Zac
Nagkita kami ni La Diva sa hotel bar. Hindi na masyadong matao dahil medyo late na rin at magko-close na. Pero dahil kilala kami rito ng barman kaya naman ay hinayaan na lang kami roon habang nakaupo sa kani-kanyang stool at nakaharap sa bar. Nakalagay ang malamig na Classic Old Fashioned cocktail na may cherry sa ibabaw ng bar, sa harap niya, at sa ‘kin ay isang baso ng paborito kong Gold Rush—a potent shot composed of bourbon, lemon juice and honey, with an ice cube. Alam na talaga ni La Diva ang gustong kong inumin.
Nakasuot ng walang manggas at sobrang seksing puting damit si La Diva at kitang-kita ang maputi at mahabang hita niya dahil na rin sa mahabang slit na mas umakyat pa malapit sa puno ng kanyang hita. Pinaresan niya iyon ng high heels na may mahabang takong at meron din siyang suot na pulseras at dangling earrings. Manipis lang ang makeup niya pero sobrang pula ng labi niya dahil sa lipstick na gamit. Doon talaga mapapako ang tingin ng mga lalaki kapag tititig sa kanya kung hindi man sa magagandang kurba ng katawan niyang humakab sa suot.
From what we all know at RnJ, La Diva’s twenty-seven years old and a German-Filipina who looks like a beauty queen, with bluish gray eyes that could melt a man’s heart if she wants to. And she does that a lot of times and gets what she wants, especially in bed. She’s actually called RnJ’s Succubus because of her charm and heavenly curves that would make men whimper like lost puppies.
Tinungga ko ang laman ng baso ko hanggang kalahati at napasipat na naman sa katabi kong babaeng titig na titig sa ‘kin. Pansin kong nakalugay ang maitim niyang buhok na itinikwas niya bago nagsalita.
“So, this one’s not good either,” she stated in a sweet voice. Si Amanda ang ibig niyang sabihin.
Napatawa lang ako nang mahina at inubos na ang laman ng baso ko. Gano’n na rin ang ginawa niya.
“Hmm. So, why don’t you just approach her if you really want her and you have feelings for her? You know, just be done with it. Who knows she’d accept you as you are?”
Hindi ako makapaniwalang sinabi niya ito sa ‘kin. Of all the people, she was the least I expected to advise me such as this.
Binigyan ko siya ng mapanuring tingin. “Is this the way you’re teasing me now, La Diva? I’m a Hunk—”
“Who will most probably leave RnJ any day now. Sa pagkakaalam ko, matagal mo nang natupad ang usapan n’yo ni Johnny, so kung gugustuhin mo, puwede kang umalis katulad ng iba kapag tapos na ang usapan nila sa RnJ.”
Lumukot ang mukha ko sa narinig at napatingin sa paligid. Wala nang ibang tao roon kundi kami na lang. “H-how did you even know that? Wala akong sinabi sa ‘yo kahit na tinuturing kitang confidante ko dahil usapan namin ‘yon ni Johnny. Iba ‘yon at trabaho ‘yon na nangangailangan ng confidentiality.”
Kumibit siya ng balikat at nakangiting sinimsim ang kanyang cocktail habang hindi iniwas ang paningin mula sa ‘kin. Marahan niyang inilapag ang baso at may pagdududa akong tinitigan siya.
“Alam ko ang lahat ng pinagdadaanan ng mga husbandos, Zac. Isa ka na ro’n. Huwag ka nang magtaka. Kilala mo naman na ako, ‘di ba?” kalmanteng aniya at napangiti nang matamis at mapang-akit katulad ng nakasanayan na.
“Right,” I drawled in agreement. Napatango-tango pa ako. Siguro nga walang nakalalampas sa kanya. Mas nauna pa siya sa ‘kin sa RnJ at walang makapagsabi kung kailan talaga siya nagsimula roon. Kaunti lang ang alam ko sa background niya dahil hindi naman palakuwento si La Diva pero alam kong may pinagdaanan din siya sa buhay kaya nasa RnJ siya ngayon. O sa isip ko lang ‘to?
May sasabihin pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag, agad ko itong sinagot. “Yes? Why are you calling me this late? I bet this is important.”
“Zac, I just want you to know that Miss Empress Moira de los Santos Regala, Global Empress Group’s CEO, has set a meeting with me. Just like Miss Ophelia Sandoval of Magnus Corp.”
Lumukso ang puso ko nang marinig ang pangalan niya. Napahigit ako ng hangin. Malalim. Pagkatapos ay napalunok ako at pinilit na huminga nang normal.
“What does she want?” tanong ko sa kausap ko.
“She’s offering a hefty sum for a merger. I’ll send in the details to your official email, and we can discuss it after our meeting. Is that okay for you?”
“I’ll give you the full power to decide on this matter. But listen, I want you to do something for me.”
“Huh? Ano naman ‘yon, Zac?”
“I… want you to test her.”
“What kind of test?”
“You know her personality by word of mouth, so I trust you can do that without hiccups.”
Nagpasulyap ako kay La Diva na simpleng inuubos ang cocktail niya.
“Ah, I think I know what you mean. I got it!” Napatawa nang mahina ang kausap ko.
Napangiti ako nang magpaalam siya sa ‘kin.
“So, who was calling?”
“Theo.”
“Oh! Your company’s hot CEO who never saw your face, not even once. Bakit nga ba hindi ka pa nagpapakilala sa kanya?”
“Alam mo na ang kuwento. Ayaw ni Lolo noon na makilala ako ng mga shareholders for some reason that he only knew. Magpapakilala lang ako sa hinaharap kapag…” Hindi ko na itinuloy ang ibig kong sabihin.
Tumango si La Diva. “Of course, kapag wala ka na sa kompanya natin.”
“Look, La Diva. Hindi ko pa alam kung paano ako magpapaalam. Ikaw pa ang nakakaalam sa plano ko.”
She squinted her eyes at me. “Bakit nga ba? Bakit hindi ka pa aalis kung iyon na nga ang plano mo?”
“Naipangako ko na sa sarili ko na isang kontrata na lang at iyon na. Ayoko lang biglain ang sinumang nasa taas lalo na si Johnny dahil siya ang nagpapasok sa ‘kin.”
“But you know Johnny. Alam niya—nila—ang lahat-lahat. I don’t have to mention his name. Alam mo na kung sino.” Napangisi pa siya sa ‘kin.
Tumango na lang ako nang wala sa sarili at binasa ang labi ko. Dumako na kasi ang isip ko kay Empress.
Lumundag na naman ang puso ko nang hindi ko mawari. Hindi ko alam kung bakit siya lang ang tanging babaeng nagpaparamdam sa ‘kin ng ganito. Hindi niya naman ako kilala at sigurado akong hindi niya ako natatandaan kahit na nagkita na kami noon.
Sa sementeryo.
I wish you could still remember me… Kahit na mali ang pagkakilala mo sa ‘kin, Empress.