Kimberly’s POV “MAY PARTY sa planta next week, a tribute for all the employees; I want you to be there.” Imporma ni Leonel pagkasakay ko sa sasakyan. Hinatid ko si Miguel sa room niya kahit ayaw niya. Masama ba ako kung gusto ko muna lumayo kay Leonel? Ang mahadera kong utak! Yes! Gusto kong tumanggi, pero nakakahiya na ako ang asawa at wala ako doon. Tumango na lang ako. Hindi na nagsalita. Nagtatalo ang isip at puso. Nandoon kaya si William? Gusto ko sanang itanong kay Leonel pero naunahan ako ng hiya, baka kasi mamasamain niya at lalong magselos sa kapatid niya. Hinatid na ako ni Leonel sa store, nandoon na rin si nanay. Hindi na siya bumaba dahil nag mamadali siyang pumunta sa planta. Umibis ako ng sasakyan at tinungo ang store. “Thelma?” Pagkukumpirma ko sa aking kaibigan dahil n