Chapter 4

1525 Words
AVERY "S-sir," nauutal na tawag ko sa atensyon ng lalaking humapit sa bewang ko at ngayon ay hinatak akong lumabas palabas sa silid na pinasukan ko. "Don't talk and follow me." Matigas na utos sa akin ng matangkad na foreigner na kasama ko. Halos kaladkarin niya ako. Nahihirapan akong maglakad dahil sa mataas na takong ng sapatos na suot ko, habang binabagtas namin ang mahabang corridor na sa tingin ko ay papunta sa backdoor ng mga vips customers, dahil may security pa na nakita kong nakabantay sa bawat sulok. "Ayaw ko pong sumama sa iyo," hindi nakatiis na sabi ko at mabilis na inalis ang braso niya sa bewang ko. Kumunot ang noo ng lalaking kasabay kong naglalakad at gaya ko ay tumigil rin sa gitna matapos naming lumabas sa isang pintuan. "Why not?" kunot ang noo na tanong ng foreigner. "I'm here for work, sir. I'm sorry, but I made a mistake by entering your room, and I need to get back inside to do my job. Otherwise, my boss will not be pleased if I fail to finish my task," mahabang paliwanag ko. Mabuti na lang at kahit paano ay nakatungtong naman ako sa college at isa rin ako sa top student sa class. Alam kong hindi perfect ang English ko, pero sure naman ako na naunawan ng kaharap ko. "What's your name?" pormal na tanong ng lalaking kaharap ko. "Avery, sir," tipid na sagot ko. "Get in, Avery," utos ng lalaking kausap ko sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Akala ko pa naman ay sasabihin niyang bumalik na ako sa loob ng club, pero uutusan lang pala akong sumakay sa magara at itim na kotseng nasa harap namin. "But-" "No buts, woman," matigas na sagot ng lalaki na muling sinuyod ng mga mata ang kabuuan ko habang para akong tuod na nakatayo sa harap niya. "You're not my client, sir. There's someone who paid for me and my service-" Hindi ko natapos ang dapat sana ay sasabihin ko ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng sasakyan kahit di naman nilapitan ng kasama ko. Nagulat pa ako ng iglap lang ay hawak na ngayon ng lalaking kasama ko ang braso ko. "How much do you want?" tanong nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong ng kaharap ko. Chance ko na ito na makakuha ng malaking halaga na kailangan namin para sa operasyon ni Ailee. "If I give you my price, sir, are you willing to pay it in full?" kinakabahan na tanong ko. Tumaas ang dulo ng kilay ng lalaking kaharap ko maging ang gilid ng labi niya. Marahang gumalaw rin ang kan'yang ulo habang seryosong nakatitig ang kulay blue niyang mga mata sa mukha ko "Name it," tila walang pakialam na sagot ng kausap ko. Napalunok ako. Kapag sinabi ko, malaki ang chance na may makuha akong pambayad sa operasyon ng kapatid ko. Pagkakataon ko na ito at hindi ko na dapat sayangin pa. "Six hundred thousand, sir," lakas loob at malakas ang kaba sa dibdib na sagot ko. "Deal," walang abog na sagot ng kaharap ko. Parang balewala lang sa kanya ang halaga ng perang sinabi ko, samantalang katumbas na ito ng buhay ng kapatid ko. "Are you sure that you're going to pay me, sir?" naniniguro na tanong ko. "Don't waste my time here by keeping on questioning me, Avery. Take it or leave it," matigas na sabi ng lalaking hindi ko alam ang pangalan, dahil wala akong lakas ng loob na magtanong sa kanya. Walang pagdadalawang-isip na tumango ako."I'm coming with you, sir, but please, I need to inform my manager that I can't perform with the guest she assigned for me," lakas loob na paliwanag ko. Ikiniling lang ng kaharap ko ang ulo at dinukot ang cellphone sa bulsa ng slack na suot niya. Saglit lang ay dinala sa katapat na tenga at narinig kong nagsalita. "Avery is with me; find someone else to replace her place tonight," parang makapangyarihan na utos ng kaharap ko sa taong tinawagan niya. Sa ginawa niya, alam kong hindi siya basta vip member lang sa club. Kinakabahan at dahan-dahang sumakay ako sa magarang itim na kotse. Iglap lang, nakita kong pumasok at umupo sa katapat kong upuan sa driver seat ang kasama ko at binuhay ang makina. "Fasten your seatbelt." Narinig kong utos ng kasama ko, habang nakayuko ako at hindi magkamayaw ang malakas na kabog ng dibdib ko. Daig ko pa ang huling sandali na ito ng buhay ko. Alam ko kung anong magiging resulta ng ginawa kong pagsama sa lalaking seryoso na nagmamaneho at nasa kalsada nakatingin ang mga mata. Hindi niya ako kinakausap at wala akong ibang naririnig kung 'di ang mga ingay at halo-halong tunog sa kalsada. Pumikit na lang ako dahil talagang kinakabahan ako. Sinabayan pa ito ng malakas na buga ng aircon dito sa loob ng sasakyan kaya lalo lamang akong nakaramdam ng panlalamig at hindi nakatulong sa sitwasyon ko ang manipis at kakarampot na telang suot ko. Abot-abot ang kaba at takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito habang mabilis na nagmamaneho ang lalaking wala akong ideya kung ano ang pagkakakilanlan. Basta na lang ako sumama sa kanya ng walang alinlangan, dahil ayaw kong sayangin ang pagkakataon na pwede akong kumita ng malaki ngayong gabi. Buhay ng kapatid ko ang nakasalalay, kaya kumapit ako sa salitang bahala na. Nagmulat ako ng mga mata ng naramdaman kong tumigil ang sasakyan at nakita kong nasa parking lot na pala kami ng isang building. Hindi ko na pinansin ang paligid. Nakita kong bumaba na sa sasakyan ang kasama ko at binuksan ang katapat na pintuan kaya mabilis na kinalas ko ang seatbelt at sumunod sa kanya. Para akong kuting na naghihintay lapain ng Leon habang humahakbang siya palapit sa akin. "Relax, I'm not going to eat you," halos pabulong na sabi ng foreigner na lumapit sa akin, malapit sa punong-tenga ko at hinaplos ang braso ko. "Not yet." Napatayo kasi ako ng tuwid ng lumapat sa likuran ko ang mainit na palad ng lalaking kasama ko. Pakiramdam ko ay nanuot ito sa balat ko at kumalat sa buong kalamnan ko. Kahit nangangatog ang mga tuhod ko ay humakbang ako kasabay ng lalaking kasama ko. Pakiramdam ko ay ang sikip ng apat na sulok ng elevator na sinakyan namin paakyat sa top floor ng building kung saan niya ako dinala. Kahit malakas ang aircon at malamig ang paligid ay para bang kinakapos akong huminga. Siguro ay ganito talaga ang pakiramdam dahil first time kong sumama sa isang lalaki, tapos estranghero pa at hindi ko man lang alam kahit pangalan niya. "Afraid?" mahinang tanong sa akin ng lalaking kasama ko. Natauhan ako at napasinghap na lang. Nakabukas na pala ang pintuan ng elevator at tumigil na ito pero hindi man lang ako humakbang palabas at parang tuod na nakatayo sa gitna. "I'm sorry," nahihiyang sagot ko at mabilis na humakbang palabas. Pag-bukas pa lang sa pintuan ng penthouse na pinagdalhan sa akin ng kasama ko ay niyakap agad niya ako. Hindi ko akalain na basta na lang ako susunggaban ng lalaking sinamahan ko. Para akong lutang at hindi malaman kung saan ikakapit ang kamay ko ng pumulupot ang braso niya sa bewang ko at hinapit ako habang parang gutom na sinisipsip at halos lapain ang mga labi ko. Ito ang unang pagkakataon na may lalaking yumakap at humalik sa akin. Nanginig ang buong katawan ko at halos sumabog dahil sa kaba ang dibdib ko. Sisinghap-singhap na huminga ako ng malalim ng pakawalan ng lalaking humalik sa akin ang labi ko at bumaba ang mainit na labi niya sa leeg ko. "Don't act like your virgin," sensual na bulong nito at pagkatapos ay pinasadahan ng basang dila ang balat sa leeg ko, paakyat sa punong-tenga ko, dahilan para manigas ang buong kalamnan ko. Sasagot sana ako ng hatakin niya pababa sa katawan ko ang manipis na robang suot ko at nahantad sa paningin niya ang halos hubàd na katawan ko. "It's not my thing to force a woman, lady. I'll pay you, so do your job," utos ng kaharap ko, habang para akong puno ng kahoy na nakatayo ng tuwid sa harap niya. Lumayo sa akin ang kasama ko at naglakad papunta sa sala at pagkatapos ay umupo sa sofa. "Take it off," utos pa nito at ikinumpas ang hintuturong daliri sa kanang kamay. Kagat ang pang-ibabang labi na napalunok ako. Nanginig na inabot ko ang hook ng bra na suot ko at dahan-dahang kinalas sa harap ng lalaking pinagmamasdan ako. Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagtama ng malamig na hangin sa exposed na balat ko. Hindi ko kayang tingnan ang lalaking nakaupo kaharap ko habang nakatayo ako sa harap niya at ginagawa ang gusto niya. "Not bad for the amount we agreed," sabi ng kaharap ko habang nakatitig sa hubàd na katawan ko at binasa ng dila ang pang-ibabang labi. Huminga ako ng malalim at tipid na ngumiti. Trabaho ang pinunta ko dito, kaya kahit mahirap at kinakabahan ako ay pilit na ginagawa ko. Para kay Ailee ay magsasakripisyo ako kahit pa ang kapalit nito ay ang dangal at pagkababaè ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD