CHAPTER 2

1672 Words
Part-time job. Napabuntong-hininga si Perlas habang nakatayo sa tapat ng matayog na gusali at nakatingala sa mga palapag niyon na kaya lang abutin ng tingin niya. The building was really tall and elegant. Mula sa kinatatayuan ay masisilip na niya ang malawak na lobby sa loob. Makintab ang baldosang kulay champagne, maging ang mga haligi at kasangkapan sa loob ay nagniningning. The chandeliers were huge and classy, giving the place a luxurious hotel vibe. Parang hindi iyon corporate building. Kahit ang mga empleyadong pumapasok sa loob ng gusali ay nakapostura at pormal na pormal. Hinayon niya ng tingin ang sarili. Simpleng kupasing pantalon at kulay rosas na blusa ang suot niya. On her feet were a pair of old rubber shoes. Tama lang naman iyon sa trabahong sinadya niya roon—cleaning services. Kulang daw kasi sa tao ang housekeeping dahil strikto ang CEO lalo na sa pagmimintina ng kalinisan na mukhang totoo nga base sa nakikita niya ngayon. Sa kagaya niyang napakabata at nag-aaral pa, wala na siyang pakialam kung sino ang CEO ng kompanya. Ang mahalaga sa kanya ay ang pansamantalang trabaho kung saan makakalikom siya ng sapat na pera pantustos sa kanyang pag-aaral. Ang mga magulang niya ay nasa probinsya at ayaw na niyang abalahin ang mga ito sa mga gastusin niya sa universidad. Mahirap lang sila at gusto niyang makapagtapos para matulungan ang mga ito. Huminga siya ng malalim at pinuno ang dibdib bago siya lakas-loob na pumasok sa entrada ng gusali. Tinawagan niya ang kapitbahay na nagrekomenda sa kanya ng trabaho. “Esther, nandito na ako sa lobby. Nasaan ka na ba?” “Hintayin mo lang ako riyan. Pupuntahan kita.” “Sige, pero bilisan mo, ha. Naiilang ako sa gara nitong kompanya n’yo.” Pagkababa niya ng aparato ay saglit siyang yumuko para ibuhol ang nakalas na tali ng kanyang lumang rubber shoes. Eksaktong pagyuko niya ay ang pagdaan ng CEO sa lobby patungong exit. “Perlas!” Napatuwid siya at nakita si Esther. Sinalubong niya ito, malawak ang pagkakangiti. “Magsisimula na ba ako ngayong araw din?” “Oo! Halika, d’un tayo.” Iginiya siya nito patungo sa silid pahingahan ng mga empleyado sa departamentong kinabibilangan nito. “Tatlong buwan ang kontrata mo, Perlas, ha. Okay na ba sa iyo iyon?” “Oo naman! Saan pa ako makakahanap ng trabahong malaki ang sahod? Masipag naman ako kaya walang problema sa akin ang paglilinis.” “Mamaya puntahan natin ang HR para mapirmahan mo ang mga dokumento.” Tinitigan siya ni Esther. “Basta ngayon palang sinasabi ko na sa iyo, iwasan mo lang ang CEO. Mabait naman si Sir Zeki pero talagang istrikto lalo na sa mga baguhan.” “Walang problema. Magaling akong umiwas at—” Natigilan siya nang maiproseso ng utak ang nasagap ng kanyang pandinig. “Ano ulit ang pangalan ng CEO?” “Sir Zeki. Zeki Castoldi.” Her throat tightened. Napatuwid siya. “Castoldi labs and technologies ba ‘to?” “Oo, bakit?” “Hindi ko alam! Bakit hindi mo sinabi?” Pinukol siya ni Esther ng hindi makapaniwalang tingin. “Paano ka pala nakarating dito kung hindi mo alam ang pangalan ng kompanya?” “Hinanap ko lang ang inilarawan mo. Sabi mo pinakamataas na gusali sa sentro ng—” “Di bale na. Ang mahalaga ay nakarating ka rito.” Nakagat niya ang labi. Gusto niyang umatras. Paano kung magtagpo ang landas nila ni Mr. Castoldi? Ayaw niyang makita siya nitong hindi presentable. Bakit naman sa lahat ng kompanya ay dito pa siya itinuro ng kapalaran? _____ MASAKIT ang katawan ni Perlas kinagabihan. Napatingala siya sa kalangitan at napabuga ng hangin nang makitang madilim na at mukhang uulan pa. Malapit lang naman ang inuupahan niya kaya nakakapanghinayang kung magbabayad pa siya ng pamasahe. Lalakarin na lang niya. She began walking. Hindi pa man siya nakakalayo ay bigla nang bumuhos ang ulan. Napalingap siya sa paligid at tumakbo sa pinakamalapit na restaurant. Hindi siya pumasok at nakisilong lang sa labas. Mabuti na lang at medyo mahaba ang bubong niyon. Itinaas niya sa ulo ang hood ng suot na jacket at isinuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa niyon para maprotektahan ang sarili laban sa malamig na dapya ng hangin. Mabuti na lang at pinahiram siya ni Esther ng jacket. Makapal na kasi ang mga ulap kaninang hapon pa. The restaurant seemed high-class like a calm poetry. Bahagya siyang lumingon upang masulyapan ang loob niyon. Women in fine dresses and high heels, and men in formal coats and tux. Pang-mayaman nga. Itinuon niya ang tingin sa unahan at pinanood ang pagbuhos ng ulan. “Tumila ka na, pakiusap. Gustung-gusto ko nang humilata sa higaan,” samo niya. “Prepare the VIP room 1 of the hotel for Mr. Castoldi. An important guest will join him after the anniversary party on Sunday.” Napatuwid si Perlas nang marinig ang pangalang sinambit ng lalaking kalalabas lang ng restaurant. Disimulado siyang nagpaling ng tingin sa dako nito. Guwapo ang lalaki, matangkad, at may suot na salamin sa mata. “Vicencio,” tawag dito ng isang baritonong boses. Her gaze shifted towards that voice. Namilog ang mga mata niya nang masilayan ang guwapong mukha ni Mr. Zeki Castoldi. He was wearing a formal coat. Galing din ito sa loob ng restaurant. Bahagya siyang nagyuko ng ulo pero ang tainga ay bukas na bukas at handang sumagap ng balita. Alam niyang hindi magandang makinig sa usapan ng iba pero hindi niya masaway ang sarili. “I don’t like what I saw in your recommendation,” ani Zeki. Napakunot noo ang tinawag na Vicencio. “She’s the most qualified, Sir.” “I don’t find her interesting.” Huminga nang malalim si Vicencio. “I’ll find another suitable candidate for you. By the way, Sir, naayos ko na ang reservation sa hotel Gaston. The VIP room 1 has been successfully reserved for you. You can use it any time on Sunday after the event.” “I’ll be there at exactly 8 PM.” Tumango si Vicencio. “Send me the woman’s profile in my personal email. I’ll check it tonight.” “Duly noted, Sir.” Napaisip si Perlas. May kakatagpuin itong babae sa Gaston hotel? Sa linggo iyon. Alas otso ng gabi. VIP room 1. Ipinilig niya ang ulo. Ano ba ang pakialam niya sa buhay ni Mr. Castoldi? Kung may kakatagpuin man itong babae ay desisyon at gusto nito iyon. Hindi na dapat niyang pakaisipin. Pero naiinis siya. May nobya ba ito? Sa pagkakaalam kasi ng lahat ay wala. Oo at may mga pangalang naugnay dito at mga babaeng nagsasabing may espesyal na relasyon ang mga ito sa lalaki pero walang kompirmasyon mula kay Mr. Castoldi. So, may girlfriend ba talaga ito? Bumagsak ang mga balikat niya. Alam niyang wala siya sa posisyong magdamdam pero hindi talaga niya mapigilan ang pagsikip ng dibdib. Sa linggo, sisilip siya sa Gaston hotel para makita ang hitsura ng babaeng espesyal dito. _____ NAG-AALALA si Perlas habang nakatingin sa malapad na likod ng lalaking naglalasing sa isang sulok ng resto bar. As a part-time employee, imbitado siya sa anniversary party ng Castoldi labs and technologies. Kaso nahuli siya ng dating at nang patungo na siya sa venue ay nakasalubong naman niya si Mr. Zeki Castoldi na madilim ang mukha. Hindi siya nakapagpigil at sinundan niya ito hanggang resto bar. Dalawang oras na sila d’un. It’s almost 8 now. Ano ba ang nangyari sa anniversary party? Bakit tila galit na galit ito? Tumayo na ang binata pero nabuway ito. Awtomatikong nilapitan niya ito. “Sir, okay lang po kayo?” tanong niya, nagmamalasakit. He gazed down at her. God, he was tall. Kailangan pa niyang tumingala rito. “You’re blocking my way, Miss,” malamig nitong sabi. Tumabi siya para makadaan ito. Pero muntik na naman itong matumba kaya inalalayan na niya ito. “F*ck parents,” he murmured out of the blue. “How dare them show up uninvited? At talagang magkasama pa sila? Disgusting. Ano ang gusto nilang palabasin, ha?” Hindi nagkomento si Perlas. “S-Sir, saan po kayo uuwi?” “Hotel. Gaston hotel. Bring me there.” Napaubo siya nang isampay nito ang braso sa balikat niya. Napakabigat. Mabuti na lang at malapit lang ang Gaston hotel. Sinamahan niya ito hanggang reception desk. “I need my key card for VIP room 1.” “Mr. Castoldi, we would like to apologize but that room is temporarily not available due to reported leaks in the bathroom area. We are sorry for the inconvenience, Sir. If you will accept our offer, we will move you to VIP room 2.” “Hah, I need that room! I don’t want the VIP room 2. I need the VIP room 1!” lasing nitong hiyaw. His face was red. Kung dahil sa kalasingan o galit ay hindi na matukoy ni Perlas. Nataranta ang receptionist. Siya naman ay hindi malaman ang gagawin. Taranta siyang lumapit sa babae. “Akina ang key card sa VIP room 2, Miss. Ako na ang bahala rito sa kasama ko.” Inabot agad sa kanya ng babae ang susi. Inalalayan niya si Mr. Castoldi patungong elevator. He spat harsh words at her. “Idiot, I don’t want that room! Hey, are you deaf? Sh*t!” Hindi na lang siya nagsalita dahil alam niyang lasing lang ang binata. Siya na ang nagbukas sa pinto ng silid at inalalayan hanggang kama ang binata. Umungol si Zeki. Pilit nitong inaalis ang kurbata na hindi nito mapagtagumpayang gawin. “Ako na iyan,” presenta niya. Tumingin sa relo si Zeki. “Oh look, it’s already eight.” Wala sa loob siyang tumango. Ano ngayon kung alas otso na? Nagulat na lang siya nang hatakin siya pahiga ng binata at kinubabawan. Malakas na malakas ang t***k ng puso niya at para siyang hihimatayin. “Let’s f*ck now, shall we?” Pagkasabi niyon ay mainit na nitong sinakop ang mga labi niya at pinagalugad ang dila sa loob ng kanyang bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD