Adrianna "Mabuti naman inaanak at okay pala kayo, eh kailan nga pala ang kasal ng mama mo," ang muling tanong sa'kin ni Ninong Omar. Mukhang gusto'ng sagarin ni Ninong ang pagkuha ng impormasyon sa'kin ah. "Actually, hindi pa nga po namin napag-usapan ni mama ang tungkol diyan!" Totoo ang sinabi ko, hindi ko talaga alam at hindi ko pala natanong kay mama ang tungkol dun. Tumango-tango naman ito at tinapik ang balikat ko at nagpaalam na papasok na sa loob ng kitchen area pero agad ko ito'ng pinigilan dahil pagkakataon ko na 'to para i-segway kay Ninong na baka sakali ay baka pwede niya ko bigyan ng trabaho dito sa resto bar niya. "Ah siya nga po pala Ninong baka naman!" ang nahihiya ko'ng sabi dito. "Ano'ng baka naman?" Ang nalilitong sabi nito. Nagpakawala ako ng isang malalim na b