KABANATA 2

2108 Words
Kabanata 2 ELEANOR Labis na ikinalulungkot ng aking damdamin ang pagpanaw ng aking iniirog na si Calick. Bagama't hindi kami nagkakaroon ng matinong pag-uusap sapul noong araw na naging parte na siya ng mapanglaw kong buhay ngunit masasabing kong bukod kay Ginang Joséfa at ni madre de pamilya na parating may suot na antipas ay isa rin si Calick sa nagbibigay kasiyahan sa akin. Ako ay labis na nalulumbay sa kaniyang hindi inaasahang paglisan. Pakiramdam ko ay mag-isa na naman ako. Pakiramdam ko ano mang oras ay matitikman ko na naman ang poot at hagupit ni Ginoong asawa. Mag-isa na lamang ako. Ang aking irog na si Calick lamang kasi ang tanging napagsasabihan ko sa tuwing ako ay pinagbubuhatan ng kamay ni Ginoong asawa. Natatakot akong ipagtapat iyon kay Ginang Joséfa at sa madre de pamilya sapagka't ako ay nangangamba na baka saktan din sila ni Ginoong asawa. Kaya madalas ay kay Calick na lamang ako nagsusumbong sapagka't kampante akong hindi niya ipagsasabi iyon sa kahit sino. Ngunit ngayong sumakabilang-buhay na ang iniirog kong buwaya ay wala na akong mapagsasabihan pang iba. Nakakadismaya sapagka't balak ko pa namang ihandog sa kanya si Ginoong asawa kung magkamali siyang saktan ako ulit. "Binibining Eleanor. Binibini." Babahagya kong inikot ang aking ulo upang masulyapan ang gawing pinanggalingan ng tinig ni Ginang Joséfa. "Ano ang maipaglilingkod ko saiyo, Ginang Joséfa?" Nakakapanibago. Paano kaya nagiging malungkot ang boses ko? Ito ay kakaiba sa karaniwang anyo ng aking tinig. At ang damdamin ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong uri ng kahapisan ang naghihinagpis sa ilalim ng aking dibdib. Tila katulad iyon ng aking nararamdaman sa tuwing ako ay sinasaktan ni Ginoong asawa. At ang ganitong pakiramdam ang kinaayawan ko sa lahat. "Malapit na ang takip-silim, binibini. Kailangan na ninyong bumalik sa loob ng palasiyo." Nababatid ko ang pag-aalala sa tinig ni Ginang Joséfa. "Dumito na lamang ho muna kayo sapagka't ibig kong may dumamay sa akin habang ako ay nagluluksa sa pagkamatay ng aking irog." Tumabi sa kinauupuan ko si Ginang Joséfa. Nasa pampang kami ng munting dugatan kung saan nagsilbing tirahan noon ni Calick. Kaninang umaga lamang ay inilibing na siya ng mga guardia civil ng palasyong pag-aari ni madre de pamilya— siya rin ang Ina ni Ginoong asawa ngunit mababakas kong milya ang layo ng kanilang pag-uugali. Mabuting tao si madre de pamilya habang si Ginoong asawa ay walang ibang ginawa maliban sa pagbuhatan ako ng kamay o hindi kaya ay sigawan. Ngayon ay batid ko na kung bakit walang Ginoong asawa si Ginang Joséfa at madere de pamilya sapagka't ayaw nilang may manakit sa kanila tulad ng ginagawa sa akin ni Ginoong asawa. "Hindi maaari na maabutan ka rito ng gabi, binibini sapagka't ikaw ay hinahanap na ng inyong kabiyak." Tumulis ang aking labi sa isinaad ni Ginang Joséfa. "Hinahanap niya ako? Nag-aalab na naman ba sa poot ang magaganda niyang mga mata na kulay-kastanyo?" Nakaramdam muli ako ng takot. Maaaring hinahanap niya ako upang ibaling na naman sa akin ang galit niya. "Mali ka, binibini. Ikaw ay kanyang hinahanap upang saluhan siya sa kanyang hapunan." Daglit akong napatayo sa anunsyo ng butihing Ginang. Hindi ko masabi ngunit ako ay lubos na natutuwa kung sakali mang totoo iyon. Aking ngang aaminin na parati kong hinihiling na makasama ko Ginoong asawa sa pagkain. Ibig ko siyang makasama bawat segundo ngunit takot lang akong ihayag iyon sa kanya sa kadahilanang baga magalit ko na naman siya. Yayamang ako ay lubos na natutuwa sa tuwing napagmamasdan ko ang kanyang aristokratong mukha. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag ako ay kanyang tinitignan. Malapad na ngiti ang iginawad ko kay Ginang Joséfa. "Ginang, maaari niyo ba akong paunlakan ng kaunting tulong? Ibig ko po sanang maging kaaya-aya ako sa paningin ni Ginoong asawa ngayong gabi. Pakiusap." CALICK "I've heard about what you did to Ed's online enterprise, Calick." Hera's endlessly shooting me sharp look since I stepped inside her antiquated library. I was sitting on a long leather couch, five to six metres from where my mother is. "Not surprising, Mom. Lahat naman ng tinatrabaho ko ay nakakarating sa tenga niyo. Know what? You should sometimes let me have Roque the guy. He's such a great help for my underground businesses." I told her humorlessly. I really admired that ex-army. Swabeng magtrabaho. I almost dropped off from my seat when a poniard quickly flew into my direction, just inch away below my left hand which comfortably hanging on the backrest. I silently choked on my own spit. Dammit! Muntik na ako do'n ha! "Hera, ano ba?! You could have killed me!" I hisses, forehead crumpled up. My mother is being murderous again. "Don't Hera me, you son of a gun, Calick! I am your mother." Hera hisses back at me. Sa bilyong babae sa mundo ay ang Nanay ko lang ang may lakas ng loob na pakitunguhan ako ng ganito. Only because she's my mother and even though I am not that vocal to her, she knows how much I adore her. I'm doing this bullshits also because of her. Gusto kong pabagsakin si Norris dahil sa ginawa nila sa totoong Ama ko at sa Nanay ko. Call this a revenge, then so be it. At si Eleanor lang ang tanging susi para mapaghigantihan ko ang walanghiya niyang Ama na si Norris. Nakita kong napasentido si Hera at yamot na nilagok ang lamang wine ng kanyang kopita. "I really don't get your exact point why you're being faithful with Norris, Calick. He's not your father for devil's sake! For how long, son? Hanggang kailan mo pagsisilbihan si Norris?" I snapped off subtly. I really hate if someone is nagging me but then what will I do? Hera is not just someone. She's the only woman who can lecture me and the only one who can rub how barbarous person I am on my face. Also as my Mafia prince for a brother, Kuya Tres. "Hanggang sa malunod na siya sa sarili niyang putik and trust me, Mom. Malapit na malapit nang mangyari iyon." "What about Eleanor? Ano bang balak mo sa kanya at pinakasalan mo pa ang batang iyon? Alam mo, mana ka talaga sa Kuya mo. Ginagawa niyo lang laro ang kasal. Pambihira kayo!" It made me roll my eyes. Here we are again. Palagi niya na lang akong inihahalintulad kay Kuya. Iba rin naman ako kay Tres, at least ako hindi menor de edad ang pinakasalan ko. Isa pa, kasama rin naman iyon sa plano ko. I managed to keep my mouth shut. Alam kong si Mommy ang unang haharang sa mga plano ko kapag nalaman niya ang balak ko kay Eleanor kapag nakuha ko na ang mga gusto ko. "Tiyakin mo lang na hindi mapapahamak ang batang iyan, Calick kahit sabihin mo pang malaki ang atraso ng Nanay niyan sa atin. Kapag iyan mapahamak sa kamay mo, you'll see. Ako mismo ang makakalaban mo, monsieur!" I automatically dismissed our conversation when Hera starts to annoy me. Patungo ako ng kuwarto ko nang mapadaan ako sa kuwarto ni Eleanor. Her room is actually just beside mine. I don't know what came onto my mind and I just found myself inside her room, only to figured out the emptiness in there. My forehead knotted in frustration. Where's that b***h again? Ang pinaka-ayaw ko pa naman ay ang basta-basta na lamang siyang lumalabas sa silid niya na wala akong pahintulot. That b***h is really getting on my nerves! After an eternity of searching, I saw here nearby the manmade pond. Ang baliw, pinagluluksa pa rin ang pagkamatay ng alaga niya. She's really crazy. I am about to approach her and drag her unmercifully back to her room but I automatically hold my steps when I've heard her insanely talking to herself. I hide behind a crabapple tree. "Aking irog, madaya ka! Ako ay naiinis saiyo sapagka't pinapalungkot mo ako ng ganito. Magkapatid nga kayo ng aking Ginoong asawa. Katulad ka na rin ng aking Ginoong asawa ngayon." Napakuyom ang kamao ko. This b***h! "Ang aking buong akala ay iba ka sa kanya ngunit nagkamali ako. Magkaugali nga naman kayo at iyon ay napatotohanan ko na ngayon. Ikaw, sinaktan mo ako sa iyong paglisan habang ang aking Ginoong asawa ay sinasaktan ako sa pamamagitan ng pisikal na p*******t niya sa akin. At ngayong lumisan ka, wala na akong ibang mapagsasabihan pa kung sakaling pagbuhatan na naman niya ako ng kamay." I heard her sobs scandalously. Napatalikod ako sa at napasandal sa katawan ng puno. "Batid mo namang saiyo ko lamang nagagawang ipagtapat ang saloobin ko. Natatakot akong ihayag iyon kay Ginang Joséfa at kahit kay madre de pamilya sapagka't ako ay nangangambang baka saktan din sila ni Ginoong asawa. Maaaring inaakala ni Ginoong asawa na hindi ako nasasaktan sa tuwing ako ay kanyang sinasampal dahil hindi ko ipinapakita sa kanya ang mga luha ko. Ngunit batid mo naman ang totoo, irog ko. Labis ang pagluha ko sa tuwing mag-isa na lamang ako sapagka't napakabigat na sa dibdib nang mga ginagawa niya sa akin." I don't know but I am so f*****g tempted to hit myself right now. Libu-libong guiltiness ang dumadagan sa dibdib ko habang papalayo ako sa kinaroroonan ni Eleanor. I glance at her direction once again. Her shoulder keeps on sagging. Even though I couldn't see her face but guess what? I could stupidly feel how helpless she is because of me. Heck! Naghihirap ang walang malay na babaeng iyon dahil sa akin. Ngunit kung hindi lang siya anak ni Norris ay maaaring hindi niya matitikman ang mapait na sitwasyong ito sa kamay ko. Nakasalubong ko ang Nanny ni Eleanor sa pasilyo. Parang hinahanap niya rin ang alaga niya. Nilagpasan ko siya ngunit may pumigil sa akin and the last thing I know ay inutos ko sa kanyang tawagin si Eleanor upang sumabay sa akin sa hapunan. What the fѷck were you thinking, Calick? Babawiin ko na sana ang sinabi ko ngunit mabilis nang nakatakbo si Joséfa. I cussed rapidly. How could a grannie runs that fast? They're so bizarre. Pinili kong ipadala na lang ang hapunan sa veranda ng kuwarto ko. Habang wala pa si Eleanor ay sinimulan ko na ang kumain para pagdating niya ay tapos na ako. Minutes after, I've heard some light footsteps coming over. I know it's her. Tatayo na sana ako upang umalis pero naistatwa ako bigla nang makita ko si Eleanor. She automatically holds her steps when she saw me looking firmly at her. She's wearing a very chic off shoulder midi dress and a killer heels. Her hair is gorgeously hanging at her back. And those glamour lips were emphasizing by a bloody red lipstick. Fѷck! She's totally different from the manang-like Eleanor I used to see. I mentally cussing my mother at the moment. I'm sure she had something to do about Eleanor's sudden physical transformation. I gulped as she gives me a playful grin. I have no idea how this woman did that. "Ano ang nangyari saiyo?" Iritado kong utas. Napawi naman ang ngiti sa mukha niya. Her face softened as she studied herself. "Paumanhin, Ginoong asawa. Nababakas kong hindi ninyo nagustuhan ang aking ayos ngayon." Fѷck that angelic voice of hers! I absentmindedly unbutton the first two button of my shirt. I felt my breath hitches when my eyes accidentally roost on her creamy long legs. Dammit! Walang ano mang pilat ang maaaninag sa balat niya at hapit na hapit ang kurba ng katawan niya sa damit na suot niya. Her cleavages were also proudly peeking through her dress neckline. Bakit ba lumaking maalindog ang babaeng 'to? Damn again! Masyado akong abala sa pagkamuhi sa kanya at sa Ama niya kaya wala akong oras na apresyahin ang pisikal na anyo niya. Until tonight. "Batid kong hindi niyo talaga nagustuhan ang paraan ng aking pananamit, Ginoong asawa. Ako ay aalis na lamang upang makapagpalit.." "No, stop!" Agarang pigil ko sa kanya. "Magsasayang ka lang ng oras. Halika na! Kanina pa naghihintay dito ang pagkain." Nakangiti ito habang kumakain. Kumain na ako pero bakit ginutom na naman ako? And her fѷckable cleavage is making me thirsty all of a sudden. Brace yourself, asshole! She's just your wife but she's off limit. Paalala ko sa sarili ko. Heck! Why do I feel like I need a savage fѷck tonight? Nag-iwas kaagad ako ng tingin nang mahuli ako ni Eleanor na nakatitig sa kanya. Sandali pa ay nagsalita siya. "Ginoong asawa, pagkatapos nating kumain, ano pa ang inyong balak gawin?" I made a face. What is she talking about? "Bakit? Ano bang dapat?" Pabalang na tanong ko. "Ibig ko lang sanang malaman na baka sakaling naitutudla ninyo sa inyong isipan na ako naman ang inyong kainin mamaya." And I suffered from an on-the spot cough after hearing that. Tangina! Para akong nilagnat nang wala sa oras. ©MaribelleVerzosa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD