Chapter 16 BRIE Tiptoeing like a thief, Brie is hardly praying that she could escape. Nakalingon siya sa kwarto ni Tommy na sarado ang pintuan. Tatakas siya papunta sa carenderia ni Mariana dahil maghahanap siya ng trabaho. Hindi siya makukuntento na umaasa kay Tommy dahil kahit na napakabait nito…hindi pa rin siya sanay na walang ginagawa. Naranasan na niya ang mamuhay na malayo sa katulong, malayo sa yaya, walang driver at bodyguard, walang nagtitimpla ng gatas niya at naghahanda ng damit sa walk-in closet, at alam na niya kung ano ang gusto niya. Nakakaboring ang buhay niya dati na walang ibang ginagawa kung hindi ang maupo lang at humilata buong maghapon. Napaitlag siya bigla nang tumunog ang cellphone na bigay sa kanya ni Tommy. “Sssssh!” tatalon-talon siya na