"Ah, Brion pwede ba'ng isama natin si Clariss-" "Sure." Hindi pa man nakukumpleto ni Adrianna ang sasabihin niya ay agad ng sumagot si Brion. "Salamat," ang nahihiya'ng sambit niya at naglakad na sila palabas ng gate ng school. "Oh, walang tao sa paligid pwede kayo'ng mag-holding hands," ang suggest ni Clarissa sa dalawa. Agad naman hinawakan ni Brion ang isang kamay ni Adrianna. Parang nagsisisi tuloy si Adrianna mukhang mali ang diskarteng naisip niya, ang buong akala niya eh kapag isinama niya si Clarissa ay hindi na sila masyadong magkakadikit ni Brion pero mukhang kabaligtaran pala ang mangyayari at ngayon nga ay magka-holding hands na sila. Kahit wala pa sila sa tapat ng kotse ay narinig at nakita ni Adrianna ang bahagyang pagtunog nito at pag-ilaw ng headlights tanda na buk