CHAPTER 15 Namangha si Lhynn sa mga nakikita sa tahanan ng mga Smith. Alam niyang mayaman sila patunay ang kumpanya pero hindi pa rin siya makaget-over sa ganda ng tanawin inside out halatang alagang-alaga ito. " Halikana Sharp Mouth ko pasok na. I know you want to take a rest so I do kaya halikana na." Aniya o mas tamang sabihing agaw atensiyon niya dito. " Ah J- ermi- ermitanyo hindi ba nakakahiyang pumasok ako? Ihatid mo na lang ako sa boarding ko. Huwag kang mag-alala papasok pa rin ako sa trabaho ko bukas." Utal at alanganing sagot ni Lhynn. Pero ang ermitanyong hudyo at pinagtatawanan lamang siya! " Smash him now girl he's laughing at you!" Sulsol nang utak niya eh kasalanan ba niya kung nag-aalangan siyang pumasok sa mansiyon ng mga ito. " Pagbibigyan kita ngayon pero oras