CHAPTER 14

1424 Words
Nagising siya ng masakit ang katawan lalo na ang gitnang parte niya. Napatingin siya kay Xion na tulog na tulog habang nakayakap sa kaniya. Huminga siya ng malalim bago dahan-dahan na inalis ang kamay nito sa bewang niya. Maaga siya nagising kaya tulog pa ito. Nang makaalis sa kama at makatayo ay kinuha niya ang damit na binili sa kaniya at sinuot iyon. Dahil cellphone lang ang tanging dala niya ay iyon lang ang kinuha niya. Iniwanan niya na ang sirang jersey at palda, bahala na siya na mag-explain kay Maceh at sa mga kapatid. Hindi niya na nilingon pa ang binatang tulog at dali-daling lumabas ng hotel room nito. Hindi siya nagsisisi dahil sa nangyari, ginusto niya iyon at kailanman hindi niya iyon pagsisisihan. Pero alam niya pa ring mali iyong naging decision niya kaya susundin niya na ang sinabi sa sarili na iyon na ang magiging una at huli. Siguro makikiusap na lang siya kay francis na hindi niya na kailangan ng bodyguard dahil kaya naman niya ang sarili. Kung mapilit ito at ang asawa niya ay pwede naman iyong babaeng driver na pumalit kay Xion. Nagtaxi siya at tinawagan ang kapatid na si aimee na pauwi na siya at ilabas ang wallet niya na nasa bag dahil wala nga siyang perang dala. Pagkarating niya ay binayaran na niya ang taxi. "Saan ka galing ate? Bago damit mo ah," pansin nito sa ayos niya. "Sa kaibigan ko. Biglaan kasing nandito siya at nasa hotel naka-stay. May problema kasi kaya sinamahan ko na lang," pagsisinungaling niya. Mukha naman itong naniwala dahil tumango lang. Pumasok siya sa kwarto para kumuha ng tuwalya at bagong damit. Maliligo na siya habang hindi pa gising ang magulang niya. Pagkatapos niya maligo ay sakto paglabas niya ay nagsilabasan na ang mga kapatid para kumain ng umagahan. "Anak, babalik ka na ba sa manila?" tanong ng kaniyang ama. "Opo pa, marami pa akong gagawin eh. Sakto lang talaga na day-off ko ng magkasunod na araw," nagsandok siya ng kanin at ulam para kumain. Nagkwentuhan lang sila saglit at pagkatapos kumain ay kumilos na agad siya. Nilapitan niya ang ama at ina niya para abutan ito ng pera. "Ano 'to anak? Ang laki naman nito!" ani ng ina nang mahawakan ang 20 thousand pesos. "Baka naman masiyado mo ng tinitipid ang sarili mo?" tanong ng ama niya. Ngumiti siya at umiling. Wala kasing nakakaalam na sobrang laki ng sahod niya kada buwan idagdag pa ang sweldo niya sa restaurant. "Free kasi lahat ng kinakain ko pa, ma, kaya nakaipon ako ng malaki. Sainyo na 'yan panggastos pa sa mga iba. Sabihin niyo ulit pag paubos na ang mga gamot at vitamins niyong lahat para makapagpadala ako at bumili kayo ng marami." Napaka-importante ang kalusugan kaya pati ang mga kapatid niya ay pinabibilhan niya na ng vitamins at masusutansiyang pagkain. "Maraming salamat anak," sambit ng magulang niya. Niyakap niya ang mga ito at hinalikan sa pisngi. "Kailangan ko ng umalis ma, pa. Mag-iingat kayo rito at magsabi kayo kaagad sa akin kung may emergency ha?" bilin niya pa. Niyakap niya rin ang mga kapatid niya at inabutan niya ng pera para sa mga gusto nitong bilhin. "Salamat dito ate!" ani ng mga ito. "Aimee, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo. Bantayan mo 'yan ha?" Si Aimee kasi ang pinaka inaasahan niya para magbantay sa mga bata nilang kapatid. "Oo ate, mag-ingat ka roon. Salamat ulit sa pangbili ng cellphone," tuwang-tuwa na sambit nito. Ngumiti lang siya rito at tumango. Binigyan niya kasi ito ng pambili ng cellphone dahil kita niya na sobrang luma na at basag pa ang screen. Importante rin iyon para rito dahil dalaga na at kailangan ng maayos na gadget para gamitin sa pag-aaral. Bago siya tuluyang umalis ay kinatok niya muna sa tindahan si Maceh at inabutan ito ng sobre na may lamang pera. Nagulat ito at ayaw pa tanggapin pero pinilit niya. Si Maceh ang lagi niyang natatakbuhan lalo na pag walang titingin sa mga kapatid niya. Hindi ito nagreklamo o humingi ng kung ano sa kaniya. Malaki ang utang na loob niya sa kaibigan. "Ipangbili mo ng gusto mo. Hindi na bilhan ng pasalubong dahil biglaan lang din ang punta ko rito." "Nako! Hindi naman kailangan pero maraming salamat dito Aj!" Nagkwentuhan lang sila saglit at umalis na rin siya kaagad. Nang makakita ng taxi ay pinara niya kaagad iyon at sumakay. Hindi naman sobrang traffic dahil maaga-aga pa. Lunch time siya nakauwi sa manila. Muling tumunog ang cellphone niya at nakita niyang tumatawag si Xion sa kaniya. Kanina pa nga ito tumatawag pero hindi niya lang sinasagot. Nakasakay kasi siya sa bus kaya hindi niya ito makausap. Sinagot niya iyon at naunahan siya nito magsalita. "Where are you?" matigas na sambit nito. Ramdam niya sa boses nito na galit ito. "Nandito na ako sa manila, sa bahay —" Naputol ang sinasabi niya dahil biglang namatay ang tawag. Napabuntong hininga na lang siya at dumeretso sa kwarto niya. Humiga siya sa kama at natulala sa kawalan. Sigurado siyang pag nalaman ito ng asawa niya ay mayayari siya. Wala naman sa kasunduan ang bawal siya makipagrelasyon pero dahil kasal na siya sa kontratang asawa, responsibilidad niya ang maging loyal dito ng dalawang taon. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Francis. Mabilis naman itong sumagot sa tawag niya. "Hello?" "Yes? How can I help you, Mrs. Horton — oops, my bad. Just forget that I said your husband's surname," he laughed. So, Horton ang surname ng asawa ko? "A-ah, busy ka ba?" tanong niya rito. "I am always busy, but you're my client's wife, so I have time for you. What's the matter?" "P-pwede bang wala na akong bodyguard at driver? Kaya ko naman mag-isa sa bahay, tiyaka kaya ko rin bumyahe mag-isa." "Kaya pala nagiging dragon na naman ang gago," tawa nito. Natigilan naman siya dahil sa pagtataka. "Huh?" "Oh, sorry! M-may ka-chat kasi ako. So ano nga uli 'yon? Bali gusto mo siyang umalis sa bahay?" pagkaklaro nito. Kinagat niya ang labi at tumango kahit hindi naman siya nito nakikita. "O-oo." Iyon lang naman ang paraan para matigil na ang kahibangan niya. Sigurado siyang kahit paulit-ulit niya sabihin sa sarili na kailangan niya tumigil ay paniguradong hindi niya na naman iyon masusunod. She can't stop her feelings and burning desire if she's always with Xion. "Too bad, I can't do that," sambit nito na nagpabagsak ng balikat niya. "Your husband will not allow that," he added. Hindi na siya nagpumilit pa at nagpasalamat na lang sa oras nito. Muli siyang nakaidlip sa posisyon niya at nagising na lang nang maramdaman na may nakayakap sa kaniya. Naimulat niya ang mata at laking gulat niya ng makita si Xion sa tabi niya. Nakatitig ito sa kaniya at napansin niya rin na nakaunan na siya sa braso nito. Aalis na sana siya ng humigpit ang hawak nito sa bewang niya. "Don't go," seryosong sambit nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. "N-nandito ka na pala," ani niya. "You left me," matabang na wika nito at mas lalo pa siyang hinapit. Napasubsob siya sa dibdib nito dahil mas humigpit ang yakap nito sa kaniya. "Nauna lang ako —" "You said you'll not regret it, but when I woke up, you're not beside me anymore." Nakagat niya ang lab isa sobrang lakas ng t***k ng puso niya. "Hindi ko naman talaga pinagsisihan... gusto ko 'yon." "I want it too." Napalunok siya ng lumuwag ang yakap nito sa kaniya. Napausog siya sa kabilang dulo at iniwas ang tingin dito. "M-may asawa ako..." "I know and I don't care," sambit nito. Binaling niya ang tingin sa binata ng umupo ito at sinandal ang likod sa headboard ng kama. "Mali ito —" "It's not, because it's just a contract." Nanlaki ang mata niya dahil alam nito ang tungkol doon. "P-paano mo nalaman?" gulat na tanong niya. Napaupo siya at hinarap ito. Umiwas ito ng tingin at napasuklay sa buhok gamit ang kamay. "I-I just know." Napahawak siya sa noo niya at pilit pino-proseso ang sinasabi nito. "A-alam mo ang tungkol doon? K-kailan pa?" kinakabahang tanong niya sa binata. Hindi siya nito sinagot at hinawakan na lang ang kamay. Hinatak siya nito at niyakap ng mahigpit. Naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya na halos hindi na siya makahinga. "It's not important how I know. The important thing is don't ever leave me again, baby. I might go crazy if you did it again."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD