Kabanata 18 “SOBRA akong napagod, Ginoong asawa.” Eleanor's voice was worn out. Bagama’t pagod ay nakarehistro pa rin sa maamong mukha nito ang tuwa. Kislap ng totoong saya. “Pinakain mo kasi lahat.” Sagot ni Calick. Maging ito ay hindi rin mapuknat ang ngisi. Sandali silang nagpahinga sa lilim ng isang malaking puno. Naghanap si Eleanor ng maayos na ugat kung saan siya uupo. Pero hindi na pala kailangan dahil nauna nang umupo si Calick at hinila siya nito papunta sa kandungan nito paharap sa kanya. Her legs parted automatically. She flushed because of their position and then smiled afterwards. “Ang sarap sa pakiramdam na nagpapakain ako. Iyong tipong wala akong ititira at ibibigay ko ang lahat.” Sabi ni Eleanor at ipinatong ang magkabilang braso paikot sa leeg ni Calick. Sininghot