CHAPTER 14

2517 Words
"B-bella?" gulat niyang tanong. Pilit akong tumawa saka pinakita yung kapeng iniinom ko. "I ordered coffee here." saka ako tumalikod but the guy she's talking a while ago suddenly speak. "Are you eavesdropping on us?" Nilingon ko naman siya saka ngumiti. "No. I have my own business here. Hindi ko ugaling mangialam sa buhay ng iba." I gave him a sweet smile, "Excuse me." Kalmado lang akong naglakad palabas. Nasa labas na ako para maghintay sana ng taxi but Herlyn called me. "Bella." I sighed before facing her. Kailangan kong magpanggap na wala akong narinig. "Yes?" "May narinig ka ba?" she asked, "Anong mga narinig mo?" "As I said, I have my own business there so why would I bother eavesdropping to the both of you?" I look at her as if, she's accusing me of something. Hinawakan niya naman ang kamay ko. "Kung ganon, mag iingat ka. Hindi ko pa to masasabi sa ngayon pero ang masasabi ko lang, mag iingat ka. Huwag kang magtitiwala sa kahit na sino." then she left. What the hell is she talking about? Mas lalo na ngang gumugulo ang isip ko, talagang padagdag pa to. Pagkarating ko sa school, kinumusta ako kaagad ng classmates namin. They asked me if I'm okay but I just smiled at them. Wala talaga ako sa mood na makipagsocialize ngayon. Lalo pa at wala man lang akong nakuhang hint sa pagkamatay ni Ate Khaytelyn. "Buti at nandito ka na." Yani seems serious and that bothers me, "Kanina lang, nagpunta kami sa bahay ni Yvonne. Tinanong ko sila kung may huli bang nakasama ang anak nila bago mamatay." "And?" "Ang sabi daw ng Mama niya, nagpaalam si Yvonne na may papapuntahin na kaibigan sa bahay nila." Yani is explaining and my ears are on her, "That was the time that his parents are going to work at maiiwan si Yvonne sa kanila." Tumango tango naman ako. "At ang sabi ng Mama ni Yvonne, pumayag naman daw siya dahil lagi naman daw nagpapapunta si Yvonne ng tropa niya so akala niya, kung sinong kaibigan lang." I was just listening to her. "When they reached home, that's the time when they saw Yvonne dead. They also checked the CCTV pero para bang planado ng killer at nakasara yon ng mga oras na yon so walang nairecord na kahit ano." Mas lalong gumulo ang isip ko sa mga nakuha ko kay Yani. "May naalala rin ako! S-Si Kuya Dennis. Tanda niyo, yung pinagtabuyan ko siya nung burol ni ate. Binabanggit niya sakin na nagpaalam sa kanya si Ate Khaytelyn na may kikitain kaya nauna na siya sa room nila." natahimik naman ako na parang nag iisip rin. "Hindi kaya, yung kikitain na yun ni Ate Khaytelyn ay ang murderer mismo?" Nagkatinginan kami ni Yani. Andrei is still thinking. "If that's the case, maybe we should ask Yvonne's friends." pagsasalita ni Andrei, "Yvonne is friendly kaya malamang sa malamang, madami yong kaibigan. Pero kung iisa isahin nating tanungin, hindi malabong ma identify natin kung sino nga yung killer." Napabuntong hininga na lang ako. "We can also ask the neighbors. Baka may nakita silang nagpunta doon." He added. Unti unti na kaming nalalapit sa katotohanan. "Kay Harris kaya? Ano kaya yung investigation niya kay Dale? Gusto ko ring malaman kung may information na siyang nakuha." sabi ko habang nasa malalim na pag iisip. "He's still busy. Alam mo naman na SSG President siya." Tumango lang ako at saka natahimik. "Pero girl, ang lakas ng feeling ko na nandito lang yun sa campus. Naglilibot libot at naghahanap ng susunod na target." lalo lang akong kinabahan sa sinabi ni Yani. Kinakabahan rin ako. I know, the murderer is just here. "By the way, do you think, Herlyn know something?" bigla ko na namang naitanong sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, may alam rin si Herlyn dito. Especially when she told me that she can't speak for now, so I must keep safe. "Wala, wala siyang kaibigan dito so bakit naman siya may malalaman?" dudang tanong ni Yani. "Well, I saw her at the coffee shop with the guy she keeps on calling Marlo." "Omg, girl, nagkabalikan sila?" Yani seems shocked, "Yung si Marlo, ex yon ni Herlyn. Ang usap usapan dito sa campus, nagbreak daw yung dalawa after malaman ni Marlo na may gusto pala si Herlyn kay Keifer. Yung boyfriend ni Gwen." Is that really their story? Bakit doon sa usapan nila, ang rinig kong sabi ni Marlo na rason niya ay ang pananahimik ni Herlyn? "I don't want to open this up but I think, the reason why I dreamt that I was Gwen is, she needs to tell me something." I start to had some gossebumps after remembering that dream, "Pero hindi nila masabi kung ano yon." "Then why can't they tell what it is? Like duh, ang hirap manghula kung ano man ang gusto niyang sabihin." umirap pa si Yani pero nanatili pa rin akong tulala. Siguro hindi nila masabi kasi sa oras na sabihin nila, may masamang mangyayari. "Then I'll figure this on my own." wala sa sarili kong sabi. After class, I decided to go to Yvonne's room together with Andrei and Yani. Gulat na gulat naman yung mga kaklase ni Yvonne ng makita kami. "Can I talk to Yvonne's friend?" tanong ko. Buti na lang, tapos na rin yung klase nila kaya nagkaroon ako ng chance na makausap si Xenon, Yvonne's bestfriend. "Yes, what do you want to ask?" "Bukod sayo, may alam ka ba na close friends ni Yvonne? To the point that he can invite him to his house?" tanong ko. "Well, Yvonne's such a friendly guy. Kahit nga mag bestfriend kami, minsan nabibigla na lang ako kapag may nakikita akong bago niyang tropa na pinapapunta niya sa kanila." he sighed, "Pasensiya na pero wala rin akong idea." I smiled, but I was a bit disappointed inside. Hustisya lang naman ang gusto kong mangyari pero bakit parang nagiging mailap sa amin ang hustisya? "Wait. That night on the party, Yvonne doesn't mean to harass you, and he's sorry. Hindi niya lang nasabi sayo kasi nahihiya siya sa pinaggagawa niya. He's drunk that time." sabi ni Xenon saka siya umalis. Ngayon alam ko ng mabait naman talaga si Yvonne. I didn't saw Herlyn at the campus today. Agad naman kaming umuwi ni Andrei at Yani sa bahay. Nakakahiya na masyado. These two makes me food, and always think about me more than themselves. Kapag umuwi na sila sa kanila, naga manibago ako. Wala na akong makakasama. Mag isa na lang ako dito. "What do you want for dessert, girl?" she asked. "Anything. I'll appreciate anything as long as you're the one who made it." natatawa kong sagot saka niya naman ako tinawanan. Mayamaya rin, kumain na rin kami. Sabi ko nga kay Andrei, ako na ang mahuhugas ng plato but he keep on insisting. Naisipan kong magpunta na lang sa room ko. Mayamaya, susunod rin naman yun Yani. It's already 11 in the evening but Yani didn't knock on the door. Ang tagal kong naghintay pero hindi siya umakyat. I decided to go downstairs and there, I saw her sleeping in the couch. Si Andrei naman, nasa sahig. Nagbanig lang ng kumot habang may laptop sa bandang tiyan niya. I want to wake them up pero ang himbing na na ng tulog nila. Kinumutan ko na lang si Yani na tulog na tulog sa couch, ganun din si Andrei. Bumalik ako sa room para sana matulog pero, hindi ako inaabutan ng antok. I decided to go to the terrace to breathe some fresh air. To my shock, Keith was there. As always, parang pinapakiramdaman niya ang hangin. "How are you?" he asked in a serious voice. "Stop talking to me, you are not Keith." may bahid ng takot sa boses ko. He smiled. A creepy one. "Ang bilis mo namang nalaman." tumingin siya ulit sa langit na parang wala lang. Samantalang ako, yung tuhod ko nanginginig na sa sobrang takot. "So, y-you are not Keith?" halos mautal utal ba ako sa pagtanong. "You're the one who said that." he's wearing a serious face right now. Kaya pala. Kaya pala gabi gabi siyang nasa terrace. Kaya pala kapag nagkakausap kami, parang magkaiba silang tao. "What do you need, Keifer? Why do you need to pester my life? You should be dead. Kailangan mong tanggapin na patay ka na!" I almost shout but he just smile. Parang wala lang sa kanya ang mga salitang ibinabato ko. Gosh, I can't believe that I'm talking to a ghost right now. "I'm not here to pester you, Bella. I'm giving you a warning." he answered. Hindi lang ako kumibo habang nakatingin pa rin sa kanya. Hindi ko na talaga alam. Magulong magulo na rin ang isip ko ngayon. "I don't want the history to repeat itself. So no matter what happen, I want you to keep safe." he was able to go inside but I called him. I called him with his real name. "Keifer." Nilingon niya ako na parang gulat na gulat siya. Well, that was the first time I called him like that. Everytime I saw him I always call him Keith because I thought he was Keith. "Why can't you tell me the truth? Marami akong iniisip ngayon. Ang bahay, ang pagkamatay ni Ate, ng dalawang schoolmate ko, at hindi ko na alam kung bakit nangyayari to." halos guluhin ko na ang buhok ko dahil ang dami kong hindi nasasagot. "Everything is connected. Everything happens because they are all connected. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat sayo ngayon, Bella." sumeryoso siya, "Gusto man kitang tulungan pero pinoprotektahan ko siya." "Sinong siya? What the hell, you're making things complicated!" masyadong napalakas ang boses ko kaya naman narinig ko ang boses ni Yani. She walk dirrectly in to me, asking if who am I talking to. Nang tumingin ako sa may harapan na terrace, wala na si Keifer doon so I just said, "Nothing." We went back to sleep but I am not sleepy. Nang makita kong tulog na tulog na si Yani, pumunta ako sa attic. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako natakot. Maybe after I realized what Keifer said, siguro wala na akong dapat ikatakot. I go to the underground room to find something. To find some answers in my question. Kung konektado ang lahat ng to, paano? Walang laman ang kwartong to. Nang tingnan namin ni Ate Khaytelyn to noon, walang kahit na anong laman at yung nag iisang damit lang. I tried to look if there were some hidden stuffs but I found nothing. Nahiga na lang ako sa kama, at hindi ko namalayan na makakatulog ako. "Gwen!" someone called me again, and this time it's Keith? "Keith." I uttered. His smile faded, as if I said something wrong. "Why are calling me my brother's name?" he seems bothered. "I'm sorry, Keifer." I tried to smile at him. Hindi ko alam kung bakit nag iba ang senaryo. "Mahal kita." sabi sakin ni Keifer habang nakahawak sa mukha ko. "Ipaglalaban kita kahit na anong mangyari." Napanaginipan ko na to dati. Nung panahon na hindi pa malinaw sa isip ko ang mukha nila. "Hindi mo naiintindihan." I can hear my sobs. Keifer hugged me, and it feels like he was the safest place to go. Away from danger. "Bakit? Ipaliwanag mo sakin ang hindi mo maintindihan." Keifer said. "Papatayin niya ako." sagot ko at ng lumingon ako ay nakita kong may sumaksak sakin ng kutsilyo. Biglang nag iba na naman ang senaryo. Ngayon ay nakikita ko ang sarili ko dito sa kwarto. Nakatingin ako sa salamin. Hindi ako masaya. At ang mukha ko sa salamin. Hindi ako to. "You should be happy, we're together." Keifer is smiling at me but I look at him with displeasure. "I will never be happy to be with you. I loathe you!" I shouted and Keifer slapped me. Kaagad akong napatingin sa salamin and the moment I saw myself in the mirror, I have no eyes. Napasigaw naman ako at nakita ko si Yani at Andrei. "Gosh, what happened?" Yani hugged me. Ramdam ko ang pag aalala niya. Mas lalo ko lang hindi naintindihan ang nangyayari. "Are you okay, Bella? Binabangungot ka." sabi naman ni Andrei. "I know what happened is not easy for you. Pwede ka naman munang hindi pumasok. You are excused." Inalalayan na rin nila akong lumabas doon saka ako umupo sa couch. Nakita kong nagluluto pala si Andrei. Habang nagluluto si Andrei, kung ano ano naman ang tinanong sakin ni Yani. "Ano ba kasing ginagawa mo don, girl? Akala namin kung saan ka na nagpunta." sabi ni Yani saka ako inabutan ng kape. "Buti na lang, narinig naming nagsisisigaw ka kaya dali dali kaming nagpunta kung nasaan ka." I still didn't answer. "Ano ba kasing nangyari? Bakit ka nagpunta doon?" "I want to know everything, Yani. Parang lahat ng nangyayari ngayon, puzzle. Ang hirap buohin." wala sa sarili kong sabi. "Don't be stressed, mas makakasama yan sayo. Hayaan mong tulungan ka namin." Tumango lang ako bilang sagot. "By the way, Harris called. He told me that he will go here because he had some info on Dale's death." Good to know. "Hindi rin yata siya papasok sa school ngayon so you know, you could spend the day here." Yani winked at me and I throw her the pillow. "Crazy. Ang dami dami ko na ngang iniisip, idadagdag mo pa yan. Yang pang aasar mo na yan?" inis kong sabi. "Why? Hindi naman porke't maraming nangyari e hindi ka na pwedeng maglovelife. Girl, natural yon." she's still smiling as if she want to say something. "Did you two already kissed?" I tried to stop myself from smiling, because I know that I smile, she will tease me more. "Omg! So nagkiss na na kayo?" she started to scream and I cover her mouth with my hands. Why do she have to be talkative all the time? "Can you please stay quiet?" inis kong sabi. "Kinilig lang ako girl, alam mo naman na crush ko yon si Harris e. Pero sige, sayo na. Total, ikaw naman ang nakakiss. Jusko po." nagpaypay siya ng sarili na para bang iniinitan. "Then? Kiss lang?" "We already had sex." napakagat labi pa ako saka napayuko. Niyugyog ako ni Yani saka tumili tili. Pinandilatan ko naman siya ng mata. What the hell, she's really nosy. "Sorry naman girl. Ang haba ng hair mo kasi, naku!" we're both smiling right now, "Ilang beses?" "Two times already." sagot ko saka ngumiti ngiting yumuko. Yani is covering her mouth, while I am still smiling. Biniro niya pa nga ako na tatluhan na daw namin ngayon dito sa bahay. Baliw talaga. After that we heard a doorbell and then I saw Harris on the gate. Napakaseryoso niya. "Andito na pala ang Prince Charming—" natigilan si Yani sa pagsasalita ng makita ang laglag na hitsura ni Harris. "Are you okay?" I'm a bit worried after seeing his expression. "Schat, someone saw Dennis with Dale. Maybe Dennis is the killer."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD