BLURB
Sa isang relasyon hindi porket kasal na kayo ay masasabi mong perpekto na ang pagsasama ninyo.
Anong gagawin mo kung masisira ang pinaka-iingatan mong relasyon? Sa loob ng (18) years ay sa mga anak at asawa mo lang umikot ang mundo mo. Ngunit paano kung malaman mo na may ibang mahal na pala ang pinakamamahal mong asawa. Makakaya mo kayang tiisin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig? Ano ang pipiliin mo? Anak na handa kang samahan sa hirap at ginhawa? O asawa na matagal ka na palang niluluko ngunit naglihim ito sa’yo.
Si Vienna ay isang mapagmahal na Ina, handang gawin ang lahat para sa kanyang mga anak at pamilya.
Akala ni Vienna noon ay hindi ito mapapagod ngunit nang matuklasan nito ang ginawang panloloko ng kanyang asawang si Henric ay parang binagsakan ng langit at lupa si Vienna. Ganun pa man ay pilit niyang inintindi si Henric hindi namalayan ni Vienna na halos (10) years na pala itong nagtitiis kay Henric. Pinahid ni Vienna ang kanyang mga luha na kanina pa ito umaagos sa kanyang pisngi. Pakiramdam ni Vienna nawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan hindi sumagi sa isip nito na ganito ang igaganti ni Henric sa kanya.
“Ma, hanggang kailan ka magtitiis sa panloloko ni papa akala ko ba galit ka sa kanya? Bakit nandito na naman siya?” Galit na sabi ng panganay na anak ni Vienna na si Hazel. “Anak kung may problema man kami ng papa mo wala kayong kinalaman doon okay? Baliktarin man natin ang mundo ama n’yo pa rin siya. Anak, tandaan mo ikaw ang ate dapat ikaw ang mas higit na nakakaintindi sa sitwasyon, kahit ilang beses gawin sa akin ng papa mo ito hindi pa rin sapat iyon para iwan natin siya.” Malumanay na paki-usap ni Vienna sa panganay na anak nito sabay punas sa basang mukha ni Hazel. “Ma, hindi na po ta’yo mahal ni papa dahil kung mahal niya ta’yo hindi siya mambababae katulad ng ginawa niya ngayon. Ma, awang awa na po ako sa’yo hindi na po tama ang ginagawa ni papa. Patawarin mo ako mama pero hindi ko po mapapatawad si papa sa ginawa niya sa pamilya natin lalo na sa’yo.” Yakap ni Hazel ang Ina, napahagugol si Vienna hindi niya maiwasan ang matakot dahil oras na sumuko ang mga anak niya ay susuko na rin siya.
“Hindi na kita mahal.” Parang isang matulis na patalim ng diritsong sabihin ni Henric sa harap mismo ni Vienna, pakiramdam ni Vienna nagkapira-piraso ang puso niya ng sabihin iyon ni Henric hindi makapaniwala si Vienna sa sinabi ni Henric “Henric, mahal kita, mahal ka ng mga bata hindi ko kaya na mawala ka. Henric huwag mong gawin sa amin ito, paano ang mga bata kung palalayasin mo kami dito sa bahay natin? Henric, lasing ka lang diba? Hindi mo magagawa ito sa amin mahal mo kami diba?” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Vienna. “Para matauhan ka sa kahibangan mo.” Ani Henric at pinagtatapon ang mga gamit nila nagkalat sa buong sala ang mga iyon, napaluhod si Vienna ng inilabas ni Henric ang lahat ng mga bag nila. “Umalis na kayo dito sa bahay magsasama na kami ni Roanne kaya hindi ko na kayo kailangan.”
Bitbit ni Vienna ang kanilang mga gamit samantalang nakasunod sa likod niya ang kanyang mga anak. Hatinggabi na at hindi alam ni Vienna kung saan sila magpapalipas ng gabi. Walang tigil ang mga luhang lumandas sa pisngi ni Vienna hanggang may isang magarang sasakyan ang huminto sa tapat nila.
“Miguel?”