Eight

2596 Words
"Minsan, hiniling ko na sana ganun din kataas yung pride ko, katulad ng sayo. Para kayang kaya din kitang tiisin, wag pansinin at balewalain. Para maramdaman mo rin yung pakiramdam ng paulit ulit na naghahabol sa oras at naghahanap ng atensyon. Kung gaano kasakit sa pakiramdam na parang pampalipas oras ka lang. Pero pasalamat ka na lang din, kasi mas mahalaga ka kesa sa pride ko, kaya hindi ko kayang gawin sayo. Wag mo lang akong hayaang masagad sa limitasyon ko, baka kasi bukas makalawa, pag gising mo, wala na rin ako." Panay ang punas ni Georgia sa kanyang mga luha habang nagpapaliwanag kay King na madilim ang mukha. Hindi na nya ito maintindihan, sa nakalipas na mga araw palagi na lang itong galit na hindi nya malaman kung bakit ito naging bugnutin. "Masisisi mo ba ako kung bakit ako nagkakaganito Georgia? Dimu man lang ako nirespeto. Bakit ka nagpapagamit sa pinsan ko ha? Ano may gusto kaba sa kanya ha?" Nakapagitna naman si Prince sa dalawang nagtatalo. Kasalanan nyang lahat ito.. Kasi sa kaduwagan nya makakasira pa sya ng relasyon ng dalawang taong mahalaga sa kanya. "Masama bang tulungan ang kababata ko ha, King? isa pa kung hindi dahil sa kanya walang tayo! Naiintindihan mo ba ako ha?" Paliwanag naman ni Georgia sa kasintahan. Lalong dumilim ang aura na nakapalibot kay King, binabalot ito ng matinding selos. "Tapatin mo nga ako Georgia, mahal mo ba talaga ako o pinaglalaruan mo lang ako, ha?" "King, tama na! Wag mong awayin si Georgia, sakin ka magalit kasalanan kong lahat." Pilit na inilayo ni Prince ang pinsan kay Georgia, nangangamba kasi sya na baka saktan nito ang dalaga. "Ikaw na hayop ka! kung wala kang gusto sa bestfriend mo at sukang suka ka sa kanya, bakit hindi mo sya tapatin? bakit kelangan nyo pang magpanggap ng girlfriend ko para ano Prince ha? kasi ayaw mong saktan ang sinasabi mong best friend mo dahil may pangako kayo sa isa't isa ganun ba? Lentek na pangako yan, na sisira lang sa relasyon namin ni Georgia." Nanggagalaite na sa galit si King habang yakap yakap ni Georgia na walang tigil ang pag iyak. "Eh ang kitid naman pala ng utak mong gago ka, wag mo kaming husgahan ni Mia dahil wala kang alam sa ugnayan naming dalawaa!" Labas ang litid sa leeg ni Prince na halatang nagpipigil lang ng kanyang galit. "Ano nga bang katotohanan Prince?" Napatigil sa pagtatalo ang tatlo, sabay sabay pang napalingon sa halamanan ng marinig ang boses ni Mia. Ang ka schoolmate ni Georgia na isa pang bestfriend ni Prince. "Ginawa mo akong best friend para saan? Bakit kayo nagpapanggap ni Georgia, para ano? Madali lang naman akong kausap hindi nyo na kelangang magpanggap pa at kung sukang suka ka naman sakin wag kang mag alala, ako na mismong lalayo para hindi kana mahirapan pa." "Mia! Sandali!" Natatarantang hinabol ni Prince ang dalaga na tumatakbo palayo sa lugar na yun. "King..." Pigil naman ni Georgia sa kasintahan na akmang hahakbang na paalis dun. "Saka na tayo mag usap Georgia! Baka may masabi pa akong makakasakit lalo say - " "You’re not in love with me, not really, you just love the way I always made you feel. Like you were the center of my world. Because you were. I would have done anything for you.” "Georgia, you don't understand..." Napahilamos sya ng mukha dahil sa frustration nyang nararamdaman. "I taught you to be strong King, pull you up when you fall. I taught you to smile after pain, and wipe those tears away. I taught you embrace your insecurities, and be confident with the kind of man I fall in love with. But you told me that you wanted to learn how to stand on your own and that makes me sad because for the first time, you don’t need me anymore." Matapos mailabas ni Georgia ang lahat ng kanyang sama ng loob kay King, tinalikuran na nya ito. Nasundan na lang ng tingin ni King ang papalayong dalaga. Nasapo nyang ulo ng biglang sumakit ito, pero mas lalong masakit ang kanyang puso. Anong gagawin nya ngayon? Tila lumala pang sitwasyon. Ilang araw ng nakakalipas dipa rin nagkakausap sila Georgia at King. Mabuti pa nga si Prince kahit na may sarili din itong problema pero hindi sya nito iniwan. Hindi man lang ito nagbago kahit konti, lagi pa rin itong nasa tabi nya, kagaya na lang ngayon.. Wala na namang tigil ang bunganga nito kakapayo sa kanya. "Georgia, kung talagang may pake siya sayo, rereply at rereply yan sayo. Eh kaso, ikaw na nga tong lumunok ng pride mo kahit masakit sa kalooban mo eh hindi ka pa rin magawang ireply. Yung feeling na tinipon mo lahat ng kahihiyan na natitira sa katawan mo at gawin yung bagay na alam mong 50/50 ang posibilidad kung may mapapala ka ba talaga o wala sa kanya. Hay naku! Mapapaisip ka na lang ng kung ano-ano kung bakit di siya nakareply. Walang load? Lowbat? May katext na iba? O talagang wala lang siyang pake at hinding hindi ka talaga rereplayan kasi nga hindi siya interesado at wala siyang balak makipag-usap sayo! Tapos! Parang ganun?? Ganun ba yon? Simple lang naman ang paliwanag dyan eh, kung talagang importante ka sa buhay niya at gusto niya makipag-usap sayo, rereply at rereply yun.. Kung wala siyang load, magpapaload. Kung di talaga makaload, makikitext sa ibang tao. Kung lowbat, magcha charge at itetext ka after how many hours. Kung wala talagang pag-asa sa text, i cha-chat ka. Marami naman sigurong paraan diba? Kaya kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan. Talagang ayaw ka lang niyang maka-usap." Mas lalong bumigat pang pakiramdam ni Georgia. Lahat kasi ng sinabi ni Prince ay may katotohanan. "Pero ba’t ganun, Prince? Parang ang sakit-sakit naman? Ano to? Seen zoned sa chat pati ba naman sa text? Or siguro in real life na rin para masaya. Na kapag nagkasalubong kami eh babalewalain na lang nya ako? Alam ko na nakita niya ako tas pagpapalapit na kami sa isa’t-isa ay iiwas siya ng tingin o di kaya'y lumipat sa ibang daanan.. Bakit? Bakit gan'to? Pwede bang sabihin niya na lang sa akin ng diretcho? Na ayaw niya akong makausap. Na ayaw niya akong makita o marinig. Na napaka-annoying ko kaya sana tumigil na ako. Sana sinabi nalang niya para di na ako nahihirapan nang ganito... Sana nga..kasi pagod na pagod na ako…" Nilapitan ni Prince ang kaibigan saka niyakap, hinagod hagod nyang likod nito para kahit papanu gumaan ang pakiramdam nito. "Georgia, girlfriend ka eh! dapat hindi ka sinisigawan or pinagsasalitaan ng kung anu anong salitang hindi maganda. Yes, sabihin nating nagalit yung boyfriend mo sayo, napagsalitaan ka ng masakit or minura ka. As a girl, wag kang papayag sa ganung sitwasyon, kasi, I’m telling you mauulit yan. Do something! Ipagtanggol mo yung sarili mo. Slap him in the face! Ganun kaagad, to make him realize na hindi yun pwede sayo. Kasi alam mo, kapag sinanay mo yang si King sa ganun, his head and ego are gonna get bigger and bigger. Bigyan mo siya ng tatak na kapag ginawa niya ulit yan, yan yung matatanggap niya. I mean, don’t allow him to disrespect you. Kasi kapag mahal na mahal ka ni King, mag stay yan sayo kahit pa sabihin nating ipagtabuyan mo siya. He will always make a way to fit in sayo. Come on, be a challenging girlfriend na yung tipong pag may ginawa siya mapapasabi siya ng “Patay! Papatayin ako ng girlfriend ko pag nalaman niya to. ” Yung mga ganung lalake, 80% nagtitino talaga. I mean ma-kekeep mo siya as you go along. He will stay with you no matter what. Just remember na wag ka lang nagger. Yung tipong the respect and your trademark as a human being stay with him. Kapag nasakal siya, hindi ka niya ganun kamahal." Napanguso na lang si Georgia sa mga naririnig mula kay Prince. Hindi sya nag comment kahit konti. Nangalumbaba na lang sya. "Kasi, kaming mga lalaki, gusto namin ng nanay / girlfriend in one. Seryoso yan at hindi ako nagbibiro. Sinong lalaki ang masasakal kung hinahanap ka lang naman ng girlfriend mo kapag hindi ka tumatawag or nagtetext? Aber? Style kasi ng lalaki, kapag hinanap siya ng girlfriend kasi hindi sya nagtetext, “Ano ba yan tawag ng tawag, text ng text dito lang naman ako.” Tas manchichiks kasi daw nasakal siya. Diyan na mag start yan. Again Georgia, it’s just means hindi ka niya mahal kagaya ng pagmamahal mo sa kanya. Ang totoong nagmamahal sayo yung sumusunod sa rules mo as a girl. Set your rules and if he's totally in love with you, he'll follow you." "Haay... Uwi nako, gusto ko ng magpahinga." Humihikab sabay tayo ni Georgia, hahakbang na sana sya patungong pinto ng matapilok sya. "Arraayyy!.. s**t ang sakiitt...." Mabilis namang lumapit si Prince sa kanya at kaagad syang binuhat at pinaupo sa sofa. Kaagad nitong hinubad ang hills nyang suot at sinuri ang kanyang paa. "Tsss... Ayan hills pa more... San banda masakit?" Umupo si Prince sa sahig saka ipinatong ang paa ni Georgia sa hita nya. "Dito ba ha?" Biglang pinisil ni Prince ang bukong bukong ng dalaga. "Araayy...!" Muntik ng sipain ni Georgia ang nag aalalang binata dahil sa sumigid na kirot pagkapisil nito. "Letche! Anuka ba! Wag mong pisilin masakiitt." Nandidilat ang mga mata nyang nakatingin sa binata na natawa sa kanyang hitsura. "Eh panu ko malalaman kong saan banda ang injuries mo kung hindi ko pipisilin ha?" Sasagot na sana si Georgia ng biglang bumukas ang pintuan ng condo unit ni Prince, at pumasok si King na sa kanilang dalawa kaagad napatutok ang tingin. Bigla namang nag ring ang cellphone ni Prince na nakapatong sa mesita malapit kay Georgia. "Pwede pakisagot Georgia! Baka kasi importante." Inabot naman ni Georgia ang cellphone saka tiningnan kung sinong tumatawag. "Aeris!" Basa nya saka sinulyapan si Prince. Sumenyas ito na sagutin nya. Sa halip na sagutin iniloud speaker na lang nya. "Yow! Saji, I found her." Boses ni Aeris. "Where?" Excited namang tanong nito. "In a minute, binyag na ng anak ni Mark, diba imbitado ka?" "Yeah! Why?" "Anupang hinihintay mo late kana.. Magmadali ka, baka hindi mo na sya maabutan." Natataranta namang bigla na lang napatayo si Prince na tila nakalimutan nang paa ni Georgia na nakapatong sa hita nito. Kasabay ng biglang pagbagsak ng paa ni Georgia sa sahig ang malakas din nyang sigaw. "Araayy! My God! Ang sakit..." Napapikit na lang bigla si Georgia. Ilang butil pa ng luha ang dumaloy sa pisngi nya. "Sorry, sorry Georgia! diko sinasadya.. Ahm! Halika ihatid na lang kita sa inyo." Akma ng bubuhatin ni Prince ang dalaga ng may mga kamay na humawak sa braso nya. Nagkatitigan pa sila ni King.. maya maya napatango na lang si Prince sa pinsan ng itinapat nito ang hintuturo sa labi nito.. Nakakaintindi namang dahan dahang kinuha ni Prince ang Cellphone at susi ng kotse nito saka walang imik na lumabas ng bahay. Kumuha naman ng first aid kit si King sa toilet, sya ng nagpatuloy sa ginagawa ni Prince kanina. Sinulyapan nya si Georgia, nakapikit pa rin ang dalaga. Umupo sya sa sahig saka dahan dahang binuhat ang paa ni Georgia at ipinatong sa kanyang hita.. Nilagyan nya muna ito ng oil saka masuyong hinilot hilot.. Ilang minuto nya ring ginawa yun bago nilagyan ng bandage saka maingat na inilapag sa sahig ang paa nitong medyo namamaga na rin. "Prince, ihatid mo na ako, gusto ko ng umuwi." Dahan dahang iminulat ni Georgia ang kanyang mga mata ng ilang minuto na syang naghihintay sa sagot ng kaibigan. "San na si Prince?" Kaagad syang umayos ng upo ng makita si King na palabas ng kusina. "U - uwi nako." Isinukbit nyang bag sa balikat saka isinuot ang kanyang high hills. Napangiwi pa sya ng piniliit nyang may pilay na paa na isuksok sa loob ng kanyang sapatos. Nagulat sya ng biglang magsalita si King at lumuhod ito saka hinubad ang kanyang sapatos. Tapos tumalikod ito sa kanya. "Sakay kana sa likod ko, ihahatid kita sa inyo." "Ha! Naku wag na! Kaya ko namang umuwi mag isa, tatawag na lang ako ng taxi." Kinakabahang sabi nya sa binata na hindi pa rin tumatayo. "Nangangawit nako Georgia, kaya sumakay kana, para maihatid na kita.. Hahabol pako sa binyag ng anak ni Mark, kaya tara na." Wala ng nagawa pa si Georgia, nakakahiya naman ang pag iinarte nya. Obvious namang di nya maihakbang ang isang paa. Ng makasampa na sya sa likuran ni King saka lang dahan dahang tumayo ang binata. Malalaki ang mga hakbang nito palabas ng condo unit ni Prince. Wala silang imikan kahit na sa loob na sila ng elevator pababang basement. Hanggang sa maingat syang ibinaba nito sa passenger seat.. Kahit na nung nnagmamaneho na ito ng sasakyan tahimik lang sila. At ng marating nilang bahay nila Georgia, ganun ulit pinasakay na naman sya nito sa likuran ng binata.. Papasok na sila ng gate ng dina nakatiis pa si Georgia, sya ng unang nagsalita. "Thank you so much, King." Nilingon lang sya ng binata. Ni hindi ito nagsalita, hanggang sa mapagbuksan na sila ng pintuan ng katulong at makapasok na sila sa loob, maging hanggang sa kwarto nya at mailapag sya sa kama ni King, wala pa rin itong imik. Ng tumalikod na ito at naglakad palabas ng pintuan ng kanyang kwarto saka lang ito lumingon sa kanya. "Get well soon, Georgia!" Yun lang ang sinabi ni King, saka isinara nito ang pintuan ng kwarto. Naipikit na lang ni Georgia ang kanyang mga mata. Ano na bang nangyayari sa relasyon nila ni King? Bakit naging ganito ang kanilang ending. Bakit ganun? Paano ng mga Pangarap.. Mauuwi na lang ba lahat sa Wala? Nag umpisa na namang tumulo ang kanyang mga luha... Paano na? Dami niyong pinangarap sa isa’t-isa. Nangako siya na ikaw ang papakasalan. Kailan niya sinabi yun? Nung araw na masaya siya, nung araw na masaya kayong dalawa. Pero nakakainis naman talaga diba? Tipong nakakatuwa at dumating sa punto na nag plano kayong dalawa sa pagpapakasal. Tipong sa murang edad eh napag iisipan niyo na yun. Yung mapapaisip ka na ang saya nga sana kung matutuloy, kaso ang tagal pa, sobrang tagal pa mangyayari dahil marami pa kayo dapat gampanan. Pati pangalan ng anak niyo naisip niyo na, minsan nga trying hard pa kayong dalawa mag-isip ng pangalan na maganda kapag nag combine ang pangalan niyo eh. Tapos kung sino ang mag tatrabaho, kung sino ang maiiwan sa bahay palagi, at kung gaano kaganda ang bahay. Marami bang bintana?Magagandang pintuan? At magagarbong ilaw at bubuo kayo ng isang magandang pamilya. Sobrang dami nga namang napag-uusapan kapag masaya kayong dalawa. Pero di nga naman lagi eh masaya ang relasyon. Kapag nalungkot ang isa dahil sa pakiramdam na nagsasawa na siya or pinagsawaan na siya. Para bang nakaka tanga na yung mga pangarap niyo eh nawala na lang ng ganun ganun na lang. Paano ba naman kasi wala kang magagawa kung ganun ang nangyari. Tipong kapag naghiwalay kayo maiiyak ka na lang kapag binabanggit mo yung mga bagay na pinangarap niyo dati. Tapos matatapos ang relasyon na parang walang nangyari, matatapos ang relasyon na parang walang salitang binitawan. Naglaho lahat na parang bula. Biglang gusto mong mauntog ng malakas para mag ka amnesia at makalimutan siya ng tuluyan. Pero di mo magawa… Mahal mo eh! Mahal na mahal mo si.... King Nexus Larkin. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD