Kabanata 6 ELEANOR Ang buhay may asawa ay talinghagang mahirap maunawaan. Hindi ko lubos maisip na may katulad nitong hindi inaasahang kirot na nananahan sa aking dibdib nang aking mabisto na may ibang binabahay na mabining dilag ang aking Ginoong asawa at ngayo’y malaki ang aking dalita. Ako’y lubos na napipinsala sa kataksilan na ginagawa nila sa akin. Ngunit makalipas ang ilang sandaling pagninilay-nilay habang kumakain ay napagtanto kong nararapat lamang na isagawa ko na ang payo ng butihing si Ginang Joséfa. Kung kami ma’y magkakaroon ng supling ni Ginoong asawa ay mayroong pagkamaaari na huminto na siya sa kanyang kataksilan. Ngunit ang tanong ngayon ay kung papaano namin gagawin iyon. Nasa harapan kami ngayon ng hapagkainan at pinagsasaluhan namin ang pagkaing inihanda ni