Kimberly’s POV TULOG NA TULOG si Miguel ng umuwi kami. Hindi na masyadong nakain dahil sa pagod at antok. Buhat-buhat ni Leonel si Miguel ako naman hindi magkanda ugaga kakabuhat nang sangkatutak na pinamili ni mama. Gusto na ata bilhin lahat ng mga laruan. Kahit hindi nagtuturo si Miguel basta na lang lagay nang lagay sa cart. Si Leonel naman katabi ko busy sa kakatawag dahil may problema ang isang planta nila sa Laguna. Kaya ang ending ako na lang ang taga sunod. Hindi ko kayang pigilan ang mama. Dahil baka kapag wala si Leonel mapag buhatan niya ulit ako ng kamay. Ang higit sa lahat, masyadong namayani sa isip at puso ko ang banta niya na ilalayo ang anak ko. Baka ikamatay ko kapag nangyari iyon. “Let me help you.” Mabilis na kuha ni William sa dala-dala ko. “No!” Napalakas ang