2 - FIX THAT LOVER BOY

1165 Words
Tumalim ang mata ni Jackylyn nang matanaw ang lalaking kanina pa niya napapansin na tingin nang tingin kay Abhaya. Kinausap din niya ang kaibigan sa kabilang linya sa pamamagitan ng pendant  at hikaw na suot nilang dalawa. Napatango siya sa naging sagot nito, pansin din daw nito pero alam niyang hindi ang babae ang punterya nito, kundi si Doc. Hudson. Naramdaman siguro nito na nakatingin siya kaya nang tumingin ito sa kaniya, ngumisi siya at kinindatan ito. Agad itong nag-iwas at umalis. Mabilis naman siyang sumunod. The party isn't over yet at kakalma pa lang niya sa puso niya nung kasayaw niya si Theon sa gitna. Tahimik siyang naglakad sa hallway. Tanging ang takong lang ng kaniyang suot na sapatos ang maririnig sa bahaging iyon pero naghanda-handa siya sa anuman posibleng mangyari. Isang baril ang tumutok sa kaniya nung papaliko siya sa isang hallway ang sumalubong. "Turn your back." Matigas na utos nito. "Oh yeah? Pointing a gun to a beautiful woman? Where's your etiquette?" Hindi siya tumalikod. Simple lang siyang nakatingin dito at naka-cross arm. "Turn your back or this bullet will stuck in your head." Nag-ikot siya ng mata. And dami nitong satsat at nakakabakla ang pinagsasabi nito. Imbes na tumalikod, bigla niyang hinila ang kamay nitong may hawak na baril at tinanggalan ng magazine ng walang kahirap-hirap. Napatanga ito sa kaniyang ginawa at may balak yata itong patumbahin siya dahil kumuha ito ng kutsilyo, pero mabilis niya na itong napatulog. Isang malakas na suntok ang binigay niya rito at bumagsak. Napalingon siya. Good at walang nakakita sa kaniyang ginawa. May nakita siyang silid na nakabukas kaya walang hirap na hinila niya ang paa nito at marahan pinasok. Tanging bukas na ilaw sa silid na iyon ay ang master bedroom at madilim na sa kanan bahagi kung saan may malaking sala, kagamitan at iba pa. Nagdesisyon siyang ilagay ito sa closet para walang makakita at kung sino man may-ari nang kwartong iyon ay masusupresa. Natawa siya sa naisip. "Where are you?" Si Abhaya. "Burying someone. Catch you later." Saka niya ini-off ang tawag. Matapos masiguro na komportable ang lalaki sa malaking closet na iyon, marahan niyang sinirado ang pintuan at napangisi. Kawawa naman ito panigurado. Naglibot siya ng tingin at napahanga. Not bad. Napakaganda ng silid, hindi basta-basta sa subrang laki at halatang napakamahal ng suite na iyon. Napaka-manly ng amoy na pumaloob ng silid na iyon at hindi niya mapigilan ang sarili na gustuhin ang amoy. Parang pamilyar sa kaniya pero hindi niya lang maalala kung saan at kanino. Nagkibit siya ng balikat at akmang tatalikod na at bumalik sa party nang mabangga siya sa isang matigas na bagay. Nagtaas siya ng tingin at mula sa malamlam na ilaw na nakapaloob sa silid na iyon, mukha ni Theon ang bumungad sa kaniya. Paska! Napamura siya sa isip. He's wearing nothing but a boxer. May sigarilyo sa kamay nito at saka nito binuga sa harapan niya ang usok. Imbes na magalit sa ginawa nito, she found it sexy and Napalunok siya at bahagyang napaatras. Bakit ba ito naka-topless?! "Its you again." Mahinang saad nito. She silently composed herself at nagkunwaring wala siyang pakialam sa presinsya ng lalaki. Walang sabi ng nilagpasan niya ito. Hindi niya alan na silid ito ng Willoughby dahil kung alam lang niya, tinapon na lang sana niya ang lalaking kaniyang pinatumba kanina sa dagat. Arghh! She hates it. "Why hurry?" Mabilis na hinawakan nito ang kaniyang braso. "I'm sorry? I thought its my room. Menen ulos. Anteeksi." Lalabas na ako. Excuse me. Pinagpag niya ang kamay nito at agad na tinungo ang pintuan pero nakasirado na iyon. "Todella? Pysy hetkessäi." Really? Stay for a moment. Napatigil siya sa paglalakad. Marunong itong magsalita ng Finnish? Nagulat siya sa parteng iyon at hindi makapagsalita. Napalingon siya rito at napalunok nang tumama ang kaniyang mata sa six pack abs nito. Subrang tempting nitong tingnan habang marahan hinithit at binuga ang sigarilyo. Nag-iinit siya at hindi siya tanga para hindi makuha ang ibig sabihin ng gestures na iyon, Theon is seducing her. "I saw what you did earlier." Nakakalokong saad nito at umupo sa sofa at nilagay sa ash tray ang upos na sigarilyo. Hinarap nito ang wine na nakalagay sa center table at marahan sinimsim iyon. "Well in that case, I should go now. Fix that for me lover boy." ngumiti siya nang nakakaloko. Natawa ito sa kaniyang sinabi at tumayo. Marahan itong naglakad at binuksan ang closet na siyang pinagtaguan niya kanina sa lalaking walang kamalay-malay at tulog na tulog. Deritsang bumagsak ito sa sahig. Napailing-iling ito at sinipat ang lalaki. "Really?" Kinuha nito ang cellphone na nakapatong sa kama at nag-dial ng numero. Nakipag-usap ito sa kabilang linya at unang pangalan na binanggit nito ay pangalan ni Zerus habang nakaharap sa kaniya. Shit! No ways! Mabilis pa sa kidlat na nilapitan niya ito at binawi ang cellphone. Pinatay niya ang tawag. Hindi sila pwedeng mag-abot ng landas ni Zerus, hindi pa ngayon. Hindi niya alintanang subrang lapit ng distansya nila ng lalaki. Agad niyang inabot ang cellphone dito at akmang tatalikod pero hindi niya napaghandaan ang pagbiglang hila nito sa kaniyang kamay at deritso siyang bumagsak sa ibabaw ng katawan ng lalaki. Paska! Nagmamadali siyang umalis sa ibabaw nito pero nasa beywang niya ang kamay nito at nagulat siya nang bigla siya nitong salubungin ng halik. Napaungol siya nang wala sa oras. She missed his kiss this much pero hindi ito dapat! Tinulak niya ito pero nakasuporta ang kamay nito sa kaniyang ulo. Mas dumiin ang halik ang ginawad nito sa kaniya at aaminin man niya, nadadarang siya sa halik nito. Theon was his first kiss and everything. Ito ang unang tinibok ng puso niya at unang sumira. Gusto niyang makawala sa nakakadarang na halik na ginawa nito pero pakiramdam niya pagsisihan niya ang bagay na ito pag ginawa niya iyon. Napasinghap siya nang haplusin nito ang kaniyang dibdib at pinisil. s**t! Tuluyan siyang nawala sa hwesyo at ang plano niyang makawala sa silid nito ay naiwan sa ere. Namalayan na lang niya ang sariling tinutugon ang halik. She promise this would be the last at didistansya na siya. Hindi na muling magkukrus ang landas nilang dalawa at kung magkrus man, siya na ang unang umiwas. Pero kalahati ng kaniyang pagkatao ay masaya nung makita niya ito. If only Theon was hers. If only Theon saw her worth. If only Theon's life was not in dangered, baka sa mga sandaling ito nasa tabi pa rin siya nito kahit hindi siya nito makuha ng mahalin. Kahit hindi niya ito pagmamay-ari. Ang sumunod na nangyari ay tuluyan nagpalimot sa kaniyang katinuan. Inilibot niya ang kaniyang kamay sa leeg nito at nakipagsabayan siya sa halik. Ginanap nito ang kaniyang pisngi at huli na nang mapansin niya, nasa ilalim na siya nito at nasa ibabaw ang lalaki. Lumubog siya sa kamay but it doesn't matter. Tumigil ito sa paghalik sa kaniya at tinitigan siya. Hinaplos nito ang kaniyang pisngi... "Jackylyn..." Para siyang binuhusan ng asido sa pangalan binanggit ng bibig nito. Bigla siyang nagising sa kaniyang kahibangan at naitulak ang lalaki. Bumagsak ito sa kama at hindi siya nito napigilan nang derit-deritso niyang tinakbo ang pintuan. s**t what was that?! "Jacky!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD