Tinago ni Deah ang pagkakakilanlan niya bilang apo ng CEO nang magtrabaho siya bilang Janitress sa kompanya ng kanyang lolo upang patunayan sa magulang na kaya niyang umangat sa sarili niyang pagsisikap. Sa pagtatrabaho roon ay marami siyang matutuklasang anomalya. Sa alanganing sitwasyon ay palaging nandoon at nililigtas siya ng janitor na kinaiinisan niya dahil sa pagiging antipatiko at pagkasuplado nito. Sa kabila ng pag-usbong ng inis niya sa lalaki ay siya ring pag-usbong ng lihim na pagtingin dito. Ngunit paano kung malaman ng lalaki ang tunay na pagkatao ni Deah na apo pala ng isang CEO? Pagkakaalam niyang red flag sa lalaki ang mayayamang babae?