CHAPTER 6 "Anung balita sa loob?" Tanung ng boss. "Wala naman boss, bukod sa ermitanyo ang may ari ng kompanya wala namang ibang kahina hinala." Tugon ni Joey. "Ang board hindi ba sila nakakahalata sa finance?" Muli'y tanong nito. "Wala naman akong nakikitang pagbabago boss. Ang suggestions ko lang boss ay ang batang Smith ang pabantayan ninyo kasi ako sa finance department naman po ako at hindi ko basta-basta napapakialaman ang managerial strategies ng kompanya." aniya ni Joey. "Hmmmm may punto ka diyan bata. Eh si Aida hindi na ba siya puweding pakisuyuan?" sagot nito. Napakamot sa ulo si Joey dahil sa tanung ng boss nila. " Don't tell me may garapatra sa ulo mo kanina ka pa kamot ng kamot diyan. Anung problema?" kalmado pero halata ang bagsik sa tono nito. "Eh pasensiya na po bo