Chapter 11 TOMMY What’s his damn choice but to really stop at that gas station once again? Mag-aaway silang dalawa ni Brie sa oras na kumontra siya sa kagustuhan nitong pumunta roon. What he had in mind was to let her rest. Iyon naman talaga ang sabi ng duktor pero gusto raw nitong makausap ang kahera—kahera na narinig niya kung paano ito insultuhin. Bumaba siya sa sasakyan pero nasa may harap pa lang siya para ipagbukas ito ng pinto ay nakababa na kaagad ito at pakiramdam niya ay hindi na siya nito kailangan. It’s such a simple action but he’s affected. Hindi dapat siya maapektuhan dahil maghihiwalay din naman sila talaga pero hindi niya mapigilan ang sarili. He wants to be her hero. He wants to be her friend but how? Paano niya ito mapapasaya kung siya mismo ay basag at par