CHAPTER 17 Hindi alam ng dalaga kung maawa o matatawa sa itsura ng binata matapos niya itong paliparin. Eh nakayakap ba naman ito sa kanya ng hubo't hubad. Nandoon man ang pagdududa ay pinili pa rin niya ang una, ang tulungan ito. Kitang kita niya ang sakit na nakalarawan sa mukha nito. " Sorry na ermitanyo." Sensero niyang sabi sabay abot sa kanang palad habang ang kaliwa ay nakahawak sa ipinambalot niyang kumot sa katawan. Pero iyon ang pagkakamali niya dahil sa pag abot ni JR sa kanyang palad ay aksidenting nasagi nito ang kamay niyang nakahawak sa kumot. Nakatayo man ito pero muli silang napatimbuwang sa higaan kung saan sinipa ni Lhynn ang asawa kani-kanina lang. Muli, ay mapadagan si JR dito. At dahil nasa ibabaw ito at hawak ang palad ng asawa ay sinamantala niya itong itinaas