CHAPTER 13 "Sorry na kasi, marami lang akong output projects na kailangang tapusin. Babawi ako sa 'yo. Promise 'yan, baby." "Uy, pansinin mo na ako. Hindi ko naman sinasadyang makalimutan ang anniversary natin, eh." "Baby, mag-usap tayo. Uy!" Napatigil sa paglalakad ang lalaki at hinarap ang girlfriend. "Stop! Will you please leave me alone, Arriane?" "Baby, sorry na kasi. Pag-usapan natin nang maayos 'to, okay?" The guy stared at the girl with sarcasm. "Pag-usapan? I've seen enough, Arriane! Lagi ka na lang walang oras sa 'kin. I tried to understand your situation. I tried to wait patiently until you give me a minute of your time but what happened? You're always busy. Ni isang segundo ba naaalala mo man lang ako? Na may naghihintay sa 'yo? Worst is, I've seen you happily smiling w