Kimberly’s POV HINDI ko alam kung paano ako natulog. Paggising ko wala na si Miguel at William. Nag inat ako at inayos ang kama ni Miguel. Paglabas ko sa silid ni Miguel dinig ko ang masayang tawa nito. Tsaka ko lang naalala na wala siyang pasok ngayon. Naglalaro sila ni William ng chess. Pagkapasok ko sa silid namin ni Leonel malinis iyon at walang bakas na natulugan niya iyon. Saan kaya iyon natulog? Mabilis akong naligo at nag bihis. Huminga ako ng malalim. Sinuri ko ang aking repleksyon sa full-length mirror. Sadness and longing were visible in my eyes. Ang daming antisipasyon sa puso ko. Hoping na sana naghintay pa ako ng ilang araw bago nagpasyang magpakasal. Sana noong unang kita ko pa lang kay William sana hindi ako naduwag, sana sinabi ko sa kanya na may anak kami. But how? P