"Where are you, wifey?" Natigilan si Jackylyn sa paglabas ng pintuan nang marinig niya ang boses ni Theon. Sandali siyang nag-isip kung lalabas ba siya ng tuluyan o pakikinggan niya ang lalaki habang kausap ang asawa nito? Pinili niyang buksan ng maliit na siwang ang pintuan at nakinig mula rito. "You never tell me where you are." Kitang kita niya ang hindi maipintang hitsura ni Theon. Bahagya itong nakaharap sa kaniya at gumuhit ang sakit sa gwapo nitong mukha. Hindi niya alam kung ano ang rason kung bakit nasasaktan ito pero pati siya ay nalungkot. "Okay I got it. Don't worry wife, I understand." Napahawak siya sa kaniyang dibdib at hindi niya alam kung saan galing 'yung kirot. Nasasaktan siya at parang gusto niyang lapitan ito at tapikin ang balikat. Pero kung gagawin niya ang baga