Kimberly’s POV “Miee?” Tawag sa akin ni Miguel Sabado ngayon kaya wala siyang pasok. “Yes, anak?” “Why are you standing there? Bakit po ayaw niyo pa kumain?” Naka kunot na tanong niya sa akin. Pilit akong ngumiti. “Naku anak, busog pa si Mommy. Saka masakit na kasi ang pwetan ko kakaupo kaya tatayo muna ako ha?” Pagsisinungaling ko sa kanya. Napanguso ito at hindi kumbinsido sa sagot ko. Kaya lumapit ako sa kanya. Lumuhod ako sa bandang gilid niya. “Anak kasi—” “I need juice, Kimberly?” Mariin akong pumikit. Napakagat labi ako para pigilan ang inis. “Granny, will ask Susan to serve you,” nanlaki ang mga mata ko sa sagot ni Miguel. “Nandito ba ang granny mo ha, Miguel? Diba wala? Kaya gusto ko ang mommy magsasalin ng juice sa baso ko! May reklamo ka?” Malditang sagot ni Sanvi. “