Nakatulala lang si Adrianna habang naka-upo sa table sa loob ng canteen ng school ng lumapit sa kanya ang kanyang best friend na si Clarissa. “Adrianna, Adrianna!” Inuga-uga pa ni Clarissa ang balikat niya ng siya’ng naging dahilan para mapag-igtad siya at tila ba nagising siya kahit hindi naman siya natutulog. “Ano ka ba kanina pa kita tinatawag parang hindi mo ko naririnig or nakikita?” Kinaway-kaway pa ni Clarissa ang isa niyang palad sa harapan ni Adrianna. Tinabing naman ni Adrianna ang kamay nito. “Teka teka nga bakit parang may iba sa’yo ngayon, hmmm?” Ang sabi ng bestfriend niya na talagang seryoso’ng pinagmamasdan ang mukha niya. Hindi naman makatingin ng diretcho si Adrianna sa kaibigan, hindi pa kasi niya nai-kwento dito ang tungkol sa kanila ni Brion. “Bakit parang an