyon. "Basta luto, magaling ako diyan! Kahit pa luto ng Diyos 'yan." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Ang m******s mo talaga!"" "Honest lang ako." "Ewan ko sa'yo!" "So ano? Pupunta ako rito bukas? Please...?" anitong pinapungay pa ang mga mata. "Bahala ka na nga! Mangungulit ka lang hanggat hindi ako pumapayag eh." naiiling pang nakangiting pagsuko niya. "Sus, kunyari ka pa..." nakangising tukso ng binata. "Nagbago na pala ang isip ko, huwag ka na palang pumunta--" "Ooops... wala nang bawian. Expect me to be here, first thing in the morning." "Oo na. Sige na, umuwi ka na, gabi na." "Yeah, uuwi na 'ko at matutulog ng maaga, baka tanghaliin ako bukas ng gising." anito at sinundan ng pilyong kindat. "Ewan ko sa'yo! Papasok na 'ko." "Goodnight, Cassandra. Dream of me." "Che! Goodnight." aniya bago lumabas ng sasakyan nito. Hinintay muna ng binata na maisara niya ang gate bago niya narinig ang ugong ng makina ng sasakyan nito paalis. MATUTULOG na sana siya nang tumunog ang cellphone niya. Si Toni. Kunot ang noong sinagot niya ang tawag ng kapatid. Parang alam niya na ang sadya nito sa kanya. "Ate, ano'ng ibig sabihin ng mga eksena kanina?" Bungad agad nito, hindi pa man lang niya nasasabi ang 'hello'. "Wala. Ang tsismosa mo." aniya saka sinundan ng tawa. Sabi niya na nga ba. "Ate, I smell something fishy." pero siyempre dahil sadyang makulit ang kapatid niya. "Layo ka ng konti kay Greg, baka siya lang naaamoy mo." "Of course, not! Ang bango kaya ng hubby ko." "Tss. Sige na, matutulog na ako." "Umiiwas ka lang, eh." "Sira! Inaantok na talaga ako." "Yeah, right." "Goodnight." iyon lang at binabaan niya na ng linya ang kapatid. From : Art Wake up, sleeping beauty, before this prince charming came in, and kiss you. MASAKIT pa ang mga mata niya nang tumunog ang cellphone niya. Halos umaga na siyang nakatulog. Hindi niya alam kung mangingiti, o, ano sa natanggap na mensahe. Agad siyang bumangon para bumaba at buksan ang pinto. Inaasahan niyang nasa labas pa ito ng bahay niya at naghihintay na pagbuksan niya. Pagbukas niya ng pinto ay nagtaka pa siya nang walang Art na makita roon. Napkunot ang noo niya. "Niloloko ba 'ko nun?" sabi niya sa isip niya saka muling isinara ang pinto. Nagpasya siyang tumungo na sa kusina para magtimpla ng kape. She's not a morning person, pero sinisiguro niyang kape ang una niyang kaharap pagkagising niya. Pagpasok niya sa kusina ay literal na napanganga siya sa nabungaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD