Chapter 21 TOMMY Sumenyas siya sa mga kasamahan at sa pagkabilang ng tatlo ay walang pagdadalawang-isip niyang sinipa ang pintuan. Naalarma ang mga kalalakihan sa loob at agarang nagsipag-iyakan ang mga kabataang babae sa kwartong iyon. He never had a choice but to shoot each and every man inside the room. Hindi niya sana iyon gagawin dahil nasa harap siya ng mga batang walang muwang pero anong pagpipilian niya? Wala siyang option. Baka lahat sila mamatay kung hindi niya iyon gagawin. His men quickly secured the children but a loud cry banged his chest. Tumingin siya sa salaming dingding at sa pasilyo ay natanaw niya ang isang lalaki na hila ang isang batang babae. “Alaga ko! Alaga ko! Brie!” an old woman screeched to death. Napatingin siya roon dahil hindi iyon napans