Napatingin siya salamin dahil sa magarang suot niya. Napilitan siyang mag-leave sa trabaho ng dalawang araw dahil sa party na aattend-an nil ani Xion. Pumayag na siya dahil nalaman niya rin na naroroon si Lloyd at naisip niya na rin na gusto niyang magkausap ang dalawa.
Hindi niya pa alam ang side ni Lloyd kung bakit ito parang galit kay Xion kaya ayaw niya itong husgahan basta-basta.
Nakasuot siya ng olive green na dress, may sleeves siya na see-through gaya ng gusto ni Xion. Ayaw kasi siya nito pagsuotin ng medyo revealing. Ito pa nga ang bumili ng damit na susuotin niya at ito mismo ang pumili.
Naghihintay pa rin siya na kusa itong magsabi tungkol sa buhay nito. Hindi niya kasi sinabi na nagkausap sila ni Lloyd at nalaman niya na mayaman talaga ang binata.
"You ready?" Napalingon siya ng makapasok ito sa kwarto niya.
"Oo. Okay ba ang itsura ko?" tanong niya.
"Of course. You are beautiful, baby," nakangiting ani nito sa kaniya. Hinawakan naman siya nito sa kamay, umupo ito sad ulo ng kama kaya napakandong siya sa hita nito.
"I have to tell you something, baby," he said while looking intently into her eyes.
"A-ano 'yon?"
"I'm an architect, and I have a business," he paused for a while. Nakatingin ito sa kaniya na parang pinapakiramdaman siya kung ano ang ire-react niya. "Most of the people there are know me. And I'm sure they will talk to you and ask about us. Can you go with the flow and stay beside me?" marahan na tanong nito. Ramdam niya ang maingat na pagpapaliwanag nito sa kaniya.
"So... mayaman ka nga talaga? P-pero bakit ka nag-bodyguard kung may mas maganda ka pang trabaho?" hindi niya napigilang magtanong. Natigilan naman ito at napabuntong hininga.
"I have... a reason..." Umiwas ito ng tingin kaya pati siya ay napabuntong hininga.
"Okay. Naiintindihan ko, hindi na ako magtatanong pa," nakangiting ani niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at hinalikan ito sa labi. "Tara na, baka special entrance pa tayo dahil late tayo," natatawang sambit niya.
Kahit curious pa siya ay pinigilan niya na lang ang sarili na magtanong pa sa binata. Tumango ito sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Lumabas sila ng kwarto at bumaba tiyaka tumungo sa labas para sumakay ng sasakyan.
Xion held her one hand tightly. That's why he was driving using his one hand only. Kapag humihinto sila dahil sa stop light ay marahan nitong hinahalikan ang hawak nitong kamay niya. Hindi tuloy nawala ang init ng pisngi at kilig na nararamdaman niya sa mga oras na 'yon.
Nakarating sila sa hotel at mukhang naka-reserve pa ata ang buong building para lang sa party at mga bisita. Welcome party daw iyon ng kaibigan ni Lloyd. Kinakabahan siya dahil sa mga taong nasa paligid nila. Alam niyang wala ni isang mahirap doon. Pagkapasok nila ay kita niya kaagad ang kagandahan ng loob ng hotel venue, pati ang mga bisita ay pagandahan ng suot.
Makikita mo ang mga tatak ng bag na galing sa sikat na mga brand. Kahit saan ka lumingon ay lahat mayayaman.
Nahagip ng mata niya si Lloyd na may katabing babae. Nakahawak ito sa may bewang ng kasama nito kaya napatingin din siya sa babae. Napakaganda nito at ubod ng sexy ang katawan. Revealing kasi ang dress na suot nito pero bagay na bagay dahil mas lumabas ang kaputian at kakinisan ng balat.
"Siya ba 'yong may party?" bulong niya kay Xion habang nakatingin pa rin sa kasama ni Lloyd. Hindi pa sila nito nakikita dahil may mga kausap ito.
"Yes. She's Alora DelaFuente, the owner of Alora DF Cosmetics, if you heard about that," sambit nito na kinaawang ng labi niya. Alam niya iyon dahil sikat na cosmetic brands iyon. Nagtitinda siya ng mga cosmetics at nakatinda na rin siya ng product ng brand na 'yon pero kaunti lang dahil napakamahal bawat isa dahil high quality ang mga makeups.
"Ang ganda niya," bulalas niya habang nakatingin sa babae.
"You're more beautiful, inside and out," he whispered. Napangiti naman siya ng patago dahil sa klase ng pagbulong nito. Para pa siyang nakili dahil sa mainit na hininga nito.
Napatigil siya nang nagsalubong ang mata nila ng babae. Umayos siya ng tayo at tinapik si Xion na kanina pa himas ng himas ng bewang niya pataas sa gilid ng dibdib niya.
"P-pupunta ata sila dito sa atin," pasimpleng bulong niya.
Hinapit siya ng husto ni Xion nang mapatingin na rin sa dalawa.
"Nice to see you, my Xion," sambit ng babae at niyakap ng mahigpit ang binata kaya napalayo siya rito. Nagtama naman ang paningin nil ani Lloyd at tipid itong ngumiti sa kaniya.
"You don't need to hug me. I'm with my wife," deretsong sambit ni Xion kay Alora at inabot ang kamay niya para hatakin siya ng marahan at muling hapitin.
"Oh, I'm sorry. I didn't mean to! I forgot you have a wife now," tawa nito na hindi niya gusto ang tono. She's being sarcastic and she was sure about that.
Bumaba ang tingin niya sa isang kamay ni Xion na hinawakan ni Alora.
Ano 'to? Harap-harapan talaga?
"Xion, some of your investor are here. Let's meet them!" masayang sambit ni Alora at hinatak ang kamay ni Xion. Dahil nabigla siya sa ginawa nito ay muli niyang nabitawan ang kamay nito. Nagulat din siya nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Lloyd.
"Let's eat. Your husband is a busy person —" naputol ang sinasabi ni Lloyd nang may humawak din ng kamay niya.
"When it comes to my wife, I am not busy. So, let go of her hand before I'll punch your face in front of everyone," matigas na sambit ni Xion. Dumagundong ang puso niya sa kaba dahil masiyadong mataas ang tension ng dalawa. Pati siya ay pinagpapawisan na ata dahil sa ginagawa ng dalawa. Siya na ang tumanggal ng kamay ni Lloyd bago pa makasapak ang binata.
Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Xion at tiningnan ito tiyaka umiling para patigilin.
"Tara na... gutom na ako," bulong niya. Hindi niya na ito hinantay at hinatak na lang pero bago pa sila tuluyang makaalis doon ay nahagip ng mata niya ang pagtaas ng kilay ni Alora habang nakatingin sa kaniya.
"Pwede bang 'wag kayo mag-away?" kalmadong tanong niya sa binata nang makalayo sila kay Lloyd.
"I can't! he held your f*****g hands, and I don't like it!" he fumed. She sighed and didn't say anything. Galit talaga ito at baka may masabi pa siyang ikakagalit nito kaya hindi na siya nagsalita.
Kumalam naman ang tiyan niya at mukhang narinig iyon ni Xion kaya napatingin sa kaniya. Nakakunot pa rin ang noo nito.
"Let's eat." Naglakad ito kaya pati siya ay napalakad dahil hawak nito ang kamay niya. Dumeretso sila sa mga pagkain at parang nakalimutan niya ang mga nangyari dahil nagningning ang mga mata niya sa pagkain.
Sino ba naman ang hindi matatakam kung napakasarap ng mga pagkain sa mahabang table. Kumuha siya ng plato at saktong puno lang ang ginawa niya. Nakakahiya naman kung kumuha siya ng sobrang dami. Nang matapos silang kumuha ng pagkain ay pumunta sila sa table na bakante. As in wala silang kasabay roon at si Xion mismo ang pumili no'n.
Sa una ay tahimik pa silang kumakain pero may mga nagsilapitan na mga lalaki at may kaniya-kaniya itong kasama na babae pwera sa dalawang lalaki na walang kasama at nakatingin sa kaniya.
"Who's the beautiful lady beside you?" tanong ng isang lalaki, iyong walang kasamang babae.
"She's my wife," napansin niya ang pagdiin sa salitang 'wife' ni Xion. Siya naman ay hindi alam kung saan titingin dahil hindi siya komportable sa binibigay na tingin ng lalaki.
"Oh, sayang, maganda pa naman. Type ko," tawa nito. Hindi niya sigurado kung biro ito o hindi pero hindi siya natawa sa sinabi nito.
"It's fine because you're not her type," he said in sarcastic tone. Pinigilan niya ang pagtaas ng sulok ng labi dahil natawa siya sa sinabi ni Xion. Hindi niya alam na may side pala itong ganito. Nagsitawanan naman ang mga ibang kasama nila dahilan para mamula sa galit ang lalaki. Alam niyang galit ito dahil halata sa itsura.
Hindi na ito nagsalita at umalis na lang kasama 'yong isa pang lalaki.
"Burn!" natatawang bulong niya. Mukhang hindi iyon na-gets ni Xion dahil napakunot ang noo nito at nagtatanong ang itsura. Umiling na lang siya at masayang tinapos ang pagkain habang nakikinig sa mga nakikipagkwentuhan na iba pang bisita kay Xion.