Kimberly’s POV: HINDI KO mapigilan hindi ngumiti. Sa malulutong na tawa ni Miguel. Nag eenjoy siyang makipaglaro kay Leonel ng chess. Wala akong kamalay-malay sa larong ito. Napaisip ako, na kailangan mabigyan ko ng buong pamilya si Miguel. He needs a father figure. Palihim ko silang kinuhanan ng litrato. Ang sarap pagmasdan ang inosenteng mukha ni Miguel. Ang mga ngiti niya kapag napag papakin ng pawn ni Lionel. “Ang daya mo naman Tito Leonel eh. Nagpapatalo ka!” Sita ni Miguel. “No, I did not! Wala nga akong tira, look.” Depensa naman ni Leonel. “Ayan mo, kakainin mo ang isang pawn ko!” Pangbabara ni Miguel. Napakamot pa ito ng batok dahil hindi siya sineryoso ni Leonel sa laro nila. “Oops buddy, sorry I didn't see that coming.” Kunwaring nalungkot ito. Napailing na lang ako.