Adrianna Halos hindi na ko makasalita sa mga pinagsasabi ng demonyong lalaki na ito. Napaka sinungaling talaga. Gumawa-gawa pa ng kwento, imbes na ako yung magsusumbong eh nabaliktad agad ang sitwasyon. Grabe talaga ang lalaking ito, lahat talaga ng gustuhin niya ay nakukuha niya. Mula noon hanggang ngayon ay paladesisyon pa din ito sa buhay ko. Kung kanina ay inaalo-alo pa ko ni mama pero ngayon ay galit na ito at wala na ko'ng nagawa ng sinabi niya na dito na ko titira. Humanda ka sa'kin Brion demonyo ka, sisiguraduhin ko'ng makakaganti ako sa'yo. "Sige po ma, san po ba yung kwarto," ayun na lamang ang tanging nasabi ko. Kahit ayaw ko man tumira dito eh wala na ko’ng magagawa dahil galit galit na si mama, kagagawan kasi ng sinungaling na lalaki’ng ito. Dinaig pa ang scriptwrite