"Let's commit the perfect crime. I'll steal you're heart, and you steal mine." . Mabilis ko lang tinapos ang pagkain. Inayos ang sarili at nagpalit ng damit. Halos matapilok pa ako sa sobrang pagmamadali. Sanay naman akong gumising ng maaga dahil sa trabaho. Pero ngayon, ay sadyang ang huli ko talaga. Napagod 'ata ang katawan ko sa ginawa namin kahapon. E, isang beses lang naman iyon. . Kung iisipin ko iyon ay nahihiya ako kay Sebastian at hindi ako makatitig sa kanya. Sa tuwing tumititig siya ay umiiwas ako, at sa tuwing ako ang tumititig sa kanya, ay siya naman ang umiiwas. . Namangha akong tinitigan siya na naghihintay sa labas ng sasakyan niya. Nakasandal pa siya rito at may kausap sa kabilang linya. Maingat akong humakbang at nagkunwari na may tinitigan ako sa mga paa ko. E wal