Chapter 9 TOMMY Tutok ang mga mata niya sa monitor ng MacBook pero ang tainga niya ay nakikinig sa mahihinang hagikhikan at bulungan ng dalawang babaeng parang magkasing-edad lang. Parang kahapon lang ay lantang gulay si Brie dahil sa iniindang sakit pero matapos ang dalawa hanggang tatlong doses ng gamot ay bumalik ito sa dati at makulit talaga, palabiro at palatawa. Babae pala ang bisita nito at hindi lalaki. High blood tuloy siya kanina dahil parang inuto pa siya at hindi sinabi kung babae o lalaki ba ang dadalaw. “Sabihan mo naman na magpagupit ang t’yuhin mo.” Bulong ng kaibigan ni Brie kaya halos umigting na naman ang panga niya. Tiyuhin? Lolo, Daddy, Uncle. Iyon na lang ba ang magiging tingin talaga ng mga tao sa kanya? Pero may ipagmamaktol ba siya kung talaga