bc

Hot Badass CEO

book_age18+
4.8K
FOLLOW
30.7K
READ
billionaire
possessive
playboy
CEO
sweet
bxg
campus
city
first love
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Nathan James Ramos, a drop-dead gorgeous billionaire, is also known for being a playboy. He never gets into a serious relationship and does not want a commitment with girls. Until the day he met Caitlyn Nicole Lopez in an unexpected incident.

Cait is a young, beautiful college student who works hard to pursue her dreams. She never had a boyfriend in her eighteen years of existence. Being in a relationship with a guy never cross her mind. Only she never expected to meet someone like James on the day she needed help and save her.

Will James past reputation with girls affect their relationship? Is their relationship would hinder her from reaching her goals?

chap-preview
Free preview
Prologue
Cait I'm a second year College student here at the University of Saint Laurent Manila. Dito sa Manila ko napiling mag aral dahil pangarap kong makatapos ng kolehiyo sa isang sikat na University. Sa isang private University ako ngayon nag-aaral. Kinailangan kong mag working student para suportahan ang pag-aaral ko. Inatake kasi sa puso ang step-father ko nung isang taon at namatay ito. Siya ang sumusustento sa pag-aaral ko dati. Pero ngayong wala na siya ay kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ako kasi ang panganay at walang stable na trabaho ang Mommy ko. Kaya sinisikap kong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Masyado ring mahal ang tuition fee kaya hindi rin sapat ang natatanggap kong scholarship kada sem. Ayoko namang lumipat sa ibang school. "Hi Cait, bakit di ka pumasok sa first subject natin?" tanong ni Jessica. She's one of my close friend sa school. Nasa loob kami ngayon ng classroom. "Ah, masama kasi pakiramdam ko pinilit ko lang pumasok ngayon." pagsisinungaling ko. Dahil ang totoo ay puyat ako at wala pang tulog. Halata naman sa eyebags ko. "Ah, ganun ba? Sabagay okay lang naman. On-going pa din naman ang enrollment ngayon. Nagpakilala lang kami kanina." ani Jessica. "Mabuti naman kung ganun." tugon ko rito. Ayoko pa naman na mahuli sa discussion. Kaya lang kasi wala pa talaga kong tulog, kaya hindi ako nakapasok sa first subject namin. "Siya nga pala, parang namamayat ka yata?" nag aalalang sabi niya sakin. "Huh?" ani ko. Nagpapart-time job kasi ako sa isang fast food chain malapit sa pinapasukan kong University. "Baka it's time narin kasi na magkaron ka ng boyfriend, para may mag-alaga naman sayo." "Hay nako Jess," inirapan ko siya. "Pwede ba? Marami akong problema sa buhay ayoko ng dagdagan pa. Saka isa pa, makakasagabal lang yun sa pag-aaral ko noh!" naiinis na tugon ko. Napunta nanaman kasi kami sa topic na yun. Topic na iniiwasan ko. "Eh hindi naman sa lahat ng oras sagabal ang pagkakaroon ng boyfriend sa pag-aaral ah. Tingnan mo ko, napapabayaan ko ba ang pag-aaral ko? In fact, inspirasyon ko pa nga siya eh." ani Jessica. Napabuntong hininga ako. Lagi nalang may pinaglalaban ‘tong kaibigan ko. Ayoko pang magkaroon ng boyfriend kahit nasa tamang edad na naman ako. I'm 18 years old and never had a boyfriend since birth. Marami namang nanliligaw sakin pero wala pa talaga sa isip kong pumasok sa isang relasyon. Kasi sa panahon ngayon, maraming lalakeng hindi seryoso. Yung tipong gwapo nga, babaero naman. Meron pa dyan hindi naman gwapo, sila pa ang may ganang magloko. Yung iba bubuntisin ka, tapos iiwan ka lang din. Yung iba naman, gwapo nga at hot, pero lalaki din naman pala ang hanap. Dios Mio Marimar…Mga lalaki nga naman ngayon. Kaya wala sa bokabularyo ko ang magkaroon ng boyfriend. Siguro in the future baka sumagi sa isip ko. Pero hindi ngayon, kasi focus ako sa pag-aaral. "Jess, may extra money ka ba dyan? Pautang naman ako, kailangan ko lang talaga ngayon." Pag-iiba ko ng usapan. Naalala ko kasing may sinabi sakin yung katrabaho ko na pwedeng applyan. Mas malaki ang sahod kaya makakatulong talaga sa gastusin ko sa school, at pandagdag tuition fee narin. "Ah eh, magkano ba ang kailangan mo?" tanong ni Jessica. "P200 lang, pang-apply ko lang sana." "Ah okay sige. Bigay ko nalang sayo mamaya pag nag breaktime tayo sa canteen. Wala kasi akong barya." "Sige okay lang, salamat Jess ha." sabi ko na nakangiti. "Sure." nakangiting sabi ni Jessica. Madali naman utangan itong kaibigan kong si Jessica. Kahit minsan nahihiya nalang ako sakanya. Mayaman kasi siya, saka nag-iisang anak lang kaya sunod sa luho. Kahit pa mahirap lang ako ay mabait siya sa akin. Mag-aapply ako ngayon sa isang callcenter company na sinabi ng katrabaho ko. Nang makarating ako sa eksaktong address ng building ay nagsimula na akong makaramdam ng kaba. Maraming applicant kaya nakaka tense. "Hi Miss, Ahm…May experience ka na sa callcenter?" tanong ko sa katabi kong applicant. "Meron naman pero 6 months lang. Nagresign kasi ako sa dati kong pinasukan na callcenter." aniya. Tipid siyang ngumiti sakin. "Ah ganun ba? Ako kasi wala pa kong callcenter experience. Pero nakapag training naman ako dati sa Tesda ng 1 month na callcenter training course. Sana pumasa." Nakangiting sabi ko rito. "Kaya mo yan. Tiwala lang. Galingan mo lang sa interview. Saka wag kang kakabahan para hindi ka mautal." payo niya sakin. Pinapasok na kaming lahat na aplikante sa loob at sumabak na sa interview. Medyo nakakakaba lang sa una, pero kinaya ko naman hanggang sa umabot ako sa final interview. Marami rin ang hindi pumasa. Pinaghintay muna kami sa waiting area bago sabihin ang results. Hanggang sa isa-isa na kaming tinawag. And thank God! Kasi isa ako sa mapalad na pumasa.   One month later... "Thank you for calling Unitel, this is Cait. How may I help you?" I'm working now as a CSR. British account ang handle ko kaya naman unti-unti kong natututunan ang British accent sa pagsasalita. Saka mahilig din talaga akong manuod ng British movies, news, tv shows, etc. Kaya naman masaya ako na british account ang handle ko. At isa pa sa dahilan, ay dahil half-Brit ako. British ang biological father ko na hindi ko pa kailanman nakikilala. Anak kasi ako sa pagkadalaga ng Mommy ko. Pero one day kung ipagkakaloob ni Lord na makilala ko siya, ay gusto ko siyang makita at makasama. Tanging sa picture ko lang kasi siya nakikita. Nasasabik akong magkaroon ng isang tunay na ama. Isa sa mga pangarap ko iyon. Kaya pagnakatapos ako, gusto ko siyang puntahan kung nasaan man siya. Hindi ako nagtanim ng sama ng loob kung bakit niya iniwan ang Mommy ko. Pero nagtatampo ako sakanya, kasi hindi niya kami nagawang puntahan at hanapin dito sa Pilipinas. Nagbago na ang schedule ng pasok ko sa trabaho. Kung dati ay nakakauwi pa ko bago mag alas nueve ng gabi, ngayon naman ay madaling araw na ang uwi ko. Alanganing oras na, kaya naisipan kong dito muna sa sleeping quarters ng company namin ako matutulog after ng shift ko. Mga one week narin at medyo nakapag adjust na rin ang katawan ko sa oras ng pasok ko sa trabaho. Kailangan kong mag adjust sa shifting schedule. Kahit na hindi pa sanay ang aking body clock, eh kailangan kong mag adjust. Hindi naman ang trabaho ang mag aadjust para sakin. Bigla kong naalala na may kailangan pala kong tapusin na case study sa isang subject namin sa school, kaya kailangan kong umuwi sa tinutuluyan kong apartment na di kalayuan sa University na pinapasukan ko. Past 2 am na, tapos na ang shift ko at naghihintay na ako ng masasakyan. Wala ng naglalakad sa kalsada. Madilim ang lugar at tanging mga liwanag ng street lights ang nagsisilbing ilaw sa daan. Wala ring katao-tao, kaya nakaramdam ako ng kaba kasi ako lang mag isa at wala akong kasama pauwi. Naglakad-lakad muna ako at panay ang tingin sa paligid kung may bumabiyaheng jeep. Hanggang sa may huminto sa harapan ko na dalawang lalaki. Nagulat ako at biglang kinabahan. Hindi ko na napigilang mag panic. Magka-angkas sila sa motorsiklo. Bumaba ang isang lalaki nan aka angkas at hinila ako. Pilit niya akong isasakay sa motor. Nagpumiglas ako at nagsisisigaw pero sinikmuraan ako ng lalaki. Nanghina ako at nabuwal sa kinatatayuan ko. "Parang awa niyo na po! Huwag niyo po kong sasaktan! Wag niyo po akong papatayin!" takot na takot na nagmamakaawa ako sa kanila. Habang nanginginig ang aking buong katawan. Hindi ko na napigilang maiyak. "Tumahimik ka kundi papatayin kita!" pagbabanta ng lalaki. Mukhang lango ang dalawang ito sa pinagbabawal na gamot. Dahil namumula ang kanilang mga mata. Nanginginig ako sa takot at walang patid parin sa pag-iyak. Hanggang sa busalan ako ng panyo ng lalaki na nakahawak sakin. Masakit ang mga braso ko sa higpit na pagkakahawak sakin ng lalaki. Anong plano nila sakin? Bakit nila ko sinakay sa motor? Napapraning na ko sa pag-iisip kung anong balak nilang gawin saken. Kung pera man o cellphone ang kailangan nila ay ibibigay ko wag lang nila kong saktan o patayin. Nakarating kami sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Dahil hindi naman ako lumaki dito sa Maynila. At isa pa, hindi ko rin kabisado ang pasikot-sikot dito. Nanginginig parin ang katawan ko sa takot. Panay ang dasal ko sa aking isipan. Lord, please…iligtas niyo po ako. Binaba nila ako sa may talahiban. Kinakabahan ako sa kinikilos ng dalawang lalaki. "Matutuwa si boss nito." sabi ng isang lalaki sa kasama niya. Nakakatakot ang mga hitsura nila. "Bantayan mo siyang mabuti. Pupuntahan ko lang si boss. Huwag mong hahayaang makawala ang isang yan, regalo ko yan kay boss J." ani ng lalaking driver ng motor. Ngumisi pa ito ng nakakaloko. "At huwag na huwag mong gagalawin ang babaeng yan. Malilintikan ka sakin. Siya ang ibabayad ko sa utang ko kay boss." ani ng lalaki sa kasama niya na humila sakin kanina. Napaismid naman ang lalaking pinagsabihan nito. "Huwag kang mag alala pre." Naglakad na palayo ang lalaki. Marahil dito lang ang hide out nila. Kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas. Kahit na balot parin ako ng takot. "Ang ganda mo naman, Miss." ani ng lalaki habang pinagmamasdan niya ang aking kabuuan. Mula ulo hanggang paa. Kakaiba rin ang uri ng kanyang mga titig. Pinagnanasaan niya ang katawan ko. He licked his bottom lip. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Lord please…I need your help. Unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin. "Huwag kang lalapit…" sabi ko sa lalaki. Nanginginig ang boses ko sa takot habang marahang umaatras palayo sa lalaki. "Huwag kang mag-alala ganda…Hindi kita pagsasamantalahan. Sa ngayon.” sabay ngisi nito. “Si boss J ang mauunang titikim sayo." Nakangisi ito habang papalapit sakin. Sinampal ko siya ng mabilis niya akong hinalikan sa labi. "Siraulo ka!" sigaw ko. Napamura ito sa lakas ng pagkakasampal ko. Nang akma niya akong hahalikan muli ay tinadyakan ko siya sa ibabang bahagi ng parte ng kanyang katawan. Sa sentro ng kanyang p*********i. "Aray! Putang ina!" malakas na hiyaw nito. "Humanda ka saking babae ka!" nagbabantang sabi nito habang namimilipit siya sa sakit. Agad naman akong nagtatakbo palayo hangga't hindi pa siya nakakabawi ng lakas. Nakahanap rin ako ng tiyempo. Habang tumatakbo ako ng mabilis ay naririnig ko ang malalakas na hiyaw ng lalaki kanina. Natanggal na ang suot kong heels. Hindi ko na ito pinansin dahil ang nais ko lamang ngayon ay makatakas ako sa kamay ng mga lalaking iyon. Bago pa nila maituloy ang maitim nilang balak sakin. Hinihingal na ako ngunit hindi lumilingon sa pinanggalingan ko. Kaya wala akong ideya kung nasundan ba ako. Nabuhayan ako ng loob ng may makita akong ilaw ng sasakyan na paparating. Sa di kalayuan ay may paparating na kotse at di na ako nagdalawang isip na parahin ito para humingi ng tulong. "Tulong! Tulong!" makaawa ko sa paparating na sasakyan. Huminto ang kotse at bumaba ang isang lalaki. "Miss, what happened?" tanong ng lalaki na may ari ng mamahaling kotse. Bakas sa mukha ng lalaki ang pag-aalala ng makita niya ang itsura ko. "Are you alright?" nataranta na rin siya at iginiya ako papasok sa passenger seat. Tinanggal niya ang suot niyang black leather jacket at sinuot sakin. Nakasuot siya ng white fitted v-neck shirt, at black semi-fitted ripped jeans sa baba. Hindi parin ako makapagsalita. Hindi ko na napigilang mapaiyak sa nangyari sakin kanina. Takot na takot ako habang patuloy parin sa pag iyak. Masuwerte nalang talaga at nakatakbo ako ng mabilis. Dahil kung hindi, malamang nanganib na ang buhay ko. Hindi pa kami nakakalayo ay nakita ko mula sa bintana ng kotse yung dalawang lalaki na nasa kalsada na ngayon. Mukhang hinahanap nila ako. Para kong tinakasan ng dugo. Paano kung makita nila ako dito? Abot-abot parin ang aking kaba sa dibdib. Pinaharurot na ng lalaking sumagip sakin ang kotse. Hanggang sa makalayo na nga kami sa lugar. Dun palang ako nakahinga ng maluwag kahit bakas parin ng takot at pagkabalisa. Kanina pa pala ako tulala at wala sa sarili. Nagbalik lang sa kasalukuyan ang diwa ko ng magsalita muli ang lalaking may- ari nitong kotse. "Miss, please tell me kung anong nangyari sayo." he said. He seemed so concerned about me. Napatitig ako sa mukha niya. Ngayon ko lang siya napagmasdan dahil kanina ay wala ako sa sarili at tuliro sa nangyari sakin. Nanginginig parin ako sa takot. Mabilis parin ang t***k ng puso ko. Napahagulhol nalang ako. "Naghihintay lang ako kanina ng masasakyan pauwi, ng may humintong motor sa harapan ko. Pinilit akong isakay ng dalawang lalaki sa motor, at dinala sa liblib na lugar. Mabuti nalang talaga  nakatakbo ako…Kung hindi…Katapusan ko na." ani ko habang sinasariwa ang nangyari sakin kanina. "Y-Yung dalawang lalaki…Balak nila akong dalhin sa pinaka amo nila." sagot ko sakanya habang walang patid sa pag-iyak. "Don't worry, you're safe now." pag-aalo niya sakin. "Let's report the incident to the police station." aniya. Nagpunta kami sa police station. Nai-report narin namin sa mga pulis ang nangyari. Dumaan ang ilang minuto na wala kaming imik. Hanggang sa bigla siyang nagsalita. "I'll send you home." Bakas parin sa mukha niya ang pag-aalala. Tumango lang ako. Nang makarating kami sa tinutuluyan kong apartment ay inalalayan niya akong makababa sa sasakyan nito. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ng tinutuluyan kong apartment ay walang tigil akong umiyak dahil sariwa pa rin sa isip ko ang nakakatakot na pangyayaring iyon. Hindi ako makatulog at parang mababaliw na ako sa mga nangyari. Dati napapanuod ko lang sa SOCO ang mga ganung eksena, pati narin sa mga balita. Hindi ko inaasahan na mangyayari din sakin ang ganung bagay. Laking pasasalamat ko nalang na walang masamang nangyari sakin. Marami pa akong pangarap sa buhay. Hindi ko nalang muna sasabihin kahit kanino lalo na sa Mommy ko ang nangyari saken. Dahil ayoko siyang mag-alala lalo na at malayo ako sakanila. Ilang oras lang ang naging tulog ko. Pinilit kong bumangon sa higaan para maligo. Maglalaba narin ako ng mga damit ko at school uniform. Tumayo na ko at kinuha ang mga marurumi kong damit. Nakita ko rin yung leather jacket na sinuot sakin ng lalaki na tumulong sakin kagabi. Bigla kong naalala ang itsura ng lalaki. Hindi ko man siya matagal na pinagmasdan, pero naalala ko ang gwapo niyang itsura at malaking pangangatawan. Mabuti nalang talaga dumating siya. Hinawakan ko yung jacket at may nakapa ako sa bulsa nito. May nakita akong isang business card. "Nathan James Ramos." Nagulat ako ng mabasa ko na CEO pala siya ng isang malaking Beauty company dito sa bansa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

That Professor is my Husband

read
505.0K
bc

Marrying My Fiancee

read
461.1K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.3K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.4K
bc

The Professor's Wife

read
450.4K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.2K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook