Kimberly’s POV “Miguel! Anak bilisan mo male-late tayo. Naghihintay na si Mang Martin sa labas!” tawag ko sa kanya kinse minutos ko na iyong nabihisan hindi pa tapos. Akma akong papasok na sa loob para tingnan kung ano ang ginagawa niya nang lumabas siya ng aming silid. “Miee ready na ako!” Masayang bungad niya sa akin. Natampal ko na lang ang aking noo. Jusmiyo Marimar Miguel! “Bakit naman nagpalit ka pa ng damit? Mas okay ang naka uniform, anak,” komento ko. Na rugged pants, rubber short may short sleeve polo na light blue at may puting t-shirt pa ito sa loob. Nakabukas ang butones sa harapan. “Saan ba ang punta mo? Mag mo-modelo ba or papasok sa school.” Ngumiti lang siya at hindi na sumagot. Tumakbo na at sumampa siya sa likod ni Mang Martin. Napailing na lang ako, hindi man lang n