bc

OMINOUS SOLSTICE

book_age16+
9.1K
FOLLOW
27.5K
READ
revenge
mafia
drama
sweet
straight
genius
ambitious
male lead
realistic earth
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

An Entry to STARY WRITING ACADEMY III WRITING CONTEST

RISE FROM THE ASHES: KING FROM NOBODY

This story is written in FILIPINO (Tagalog)

~ ~ ~

Si Noah Montfort ay binatilyong ama na umibig sa tagapangalaga ng kaniyang anak. Siya'y isang dukhang henyo, madiskarte sa buhay at maabilidad sa mundo ng teknolohiya. Sa murang edad na labing walong taong gulang. Itinaguyod niya mag-isa at ginawa niya ang lahat mabigyan lamang ng magandang buhay si Ethan.

Umibig si Noah kay Josie. Ang tagapangalaga ni Ethan. Paano kung bawal ang kanilang pagiibigan? Magawa kaya nilang ipaglaban ang kanilang wagas na pagmamahal sa kabila ng katotohanang sila'y magkalaban?

Nainbento ni Noah ang multiverse utopia game na tinawag niyang Ominous Solstice. Isa itong virtual online game na kailangan gumamit ng virtual 3D glasses upang ma-access ang laro. Dinadala ang sinumang maglaro ng Ominous Solstice sa pantasya ng katotohanan kung saan ang manlalaro ay makakarating sa iba-ibang demensyon at henerasyon sa buong mundo.

Alam ni Dixson Samañiego na papatok ang Ominous Solstice sa merkado at ito na ang hinihintay niyang pamamayagpag sa mundo ng teknolohiya. Ngunit gusto niyang siya ang may mag-ari ng OS.

Sa gitna ng pakanang panunog ni Dixson. Nalaman nito na may kaugnayan si Noah sa anak niyang si Molly.

Lingid sa kaalaman ni Noah ang hidwaan ni Dixson at ang nakilala niya pa lamang na ama na si Norberto Echeverria.

Nakipagsusyo si Noah kay Dixson gamit lamang ang kaniyang talento. Minanipula ni Dixson si Noah upang mapapayag ito ayon sa kaniyang kagustohan. Pinagplanuhang mabuti ni Dixson kung paano buburahin sa kaniyang landas si Noah upang mapasakaniya ang pag-mamay-ari ng patent ng Ominous Solstice.

Subalit matalino si Noah. Ang inakalang pagmamanipula ni Dixson ay hindi niya naisakatuparan.

Namayagpag si Noah kaniyang pinapangarap. Nagtagumpay ang Ominous Solstice sa buong mundo. Sa isang iglap nagi siyang bilyonaryo. Sa kabila ng kahirapan sa buhay nagawa ni Noah na maging matagumpay.

Nagbago ang lahat ng umibig siya kay Josette Gambino. Isang anak ng mafia na kalaban rin ng ama ni Noah. Nakabuhol-buhol ang kaniyang buhay. Sa kabila ng lahat naging matatag ang pagsasama nilang dalawa. Bumuo sila ng kanilang pamilya.

Sa kalagitnaan ng pagiging isang bayani sa lahat ng empleyado ng SamTel at sa organisasyong kaniyang pinamumunuan. Nangyari ang isang lagim na magbabago sa buong pagkatao ni Noah Echeverria.

Nakulong siya sa kaniyang opisina sa ikalabinlimang palapag ng gusali matapos masunog ang cloud hub ng Samtel. Patay na si Noah ng matagpuan. Sunog na sunog ang katawan nito at hindi na mapagkilanlan.

Ngunit paano kung ang natagpuang sunog na bangkay ay hindi ang katawan ni Noah?

Paano kung nakulong siya sa larong kaniyang ginawa?

Natuklusan ni Noah ang tunay niyang pagkatao sa mismong laro ng kaniyang ginawa. Ang makabagong mundo tinawag niyang Universum Consimilis kung saan ang reyalidad ay patansya.

Ang lahat ng nangyari sa kaniya ay bunga ng kaniyang masamang nakaraan, Nabigyan si Noah ng pagkakataon baguhin ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng Ominous Solstice.

Sa kaniyang pagbabalik hindi na siya ang bilyonaryong Noah. Hindi niya na kilala ang kaniyang pamilya.

Lingid sa kaalaman ni Noah ang pagbabalik niya sa lupa ay isang kaparusahan. Nabura ang kaniyang alaala. Bumalik siya sa dating buhay noong isa pa lamang siya hampas-lupa. Isang dukha na mas mahirap pa sa daga.

Mabago kaya ni Noah ang kapalaran kung makakalabas man siya sa imbensyong 'di niya inakalang magiging katapusan niya?

Gaano nga ba katatag ang isang pag-iibigan at pagkakaibigan?

Makalaya pa kaya si Noah sa perpektong mundong kaniyang nilikha?

~ ~ ~

Please add OMINOUS SOLSTICE to your library by clicking PURPLE HEART.

CURRENTLY ON HOLD. Thank for understanding.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO SAINYONG SUPORTA!

xoxo

summerjhean

*VIP. Under PAY-TO-READ since February 11,2022.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1: ISKUWATER
Tondo, Manila, Philippines ANG MABUHAY SA masukal, masangsang, masikip at magulong lugar sa gitna ng lungsod ng Maynila ay isang karanasang 'di kailanman malilimutan ni Noah Montfort. Laki sa iskuwater si Noah kung saan laganap ang mga ilegal na gawain. Ang mga nakatira roon ay pawang mga kriminal kahit hindi naman. Mga magnanakaw, manggagantso, sugarol, lasengero at mga babaeng bayaran. Lahat na yata ng negatibo ay nasa lugar nila. Halos araw-araw ay may riot, raid at patayan.Higit sa lahat salat sa hustisya dahil sila ay dukha. Gayun pa man, kahit sila'y mga hampas lupa. Karamihan ay may puso at mapagkawang-gawa. Sanggol pa lamang si Noah ng mawalan ng ina. Namatay ito matapos masagasaan ng rumaragasang ten-wheeler trak habang pauwi ng bahay galing sa eskuwela. Matapos ang aksidente nakipagsapalaran si Selma sa Maynila upang maitaguyod si Noah. Namasukan itong katulong sa mga Verdadero. Kinalaunan ay paglalabada ang ikinabuhay ni Selma at Noah. Si Scarlet Montfort ang ina ni Noah. Labing-walong taong gulang pa lamang ito ng ipagbuntis ang anak. Hindi alam kung paano sasabihin sa mga magulang ang katangahang ginawa. Takot na isumpa ng ina at itakwil ng ama. Pumunta ito sa Pilipinas at hinanap ang dating tagapangalaga sa Dumaguete. Si Selma, ang kinalakihang lola ni Noah na tinatawag niyang 'Imang.' Hindi alam ni Selma kung sino ang ama ni Noah. Nakiusap si Scarlet kailanman ay ‘wag paalam sa magulang nito ang tungkol sa kaniyang anak. Bata pa ang alaga ng umalis si Selma sa mga Montfort para makasama ang pamilya. Sa kasamaang palad namatay ang kaniyang pamilya sa paglubog ng barko dalawampung taon na ang nakalilipas. Si Noah, mapamaraaan at madiskarte. Rakista ang tawag sakaniya hindi dahil siya ay tumutogtog sa banda kundi dahil parati itong may racket kung saan-saan. Palibhasa henyo at mahusay sa teknolohiya. Malaki ang kita nito sa pagkukumpuni ng telepono, kumpyuter, telebisyon at kung ano - ano pang mga elektronikong kagamitan. Nakatapos si Noah ng kolehiyo bilang iskolar. Kahit minsan hindi ni Noah inusisa ang kaniyang Lola Selma patungkol sa kaniyang pagkatao. Masaya naman siyang kasama ang matanda kahit na nga salat sila sa lahat ng bagay. Ang kinikita niya ay sapat lamang sa pangaraw-araw nilang gastosin. Isabay pa ang pagkakasakit ng matanda na hindi ni Noah inaasahan. Habang abala sa kinukumpuni, sumipol ang kaibigan nito at pumalakpak na parang nagtatawag ng kalapati. "Noah!"tawag ni Manolito, yohoo!" Sina Manolito, Leandro at Paloma ang mga matalik na kaibigan ni Noah. Magkakaibigan na simula pa noong sila'y mga paslit pa lamang. Si Lito katulad niya ay ulila na rin at nakikipisan lamang sa tiyahin. "Lito!" sagot ni Noah habang nakatanaw sa bintana hawak ang cellphone na kinukumpuni. "May liga sa kabilang barangay. Aanyayahan sana kita," ani Lito. "Pass ako. Kailangan kong mae-deliver itong cellphone bago magabi." "Oh, siya. May salo-salo kina Leandro mamayang gabi. Sumunod ka na lang." "Susubukan ko." "Noah, sumunod ka. Maraming handa para maipagbalot mo na rin si Lola Selma at Ethan ng makakain hanggang bukas." May punto naman ang kaibigan niya. Sa tuwing kaarawan ni Leandro parating magarbo ang selebrasyon nito. Nag-iisang anak ito ng mga Verdadero, ang dating amo ng kaniyang Imang. Mainam na rin kung dadalo siya. Maipagbabalot niya ng pagkain ang kaniyang lola at anak. "Sige, kita na lang tayo mamaya,’tol." "'Wag ka mang-indyan, Noah! Mapepektosan kita!" "Oo na!" sigaw nito sa kaibigan," dadalo ako sa kasiyahan." * * * SUMAPIT ANG HAPON natapos na ni Noah ang mga cellphone na pinaayos ng kliyente niya sa Recto. Mga nakaw na telepono iyon. Kailangan niyang e-refurbished para mabenta ng segunda mano. Mali man sa batas at sa mata ng tao ngunit kailangan niyang kumita. Pangkain nila at pang-gamot ng kaniyang Lola Selma. "Lola, mauna na ako. E-deliver ko lang ho itong mga nagawa ko." "Mag-iingat ka apo," ani Selma. “Si Ethan, ho?” “Natutulog ang anak mo,” sagot nito. Niyakap ito ni Noah at hinalikan sa noo," Imang, 'wag n'yo na akong hintayin. Gagabihin ako. Naipagluto ko na kayo ng hapunan. Nariyan sa mesa. Huwag n'yo kalimutan iyong gamot mo sa altapresyon at dyabetis." "Aakyat ka ba ng ligaw apo?" "Imang kahit magkandarapa ang mga dilag sa harapan ko. Pag-hahanap po ng trabaho ang uunahin ko, kayo at si Ethan. " "Noah apo. Paminsan-minsan ay magsaya ka naman. Sumama ka sa mga kaibigan mo." "Hay Imang. . .” hinawakan niya ang kulubot ng kamay nito,” . . . Imang parang pinagtutulukan n'yo ako palayo." "Apo, hindi. Gusto kong makita kang masaya. May nobya. May kilalaning nanay ang anak mo,” huminga ito ng malalim at tinitigan si Noah sa mga mata,” bago man lang ako pumanaw sa mundo." "Hindi pa kayo mamatay. Imang. . . bawal makalimot huminga,” ani Noah habang yakap-yakap ang kaniyang lola, “naiintindihan n'yo ba? Bawal!" May lungkot sa mga mata ni Selma ngunit pilit itong ngumiti at kumaway habang palabas ng barong-barong si Noah. "Mahal na mahal kita, apo." "Mahal ko rin kayo, Imang." Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ganoon sila mag-usap ng kaniyang Imang. Nang mag-karoon siya ng iba’t ibang raket ay madalas ay pawang nababahala ito sa bawat paglabas niya ng bahay. Tila ba may lihim itong tinatago sa kaniya. Pakiramdam ni Noah ang bawat pag-uusap nila ay pawang pamamaalam. * * * NAGLAKAD NA SI Noah palabas sa masikip na iskinita. Nagkalat ang mga batang uhigin at walang saplot na nagtatakbohan sa masukal na daan. "Uy, Amboy! Saan ang lakad natin?" Tanong ng isang tambay na hindi matandaan ni Noah ang pangalan. Sa dami ng tambay sa kanilang barangay marami roon ay lasingero, lulong sa droga at adik sa sugal. "Diyan lang sa Recto, parekoy!" sagot niya. Kailangan sumagot o tumagay kapag inalok ng mga lasengo sa kanto. Dahil kung hindi bugbog sarado ang aabotin niya. "Noah, darling. Kailangan mo ba ako e-didate?" maharot na tanong ni Paloma. Kaibigan ito ni Noah ang katuwang niya sa pag-aalaga kay Ethan ng iwanan sila ni Molly. Si Paloma ang kasa-kasama niya sa elementarya hanggang hayskul. Ngunit hindi na ito nag-aral ng kolehiyo. Nag-tatatrabaho na ito bilang pole dancer sa Pegasus. Night club ng mga mayayaman negosyante, artista at pulitiko sa Malate. "Kapag bilyonaryo na ako, Paloma," pabirong sagot ni Noah sa kaibigan. Kahit ni katiting ay wala siyang pagtingin sa napakagandang dalaga. Breadwinner ito. Katulad niya ay bente-uno anyos pa lamang ito. Si Paloma ang panganay sa isang dosenang anak ni Aling Unding at Mang Dolfo. Lasengero at palamunin ang ama nito. Samantalang ang ina ay labandera ng mga Verdadero. "Hintayin ko ang araw na 'yan, Noah. Ramdam ko balang araw sisikat ka," sagot nito habang nakalingkis ang braso na pasimpling kinikis ang dibdib sa braso ni Noah. "Umuwi ka na, Paloma. Pakalat-kalat ka rito kaya ka—" "Hayaan mo sila." "Halika ka na nga. Ihatid na kita sa bahay n’yo." "Sabi ko na nga ba. Hindi mo ako matiis." "Marami naman trabaho. Bakit sa Pegasus pa?" "Ikanahihiya mo ba ako,Noah?" "Hindi." Pegasus rin ang letrang nakalagay sa mga larawang nakita niya na tinatago ng kaniyang Lola Selma. Larawan ng isang magandang dilag na pawang may dugong banyaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO'S Naughty Daughter

read
56.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook