"Bring Jaakkina to her new room." Utos ng matandang lalaki na nagpakilala kay Jackylyn sa mga tauhan nito. Agad siyang nilapitan ng dalawang lalaki na malalaki ang katawan at pinasan ng isa nung hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. Isang napakalaking kwarto ang pinagdalhan sa kaniya at nagmistula itong isang princess room na lagi niyang napapanood sa Barbie Movie. Matapos siya nitong iwanan sa subrang laking kama, iniwan siya ng mga ito at ni-lock ang pinto mula sa labas. Nayakap na lang niya ang sarili at tahimik na umiiyak habang tinatawag ang ina na tulungan siya. Para siyang sisiw na naliligaw at hindi alam kung saan pupunta. Bata lang siya pero alam niya na ang nangyayari at ang tumatak sa isipan niya ay nasa kamatayan ang buhay niya. Nakatulog siya na umiiyak at nung magising siya, m