❀⊱Cherry's POV⊰❀
"Let go of me!" malakas kong sigaw habang hawak ako ng tatlong kalalakihan.
"Let go of me! I am not going with you. Dad, mom, help me, please! Sabi ng huwag ninyo akong hawakan!" malakas kong sigaw habang takot na takot ako at hindi ko na alam ang aking gagawin. Hindi ako makapaniwala na ipinangbayad utang ako ng aking mga magulang.
"Ate! Hey, you! Let go of my sister!" malakas na sigaw ng aking kapatid na si Czarina at pinag-sisisipa ang mga lalaking may hawak sa akin. Iyak ako ng iyak at hindi ko na alam ang aking gagawin. Nakikita ko na umiiyak lang si mommy at walang magawa dahil si daddy parati ang laging nasusunod.
Agad na pinigilan ni mommy si Czarina at niyakap niya ito ng mahigpit upang mapigilan niya ito sa pagwawala.
"Please notify your boss that I will pay him now. My young daughter has never been in a relationship. Tell him to accept my daughter as p*****t and that I need an additional $5 million. If he refuses to accept my offer, I will sell my daughter to a syndicate to cover the amount I owe him," ani ng aking ama. Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig. Akala ko ay mahal nila ako kahit hindi nila ako tunay na anak. Isa akong anak ng katulong nila nuon. Namatay sa panganganak ang aking ina kaya inampon nila ako. Hindi nila inilihim sa akin ang totoo, pero minahal nila ako katulad kung paano nila minamahal ang tunay nilang anak na si Czarina. Pero ngayon, nandito kami sa harapan ng isang hotel and casino sa Las Vegas at ipinangbabayad-utang ako ng aking ama sa lalaking hindi ko kilala.
"How could you do this to me, Dad?!" malakas kong sigaw sa kanya. Hindi niya ako tinitignan, hindi niya magawang tumingin sa akin dahil sa kawalanghiyaang ginagawa niya sa akin.
"I said, let go of me!" I shouted. My voice filled with defiance. I mustered every ounce of strength I had, determined to break free from the clutches that held me captive.
"Wala ka ng magagawa miss, ipinangbabayad-utang ka na ng iyong ama. Hinihintay lang namin ang tawag ng aming amo para malaman namin kung pasado ka ba sa taste niya," ani ng isang pinoy na lalaki. Takot na takot ako, hindi ko alam kung ano ang aking
gagawin. Bakit nangyayari sa akin ito? Akala ko kaya kami nagpunta dito sa Las Vegas ay para magbakasyon, pero hindi ko inaasahan na ipangbabayad-utang pala ako ng aking ama sa isang lalaki na hindi ko kilala.
"Nandyan na pala si boss, salubungin ninyo," ani ng mga empleyado dito sa loob ng casino hotel. Napatingin ako sa isang matanda na papasok sa loob ng hotel na malaki ang tiyan at nakatingin sa aking ama, pagkatapos ay tumingin sa akin kaya kinilabutan ako lalo pa ng ibinaling niya pabalik sa aking ama ang kanyang paningin at ngumiti. Sinalubong din siya ng mga empleyado ng casino kaya nanghihilakbot ako sa matinding takot.
"Oh God! Bitawan mo sabi ako!" malakas kong sigaw, kaya inilabas nila ako ng hotel casino kasunod ang aking mga magulang at ang aking kapatid na walang patid na umiiyak.
Nagwala na ako ng nagwala dahil sigurado na ako kung kanino ako ipang-babayad ng aking mga magulang. Hindi ako papayag, ayokong mapunta sa matandang 'yon.
"You promised me, Dad, that you would love me like your own child, katulad ng kung paano ninyo mahalin si Czarina, but why did you do this to me? Bakit ako ang kailangang magbayad ng mga pagkakautang ninyo? Paano naman ang buhay ko dad, ang karapatan ko?" malakas kong sigaw dahil hindi ko na kinakaya pa ang kirot na nararamdaman ng puso ko, at ang takot na nararamdaman ng buo kong pagkatao sa tuwing naaalala ko ang tingin sa akin ng matandang 'yon.
My heart feels like it's going to burst from the betrayal of my family. Alam ko naman na hindi nila ako na anak, pero bakit kailangang dumating sa punto na ipangbabayad nila ako sa kanilang pagkakautang?
"Wala na akong alam na ibang paraan anak. Forgive us, Cherry, but this is the only way to save Czarina. I'm sorry kung dito na magwawakas ang lahat. I'm sorry, Cherry, mahal na mahal ka pa rin namin anak, pero sana ay mapatawad mo kami. Kailangan namin ng pera upang mabayaran ko ang mga pinagkakautangan ko. Ipangbabayad utang kita at humihingi din ako ng kapalit na halagang limang milyong dolyares, para naman mabayaran din namin ang pagkakautang namin sa sindikato upang hindi na mapahamak ang iyong kapatid," sagot ng aking ama.
"No. Mom, please. I'm begging you. I don't even know that man, please. Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?? Please don't do this," pakiusap ko pero para silang nagbibingi-bingihan sa bawat pakiusap ko sa kanila.
"I'm sorry anak, kung may iba lamang paraan sana ay ginawa na namin. Pangako, babalikan ka namin, babayaran namin ang utang namin sa kanya at babawiin ka namin ng iyong ama," ani ng aking ina na panay ang pag-luha.
"Ayoko! Please ayoko. Mom, ayoko ng ganito. Sabihin ninyo sa akin na nagbibiro lamang kayo," malakas kong sigaw. Bago pa man makasagot ang aking ina ay tunog ng telepono ang nagpalingon sa aking ama. Ang isa sa lalaking may hawak sa akin ay sinagot ang telepono habang pilit pa rin akong nagwawala. Gagawin ko ang lahat ng pakiusap ko, huwag lamang itong matuloy. Alam ko na kahit hindi sila ang tunay kong mga magulang ay minahal nila ako katulad ng pagmamahal nila kay Czarina. Gagamitin ko ang pagmamahal nilang 'yon sa akin upang makaalis ako sa sitwasyon kong ito.
"Okay boss," ani ng lalaking may kausap, at pagkatapos ay tumayo ito sa harapan ko at kinuhanan ako ng larawan.
"Gusto lang makita ng boss ko ng malapitan ang mukha mo kaya pinakuhanan ka ng larawan," ani niya kaya muli akong nagwala. Kung gayon ay ang matanda ngang 'yon ang taong pinagkakautangan ng aking ama.
"Okay, tinatanggap ng boss ko na maging pambayad-utang ang inyong anak, at babayaran din daw niya kayo sa halagang ten million dollars, pero sa isang kondisyon," ani ng lalaki kaya sigaw ako ng sigaw dahil ayokong mangyari ito sa akin.
"Anong kondisyon ang hinihingi ng iyong amo?" ani ng aking ama.
"Lalayuan na ninyo ang babaeng ito. Hindi na kayo magpapakita pa sa kanya kung ayaw ninyong mapahamak kayo. Sa oras na pirmahan mo ang kontrata ay mawawalan na kayo ng karapatan na kahit na ano sa kanya. Simula sa araw na ito ay pag-aari na siya ng aming boss. Payag ba kayo? Dodoblehin niya ang limang milyon na hinihingi mong kapalit, sampong milyong dolyares ang mapapasakamay mo," ani ng lalaki.
"Isa pa ay pakakasalan ng boss ko ang inyong anak, at singko man ay wala kayong makukuha sa kanila. Magiging asawa na siya ng aming amo sa ayaw at sa gusto ng anak ninyo, maliwanag ba?" dagdag na ani ng lalaki kaya mas matinding takot ngayon ang nararamdaman ko. Ayokong maging asawa ang matandang 'yon.
"Deal," walang kaabog-abog na sagot ng aking ama na hindi man lang magawang tumingin sa akin. Ang aking ina ay tuluyan ng humagulgol na nakatingin sa akin. Nararamdaman ko na hindi niya gusto ang mga nangyayari pero wala din siyang magawa dahil ang salita ni daddy ang batas sa pamilya namin.
"Help! Help me!" malakas kong sigaw kaya bigla akong ipinasok ng isang lalaki sa loob ng isang sasakyan na nakaparada sa harapan namin.
"Shut up o may mangyayari sa kanila?" ani ng lalaki kaya nakaramdam ako ng takot para sa pamilya ko. Natahimik akong bigla at nakatingin lamang kay Czarina na iyak ng iyak at tinatawag ang pangalan ko. Gusto kong lumabas ng sasakyan pero ayaw hinaharangan nila ako. Bukas ang bintana ng sasakyan kaya rinig na rinig ko ang iyak ni mommy at ni Czarina.
"Ate, tara na umuwi na tayo," malakas niyang ani kaya mas lalo akong napahagulgol. Gusto kong yakapin ang kapatid ko pero wala akong magawa. Galit na galit ako sa mga magulang ko ngayon dahil magkakalayo kami ng kapatid ko ng dahil sa kanila. Mahal na mahal ko si Czarina, sobrang pagmamahal ang ibinubuhos ko sa kanya, pero ng dahil sa mga magulang namin ay magkakahiwalay na kami at hindi ko alam kung hanggang kailan.
"Ate, please umuwi na tayo," malakas na sigaw ng aking kapatid, pero wala akong magawa dahil binabantayan na ako ng mga tauhan ng matandang 'yon. Takot na takot na ako at hindi ko na alam kung ano pa ang aking gagawin.
Isang may katandaang lalaki ang lumabas sa entrance ng hotel. May dala itong itim na folder at huminto ito sa harapan ng aking ama. Sa tingin ko ay isa itong abogado kaya nakaramdam ako ng takot. Hindi lamang ako ipinangbayad-utang ng aking ama, ibinenta niya rin ako sa lalaking 'yon. Sa lalaking mas matanda pa sa aking ama.
"Please sign this," ani ng lalaking nagpakilalang abogado raw. Gusto kong magwala at tumakas pero hindi ko alam kung paano. Tumaas ang bintana ng sasakyan kaya nagsimula na akong magwala at sumigaw ng sumigaw ngunit wala ng nakakarinig pa sa akin. Maging ang mga tao sa labas ay hindi ko na naririnig pa kahit ang mga sasakyang nagliliparan sa kalsada ay hindi ko na rin naririnig pa.
Umiyak na lamang ako ng umiyak. Wala na akong magawa pa lalo na ng makita ko na inabutan ng abogado ng tseke ang aking ama. Napatingin pa dito sa sasakyan ang aking mga magulang at nakikita ko sa mga mata nila ang matinding kalungkutan. Bakit nila ginawa ito sa akin? Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanila para ibenta nila ako sa lalaking 'yon?
Tumalikod ang aking maga magulang habang nagwawala ang aking kapatid at nagpupumilit na malapitan ako dito.
"Please po, nakikiusap ako sa inyo, kahit isang yakap lang sa kapatid ko bago man lang kami magkahiwalay. Please, nakikiusap ako," umiiyak kong sabi. Nagkatinginan sila na nandito sa loob ng sasakyan, pagkatapos ay binuksan ng driver ang pintuan at tinawag ang pamilya ko.
"Yayakapin daw niya ang kanyang kapatid," wika ng lalaki kaya mas lumakas ang pag-iyak ko ng marinig ko ang tinuran niya.
"Sa oras na gumawa ka ng gulo, mapapahamak ang pamilya mo," wika ng lalaki kaya tango lamang ako ng tango at pinunasan ko pa ang mga luha sa aking mukha na patuloy lamang na dumadaloy mula sa aking mga mata.
Pinagbuksan ako ng pintuan ng isang lalaki at pagkatapos ay pinalibutan nila ako, tinawag nila si Czarina upang makalapit ito sa akin, pagkatapos ay nagyakap kami ng mahigpit. 'Yung parang ayoko na siyang bitawan pa.
"Ate, pangako ko sayo, hahanapin kita at ibabalik kita sa piling namin. Hahanapin kita ate kaya hintayin mo ako dahil ililigtas kita sa kanila," wika ng kapatid ko habang mahigpit niya akong yakap at umiiyak.
"Alagaan mo si mommy ha. Alam mo naman na sakitin ang ating ina. Lagi pa siyang hindi nakakatulog. Si Daddy, huwag mo din pababayaan ha. Alam mo naman 'yan kapag may malalim na iniisip, laging naglalasing. Bawalan mong uminom ha," bilin ko sa aking kapatid.
Pagkatapos naming magkayakap ay sapilitan na nila akong ibinalik sa loob ng sasakyan. Iyak lamang ako ng iyak, parang sasabog ang puso ko habang nakikita ko ang aking kapatid na nagwawala habang papalayo na sa kinaroronan ko.
"Maghanda ka, dadalhin ka namin sa mansyon ng aming amo. Umayos ka at huwag kang magwawala duon dahil hindi namin sasantuhin ang pamilya mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" ani ng isang lalaking gwapo na matikas. Naka suit ito at sa tingin ko ay hindi ito pangkaraniwang tao. Mayamaya ay isang gwapo pang lalaki ang pumasok sa loob ng sasakyan at tumabi sa lalaking naka suit. Mas gwapo ito, pero nakakatakot ang matalim na tingin niya sa akin ng lumingon siya. Parang hindi ito marunong ngumiti kaya nakaramdam ako ng takot.
"Boss Zach, Boss Raniel, diretso na ba tayo sa mansyon?" tanong ng lalaking pumipigil sa pagwawala ko.
"Oo. Nasaan ba si Kricel? Huwag mong sabihin sa akin na hanggang ngayon ay tinuturuan pa rin niya ang Joy na 'yon?" ani ng lalaking tinawag na Boss Zach. Mukha naman itong mabait kaysa sa lalaking katabi niya, kapag siguro pinaki-usapan ko ito ay pakakawalan nila ako. Bahala na, kailangan kong lakasan ang aking loob.
"Kuyang pogi, tulungan mo po ako. Ibalik na ninyo ako sa pamilya ko," pakiusap ko kaya nilingon niya ako. Natawa siya ng mahina at sa halip na pakinggan ako ay inutusan lang nito ang driver na paandarin na ang sasakyan.
"Wala ka ng magagawa pa. Hindi ka lang ipinangbayad-utang ng iyong mga magulang sa amo namin, ibinenta ka pa sa halagang sampong milyong dolyares," sagot ng isa na tinawag na Boss Raniel.
"Please! Tulong! Tulungan ninyo ako!" malakas kong sigaw habang nagwawala na ako at pilit na binubuksan ang pintuan ng sasakyan. Nagsimulang umandar ang sasakyan kaya binalot na ng takot ang buo kong pagkatao kaya unti-unti na akong nawalan ng ulirat at tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.