Nakasunod sa bawat kilos ni Zeki si Vicencio na nakaupo sa tapat ng executive table. While Zeki sat on his black leather chair and was busy signing documents. Mayamaya’y ibinaba ni Zeki ang hawak na panulat at tumingin sa assistant. “I’m sure you know that you are beginning to annoy me?” Seryoso ang kanyang mukha at nagsasalubong ang mga kilay dahil kanina pa nakatitig sa kanya ang assistant magmula nang iabot niya rito ang mga dokumentong may thumb prints ni Perlas. “At huwag mong isiping hindi ko alam ang kalokohang ginawa mo kahapon?” “Ano ang ibig mong sabihin?” Tumawa ito. “You deliberately told me that I have no meeting yesterday because you knew that Perlas was in the changing room, correct? Kaya sinabihan mo akong huwag umalis ng opisina dahil may iaakyat kang mga dokumento?” Tu