Chapter 2

1580 Words
Ysabelle POV Halos malapit ng dumilim ang buong paligid ng ako ay makauwi sa amin tahanan, At gaya ng dati nadatnan ko nag iinuman ang Inay at Itay kainuman na naman ng mga ito ang kumpare ni Itay na si mang Don. Napatingin ito sa akin at ngumiti,hindi ko ito pinansin pumasok ako sa loob ng aming bahay at daliang naglinis ng buong katawan,saka ako nagbihis ng aking pantulog. "Pare, Matanong ko nga ano ba ang talagang pakay mo sa amin?Napapansin ko kasing halos gabi-gabi ka na nang pumaparito sa aming bahay at kung anu- ano pa ang iyong mga dalang pagkain." Rinig kong tanong ng Itay sa kaibigan nitong si mang Don.Tuloy lamang ako sa pagkain ng hapunan kasalo ang ilan kung mga kapatid. "Aba! Pare, malaki laki na rin ang nagiging puhunan ko sa pagbisita dito sa inyo.De-deretsyahin na kita pare Cardo.Gusto ko ang iyong anak na si Ysabelle para sa aking binatang si Pio." Napamaang ako ng marinig ang pangalan ko.Hindi ko na lamang sana iyon papansinin, ngunit mukha seryoso ang pagkakasabing iyon ni mang Don, sa aking Inay at Itay.Hindi rin naman kaagad nakapagsalita ang aking mga magulang,marahil ay nagulat rin ang mga ito. "Pare,Don, mukhang lasing ka na ata?,ngunit bago pa lamang tayong nagkakasarapan sa pag iinuman natin." Nakangiting Wika ni Itay, Halos hindi ko na malunod ang kinakain ko dahil nakaramdam din ako ng kaba sa sinabing 'yun ni Mang Don.Sana ay nagbibiro lamang ito sa kanyang sinabi. "Pare, Cardo, hindi pa ako lasing at seryoso ako sa aking sinabi. Gusto ko ang anak mong si Ysabelle para sa aking binatang si Pio."Muling ulit ni Mang Don, sa aking Itay sa pagkakataong 'yun hindi ko na tinapos ang aking pagkain at pumasok na kaagad ako sa aking silid.Maya maya pa naramdaman ko ang pag bukas ng pinto ng aking kwarto.At iniluwa noon si Inay na may seryosong mukha na nakatingin sa akin. "Ysabelle,Halika dito, may kailangan tayo pag usapan." Wika ng Inay, Mukhang alam ko na ang sasabihin nito. Pero bago ko pa ito muling pag salitain inunahan ko na ito. "Inay, Gusto ko pong mag aral sa bayan,makikitira na lamang po ako sa isang kamag anak natin sa bayan."Wika ko sa aking Inay, na kitang kita ang pag kunot ng noo, Kailangan ko mailihis ang usapan tungkol sa sinabi ni Mang Don. "Ano na naman ba ang pumasok sa utak mo huh! Essay!?Hindi ba at sinabi ko na sayo na wala ka mapapala sa sinasabi mong pag aaral na 'yan.Maigi pang mag bungkal na lamang ikaw ng lupa ng sa ganoon ay kikita ka pa ng pera!" Halos mangiyak ngiyak ako sa sinabing iyon ni Inay. Matagal ko nang gustong mag aral,ngunit palagi na lamang sinasabi ng Inay na hindi ko kailangan mag aral basta marunong ako magbilang at magbasa kahit kaunti ay ayos lamang daw na hindi na ako mag aral. Basta daw na isusulat ko ang aking pangalan ay okay na daw 'yun. "Pero, Inay, Maawa ka naman sa akin halos kaming magkakapatid ay hindi man lamang nakapag aral. Gustong gusto ko pong mag aral Inay." Halos gusto ng kumawala ng mga luha ko sa aking mata, ngunit pinipigilan kung huwag malaglag ang mga ito. "Magtigil ka Ysabelle, Hindi ka mag aaral at paano ang bukid huh! Wala akong makakatulong alam mong may asawa na ang ibang mga kapatid mo!." Wika ng Inay sa galit na boses, "Inay, Pwede ko pa naman po kayong matulungan sa pagtatanim sa ating kaingin e, tuwing sabado, linggo po ay wala naman pasok at kahit sa paglabas ko sa eskwela ay makakatulong pa rin naman po ako sa inyo sa paggawa ng pakaskas at matamis na bao.Payagan niyo na ako Inay." Pakiusap ko pa rin sa aking Inay,Umaasa ako na papayag din ito sa gusto ko.para na din malayo ako sa binabalak ni Mang Don. "Huli na, Ysabelle, Hindi ka na talaga maari pang makapag aral." Wika ng Inay sa seryosong Boses. "P-Pero,Bakit po Inay,dahil po ba sa edad ko?" Tanong ko dito na may kasamang kaba sa dibdib. Bumuntong hininga pa ito bago muling nagsalita. " Hindi ka na maari mag aral dahil ikakasal ka sa anak ni pare Don.' Yun din ang kagustuhan ng iyong Ama." Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang sinabing 'yun ng Inay, Labing apat na taon lamang ako at gusto na agad nila ako ipakasal sa isang lalaking hindi ko gusto at lalong hindi ko mahal. Doon ay hindi ko na napigilan pa ang pag bagsak ng aking mga luha, Parang walang katapusan ang pag agos ng mga luha ko sa aking pisngi. "Inay,,,,, Bakit naman po ganito! Ang bata ko pa po, ni hindi ko pa po nararanasan ang totoong pagdadalaga, Inay ayaw ko po makasal sa anak ni Mang Don, Maawa ka naman sa akin Inay,Hindi ko gusto ang anak ni Mang Don na si Pio." Umiiyak kong tugon kay Inay na parang naging bato na dahil ni hindi ako nakaramdam ng awa dito. "At bakit Ysabelle?!, Sino ang gusto mo mapangasawa huh! ang Lauro na 'yun?! Ano ang ipapakain sayo ng lalaking 'yun buhangin ba huh?!" Wika ng Inay, lalo pa akong napaiyak dahil mukhang wala na ata talaga kaming pag asa ni Lauro. Ito ang gusto kung makasama sa aking pagtanda ito ang gusto ko sana maging asawa. Ngunit bakit ako inilalagay ng Inay, at Itay sa ganitong sitwasyon. "Inay,,Hayaan niyo naman po ako ang mag disisyon sa buhay ko at kung sino ang gusto kung makasama." Sagot ko sa Inay na lalo pa atang nagalit dahil sa pagsagot ko dito.Tinanggal nito ang tabako na nasa kanyang bibig at hinarap ako. "Matigas talaga ang ulo mo Ysabelle!, Kami ng Itay mo ang masusunod at hindi ikaw!"Galit na wika ng Inay alam kung lasing na rin ito kaya naman mataas na rin agad ang boses nito.Hindi na ako sumagot pa kay Inay dahil baka bulbog naman ang abutin ko dito. Nakaramdam ako ng pag ihi kaya napilitan akong lumabas at nakita kong lasing na lasing na ang Inay at Itay,at ang mga kapatid ko naman ay halos mga tulog na,Nakita ko si Mang Don at lumapit ito sa akin hindi ko naman nagawang umiwas sa kadahilanan na hindi ko rin malaman. Parang biglang na blangko ang aking isipan. "Ysabelle, Papakasalan mo ang aking anak na si Pio, Kung hindi mo pakakasalan ang aking anak, buhay ng Itay Cardo mo ang kabayaran sa hindi mo pagpayag. Naiintidihan mo ba Iha?" Wika nito alam ko ang sinabi nito,pero ni hindi ko magawa ang magsalita o tumanggi, Hinawakan ako nito sa aking ulo , at bigla na lamang akong naging parang sunod sunuran sa mga sinasabi nito. "Pareng, Cardo ako'y paalis na, Tayo na Ysabelle. Pauwi na tayo sa atin," Hindi ko maunawaan ang aking sarili parang may sariling buhay ang aking mga paa at nagkusa na lamang ito sumunod kay Mang Don. "Lumabas ka D'yan! Ysabelle, Lumabas ka D'yan." Narinig ko ang boses ng Inay, Hindi ko alam kung bakit galit na galit ito.Nag unat ako ng aking kamay at sa pagmulat ng aking mata nagulat ako at kung bakit nasa ibang bahay na ako.Dalian ako sa paglabas para puntahan ang Inay. "Inay, Ano po ang ginagawa ko sa bahay nila mang Don," Wika ko sa Inay, nagulat naman ako ng bigla na lamang ako nitong pagsasampalin, Lumaglag ang luha sa aking pisngi, ni hindi ko maunawaan ang nangyayari. " Napaka kiri mo Ysabelle!,hindi ako papayag Don, na hindi makakasal ang aking anak sa iyong anak. Total sumama ka na rin naman dito Ysabelle, Gusto kung bukas na bukas ay magpakasal kayo ni Pio." Napahagulhol ako ng Iyak,hindi ko maintindihan kung paano ako napunta sa bahay nila mang Don. "Inay, Hindi ko po alam kung paano ako nakapunta dito, Inay maniwala ka po sa akin,Wala po ako ginagawang masama Inay," Pag mamakaawa ko pa kay Inay, Ngunit sarado ang isipan nito sa paliwanag ko. "Ano ang gusto mong mangyari Ysabelle huh!, kumalat sa buong baryo na tumulog ka sa bahay ng isang lalaki at walang nangyari sa inyo! Sinong mangmang ang maniniwala na hindi ka nalawayan ng anak ni Pareng Don. Magsalita ka!" Galit na wika ng Inay, gulong gulo ang aking isipan bakit parang ang bilis bilis naman ata ng pangyayari. " Inay,Maniwala ka sa akin, Walang ganun nangyari.paniwalaan niyo po ako Inay,Itay." Humihikbi paliwanag ko pa rin kay Inay na galit na galit.Samantalang tahimik lamang si Itay at bigla ko naalala ang sinabi ni Mang Don sa akin kagabi na pag hindi ako pumayag na makasal sa anak niya ay buhay ng Itay ang kukuhanin nito. Mahal ko ang Itay at ayaw kung may masamang mangyari dito. Sa huli hindi na lamang ako nagsalita pa kahit na anong mura pa sa akin ni Inay,Pinili ko na lamang ang manahimik. " Huwag kayo mag alala pareng Cardo at mareng Carda. Ipapakasal ko silang kaagad si Pio at Ysabelle, Hindi ba Pio?" Wika ni Mang Don, sa anak nitong si Pio na bakas sa mukha ang lungkot, halata sa mukha nito na ito man ay hindi masaya sa nangyayari. At Alam ko sa puso ko na buong buo pa ang pagka babae ko. Alam kong walang namamagitan sa amin ni Pio kagabi.Wala na ata talaga akong lusot sa kasunduang ito, tanging pag iyak na lamang ang aking nagawa.Hindi ko kayang lumaban o sumuway sa kagustuhan ng aking magulang , nakulong ako sa isang sitwasyon na alam ko sa aking sarili na ang hirap matakasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD